promise

1.7K 95 12
                                    


**


LUMIPAS nag mga araw at nagkasakit na rin ako. Aminado naman akong saming dalawa ni Kathryn ako ang mas madaling magkasakit eh. Pero kahit na ganon, kahit na sobrang pagod na ko--hindi ko siya iniiwan. Kasi pakiramdam ko mas lalo akong magkakasakit kapag ginawa ko 'yon. 

"Nak, gamot mo." Pasimpleng sabi sakin ni Tita Min. Tinignan ko si Kathryn na kasalukuyang kausap si Trina. Tumalikod ako sakanya para di niya makitang umiinom ako ng gamot. Sinusubukan ko kasing di ipahalata sakanya. Hiningi ko na rin 'tong pabor sa mga tao dito. 

"Ngayon daw pupunta na naman si Doc." Sabi sakin ni Tita Min habang nag-aayos ng mga gamit. 

"Po? Diba kakapunta niya lang po kagabi dahil dun sa results nung last?"

"Oo nga eh. Pero may sasabihin raw siya satin." Tumango ako at tumulong mag-ayos. Pero napatingin ako kay Tita nang may sinabi pa siya. "Gusto niya raw andito buong pamilya." 

Namumuo ang mga luha sa mga mata niya pero sinubukan niyang pigilan 'yon dahil baka makahalata at marinig ni Kathryn. "Tita.."

"Kaya pupunta silang lahat mamaya. Bandang alas kwatro." She bit her lip at pinigilan ang pagiyak niya. Napaiwas ako ng tingin at pumunta kay Kathryn. 

"Tangi?" 

Tumingin lang siya sakin. Nagtatanong. "Labas lang ako saglit ah?"

Ngumiti siya at tumango. "Sige, take care ah?" 

"Yes, diyan lang ako." I said at hinalikan ang noo niya. "I love you."

"I love you, too."

Hindi ko na yata mabilang ilang beses akong naga-Ilove you sakanya sa isang araw. 

Pagkalabas ko, umupo ako sa nakalagay na mga upoan don. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Mama. 


"Hello? Nak?"

"Ma..." Napapikit ako at napalagay ang kamay ko sa may noo. "Ma..."

"Nak..? Anong..anong nangyare?"

"Ma, pwede ba kayong pumunta dito? Kahit kayo lang ni JC or Papa..ma.." 

"Anak, sagutin mo muna tanong ko. May nangyare ba diyan?" 

"May sasabihin daw kasi si Doc mamaya. Gusto ko andito kayo. Kailangan ko kayo, Ma." 

Ilang segundo siya natahimik at iyak ko lang ang naririnig ko. "Oo, DJ." She cleared her voice. "Punta kami diyan. Okay? Magpakatatag ka, anak, ha?" 

"Salamat, Ma." 

Nang inoff ko na ang call, napasandal ako. 

Hindi ko kaya. Hindi ko alam anong mangyayare sakin. 

--

Nakatayo kaming lahat, nakapalibot sa kama niya.
Andito na kasi ang Doktor ni Kathryn. 


Hinawakan ko ang kamay niya... nginitian niya lang ako. Bakit ganon?Bakit ang ganda mo parin?

"What do you have now, Doc?" Tanong ni Tita Min sa Doktor ni Kathryn. 

Pero tuwing tinitignan ko ang Doktor niya, nasasaktan ako. Yang mga tingin na ganyan... iba. May iba. May ibang parang hindi ko magugustohan.May ibang parang ayaw ko'ng pakinggan.



He looked down and scanned the papers. Tinignan ko siya, si Kathryn at sakin lang pala siya nakatingin. Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti na naman. Gaya ng dati.










"Stage 4"


Stage4.... Hah. Parang kahapon, stage 2 pa 'to ah? Bilis.


Hindi ko pinahalata. Hindi ko pinahalatang nawawalan na ako ng pag-asa.

Kailangan ko na naman siyang tignan. Para mabuhayan ako. Para maging okay ako. Isang ngiti niya lang, nawala lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko. Pero bakit sa tuwing tinitignan ko ang mga mata niya....parang dinudurog ako? Hindi ko kaya.


Biglang lumabas si Tita Min at Tito Teddy. Habang lahat kaming naiwan ay nanatiling tahimik. Lahat nagpipigil ng iyak.


Umupo ako sa gilid ng kama niya. Hinalikan ang kamay niya at....





"Kaya pa, di ba?"


Lagi kong tinatanong sakanya 'yan.


Pero ngayon, mukhang hirap siyang sagutin 'to. Hirap na hirap siyang ipaliwanag sakin na hindi na? Na hindi na niya kaya?

Pero ngumiti siya. Gaya ng dati. Parang hinahanap niya ang tamang mga salita. Parang...sinusubukan niyang humanap ng salita na hindi dudurog sakin. 


"Para sa'yo, kaya pa."

Hinalikan ko ang mga kamay niya. "Kathryn, 'wag mo kong iiwan ah. Please."

"I won't." Nakita kong may luhang nagmula sa mga mata niya. "I promise, I won't."

And I promise to do the same.


**




Malapit na po, wait lang. Hahahaha <3 

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now