familiar

1.5K 67 0
                                    

**

DANIEL

"KUMALMA ka, tol. Kumalma." Pagbasag ni Dominic sa ilang minutong katahimikan na bumabalot sa kwarto ko at tanging ang tunog lang ng mga paa kong naglalakad pabalik-balik sa parehong lugar. Andito sila ngayon sa kwarto ko. Tangina naman kasi, diba. Ang ayos at normal lang ng simula ng araw ko pero heto sila—sabay-sabay pa talagang pumunta at ipinaalam saking nakauwi na siya.

Si Dom, Patrick, Joshua, Khalil, Marco at Diego. Talagang sabay silang pumunta at binulabog ang buhay ko.

"Nasan na raw siya? Anong oras siya dumating?" I asked as I run my fingers through my because of frustration. Why is it so sudden? Nung isang linggo ko pa nalaman na uuwi na talaga siya di naman ako handang ngayon na pala agad.

"Kaninang madaling araw daw. Tapos nasa condo raw eh. Hindi ko alam kaninong condo. Yun lang sinabi sakin ni Trina." Si Marco ang sumagot. Tumango-tango ako habang palakad-lakad pa rin. Humihinga-hinga rin ako nang malalim dahil kinakabahan talaga ako, puta. Pano kung magkita kami mamaya? Makita ko siya somewhere? Anong sasabihin ko? Maggi-greet ba ko sakanya? Kakausapin niya kaya ako pag ginawa ko 'yon? Ano?

"Tangina. Tanginaaaa." Pumikit ako at huminto. Tsaka tumalon-talon sa pwesto ko. "Woooh!"

"Gago 'to. Hoy! Nahihilo na ko sa'yo!" It's Diego. Tumayo pa siya at hinila ako para umupo. "Kinakabahan ako!" Sabi ko sakanya.

"Deej, for sure mananatili lang 'yon si Kathryn sa kung nasaan siya. Di yon magpapakita sa kahit na kanino satin. Baka sa kasal pa ni Pamu mo 'yon makita."

"At pano mo naman nasabi 'yan?" Umiling siya at bumalik sa pagupo na nasa harap ko lang din. Katabi niya si Joshua na siya namang sumagot sa tanong ko.

"Diba depressed daw si Kath?" Nag-aalangan siyang tignan ako na para bang ingat na ingat siya sa sasabihin niya. "Sabi kasi ni Tita Min di na raw mahilig makihalubilo si Kath sa mga tao at di na raw siya gaya ng dati. She prefers staying at home, alone. Or with that guy na kaibigan niya sa Belgium." Nginitian pa ko sa huli niyang sinabi at nagkibit balikat. Tinaasan ko lang ng kilay at sinamaan ng tingin.

Sabagay. Totoo naman. Baka di ko rin siya makita kaya kailangan kong mag hunos dili.

"Kelan pa yung kasal ni Pamu?" Tanong ko sakanila.

"Next week tol. Next week. Wednesday, next week." Patrick.

Pucha. Ang lapit na non! Monday ngayon eh. Haha. Pero wala, malapit pa rin!

"Pare ano ba yan para kang magsspeech sa harap ng buong mundo sa itsura mo."

"Realtalk, natatae ako, pare." Totoo yan. Natatae talaga ako sa kaba. Hindi ko alam. Basta eto talaga nararamdaman ko ngayon. Sobrang lakas pa ng kabog ng dibdib ko ayaw huminahon.

"Alam mo, DJ. Maglaro nalang tayo ng basketball, tara." Tumayo na si Marco at sinang-ayunan naman din nila. Kaso parang di ako makatayo eh. Gusto ko nalang manatili at manlumo dito sa kwarto ko.

"Pre, wag na bading. Para naman din medyo makalimutan mo yang si Kathryn."

Pumikit ako at sinandal ang ulo ko saglit.

Kaba-kaba ka pa.

Kung di ka lang kasi napaglaruan ng tadhana eh.

Pero gago ka pa rin pala. Di mababago 'yon.

"Tara!" Sabi ko at tumayo. Makapaglaro nalang muna baka sakaling makalimutan ko siya. Baka sakali.

--

KATHRYN

"YUNG mga gamot mo? Nainom mo na?" Nakatingin lang ako sakanya habang siya nagsusulat. Nags-skype kami ngayon ni Carl habang may tinatapos siya sa work niya sa bahay.

"Yes, kani-kanina lang po." Sagot ko.

Tumingin siya sakin saglit at ngumiti. "Very good."

Carl is actually good-looking. Bonus nalang talaga ang pagiging gwapo niya. Kasi sa ugali niya pa lang sobrang ideal na. Mabait, matalino, may sense of humor, mahal ang pamilya, may takot sa Diyos, maalaga... Lahat na. Lahat na ng hahanapin mo sa isang tao nasa kanya na.

"I miss you already." Hindi ko namalayang naiiyak na pala agad ako. Napatingin kasi siya sakin dahil sa sinabi ko at sa tono na rin ng boses ko.

"Pano kung makita ko sila? Pano kung umatake yung takot ko? Pano kung bumalik na naman lahat? Pano 'yon, Carl. Pano kung—"

"Sssh, Kathryn. Kath.." Kita kong hinahawakan niya yung screen ng laptop niya na para bang hinahawakan niya ko.

"Pano 'yon? Wala ka.. walang magpapakalma sakin. Carl... Pano kung makita ko sila?" Humagulhol na ko at di ko na napigilan. I closed my eyes and put my hands on my head.

"All my bags are packed.. I'm ready to go... I'm standing here, outside your door..." Naramdaman ko ang pagkalma ng paghinga ko. Bumalik na ito sa dati but still, my eyes are closed.

"I hate to wake you up, to say goodbye... but the dawn is breaking it's early mourn, the taxi's waiting he's blowing its horn.. already, I'm so lonesome, I could die.." I gradually opened my eyes and the vision's still blurry. But I can see the relief in his smile.

"So kiss me and smile for me.." He sang this part sweetly and slowly. Tears are still falling but I'm smiling already. My heart is beating so fast and I'm crying because this feeling is so familiar. I felt this years ago. It died down but I feel like it's been revived.

"Carl..."

"Tell me that you'll wait for me..." Pagpapatuloy niya. "Hold me like you'll never let me go... 'Cause I'm leaving on a jetplane, I don't know when I'll be back again...oh babe, I hate to go."

**

Sorry sa typos coz phone lang gamit ko huhuhu. I will edit this once it is finished. More than 15 chapters pa, but the update will be regularly na. So yun lang. :))) Watch CHFIL pa guys! I watched thrice na bit still, nakakakilig pa rin! Hahaha.

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now