temporarily

3K 94 17
                                    


Kendall Jenner is back in TP. Chos. Hahaha.

**

"SAAN ba sched ni Kath ngayon?" Tanong ko sa hangin habang naka sakay kami sa van.

"Hindi ko alam, e. Text ko." Sagot naman ni Lester na ngayo'y nagbabalik. Nag-aaral na kasi siya kaya 'di na masyadong nakakasama sakin. Pati na rin sila Seth, Katsumi. Kahit na may mga GIG sila minsan—sa iba't-iba nilang banda.

"Subokan mo, dali." Sarkastiko ko'ng sabi. Ngumiti naman siya at nagsimulang magtype. "Yesss, sige-sigeeee."

Binato ko sakanya ang plastic bottle na nasa gilid ko lang. May lamang konting tubig pa 'yan. "SUBOKAN MO NGA!"

Kumunot ang noo niya at nagtype na naman. "Kaya nga susubokan 'di ba? Ito na nga!"

Sinipa ko siya agad. "Tangina, Les, ha."

Nagtawanan naman lahat ng andito. Si Les, si Pat si Marco. Sinamahan nila ako sa isang photoshoot ko para sa Honda. Sunday kasi at wala rin silang magawa kaya sumama nalang.

"G na g hahahaha!"

"Kaya talaga nakaka-miss rin 'tong sina Les, eh. Sana sunod sumama naman sila Seth at Kats."

"Busy 'yong mga gagong 'yon. Lam mo na, first time maka-experience ng thesis. Taong gubat kasi." Natatawang sabi ni Les kina Pat.

"Gago, ikaw ba? Tapos ka na?"

"Oo, 'tol. Easy." Mayabang niyang sagot. Napailing nalang kami. Kasama naming driver ko. Sila Kuya Rye naman, umuwi na. May sasakyan naman 'yon sila kaya hindi na sumabay sakin.

"Ay, tol, alam ko na asan si Kath. Tinext ko si Arisse, alam daw niya."

"AYIIEEEE"

"ULOL!" Inis na 'yan agad. Ewan ko ba. Parang tanga tong si Patrick. Mahal pa naman niya—halata naman masyado pero hindi ko alam ba't ayaw niya pa pormahan ulit—ay, may boyfriend na nga pala.

"Haha, asan daw 'tol?" Tanong ko. Hindi kasi nagre-reply. Basta ang alam ko lang may pictorial 'yon. Hindi ko lang alam saan.

"Wait, send ko sa'yo address." Hindi na 'ko sumagot. Nakakatamad magsalita, e. Umupo nalang ako nag-relax. Sinabihan ko si Manong na doon kami dumiretso. Sa pinakita ko'ng address. Pero bago muna kami tumuloy doon ay dumaan kami sa yellowcab. Last night pa kasing nagc-crave si Kathryn nun, e. Buti nalang naalala ko.

"Tol, kumust naman? Anong plano? Malapit na 21st birthday ni Kath, ah?" Tanong sakin ni Marco. Oo nga. "Basta, sabihan ko lang kayo."

"Baka mamaya olats 'yan."

"Oo, olats 'yan. Mas magaling pa 'ko magplano diyan, e. Kung ako lang talaga naging jowa ni Kathryn." Siyempre, humirit na naman 'tong kaibigan ko'ng deads na deads sa girlfriend ko—joke. Siyempre joke lang. Kung totohanin niya man baka ako pa maglibing sakanya.

"Malas mo hindi ikaw."

"Oh well, papel, pwede namang agawin." Sinamaan ko siya ng tingin. Just the thought na aagawin sakin si Kathryn ay nakakapang-hulk. Pabiro man o hindi.

"Nagle-laser eyes ka na naman diyan, tol." Umaksyon pa siyang tinatakpan ang mukha ko. Parang g-go.

Te-text ko na sana si Tita min na papunta na kami pero naisip ko na surpresahin nalang sila. Kahit na lagi nila akong nakikita. Haha.

TURNING PAGESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon