In perpetuum

4.9K 145 23
                                    




**

Mahal may sakit ako


Mga salitang akala ko ay tatalab. Olats pa rin pala. Hindi parin siya makakapunta kasi may shoot sila sa isang magazine cover na naman. Dami dami na niyang kino-cover, buwan-buwan na lang! Nakakainis na. Okay lang sana kung okay lang yung mag isusuot pero hindi. Ang iiksi. Ang se-sexy. Hindi man lang nila naisip na pwede kong mabuntis si Kath dahil dun? Inang 'yan. Mawawalan sila ng cover girl! Dapat naisip nila yunn Tagal-tagal ko ng nagpipigil... nilalagnat tuloy ako. Gaya ngayon.


Hindi loko lang, nilagnat ako dahil nagbasketball ako magdamag tapos naulanan. But that's part of it. Kagabi, nagkasama kami ng mga 30 minutes. Then when she commanded me to go home, nagsimula na yung lagnat ko. Kaya nga ngayon, tinext ko siya. Gusto ko kasing siya mag-alaga sakin. Oo ako na. Ako na ang pinaka OA na boyfriend.


Love, I know. Tita told me about it take ka na ng med okay?


Kahit kailan talaga ang daldal nung si Karla. Hindi ko pa nga nasasabi, nalaman niya na. Ngayon-ngayon lang din siguro kasi kakalabas lang ni Mama pinapainom ako ng gamot. Eh sa ayoko.


Ma, punta ka dito :(

Napapikit ako sa sakit ng ulo ko. Nasisira na nga yata ang ulo ko. Literal.

Maya-maya, bumukas na naman ang pinto. This time, si Magui na.


"Kuya? Take this na." Bilis-bilis. Nakaupo agad sa kama ko. Nagtalukbong lang ako ng kumot pero pilit niya itong tinatanggal. "Kuya, don't be childish nga! Ate Kath told me to do this!" And there, tinanggal ko pagkakatalukbong ko ng marinig ko ang pangalan niya. Agad namang napairap si Magui sa inakto ko.


"Oh my God. Ang lakas ng tama." Gusto kong matawa pero kailangan ko'ng um-acting para sabihin niya kay Kath na gusto kong siya lang magpapagaling sakin. Kasi diba, nagte-text sila. Nakakatawa kasi si Magui, napa-pikit pa siya tapos nagtalog siya. Minsanan lang yan. Once in a blue moon.


"Ano sabi niya?" Tanong ko sakanya. Hawak-hawak niya padin yung gamot tsaka yung isang baso ng water.


"Sabi niya, uminom ka na raw."


"Yun lang?"


"Hmm-hmm." Sabay inabot sakin. Umiling ako at nagtalukbong ulit. Tss. Narinig kong napa 'Sh-t' si Magui. "Kuya kasi! Ano ba yan! Don't be so hardheaded na nga! She can't come because appointments duh." Kung hindi ko lang talaga kapatid 'to, iisipin ko'ng anak 'to ni Kris Aquino eh.

Tinignan ko siya. "Sabihin mo, gusto ko siya. Dito. Siya. Dito mismo. Ayoko niyan. Siya lang!" Ini-emphasize ko bawat word na sinasabi ko. Totoo kasi 'yon. Siya lang. Bahala siya.


Tumayo na siya, "She can't come nga! Kakasimula palang ng pictorial nila, my God. You're such a headache. I don't know why she can still stand you." She said, almost a whisper. Tumalikod nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext na naman siya.


Mahal, ayoko sakanila. Ikaw lang gusto ko


"Kuya, ayaw mo talaga?"


Hindi ako sumagot. Silence means yes. Yes for ayoko talaga.


"Kfine." At narinig ko na ang pagsara ng kwarto ko. Napaharap ako sa ceiling. Jusko po.  Sumasakit lalo ang ulo ko. Tangina kasi, bakit ngayon pa.


Love, I can't go there and you know that.. please take care of yourself. for me?

Ayoko pa din. Hindi nalang ako nag-reply. Tss. Imbis na matulog, nanood nalang ako ng mga videos namin sa cellphone ko... nakakamiss lalo. Nag-scroll ako ng iba naming pictures at nagpost sa private instagram account ko. Meron kaming private na instagram accounts at ang nakakaalam lang nito ay mga close friends and families namin. May iba ding friends lang pero mapagkakatiwalaan. The reason din kaya di ako nagpo-post masyado sa public account ko ay lagi naman akong nagpo-post sa private acc ko.

TURNING PAGESOn viuen les histories. Descobreix ara