friends

1.7K 75 4
                                    

**

"SI Athena magpipray oh."
Pagturo ni Marco kay Athena. "Ba't ako?" Tanong niya rito. Tinawanan lang siya nang mga kaibigan niya at sinabing siya nalang. Wala na siyang magawa dahil mukhang handa na ang lahat para magdasal. Umirap nalang siya bago tumahimik at sumunod ang pagdarasal. Pagkatapos ay nagkainan na sila. Di naman gaano karaming bisita. Halos lahat kilala lang din nila Daniel at Kathryn.

Nang matapos ang dinner ay naisipan nilang maginuman. Hindi pa rin nagkakalayo si Kathryn at Daniel. Mukhang pinanindigan nga ni DJ na lagi lang siyang nakatabi kay Kath.

Nasa living room sila ngayong magkakaibigan. Katabi ni Kathryn si Daniel sa kanan habang si Pamu naman sa kaliwa.

"Sino kaya susunod na ikakasal?" Natanong ni Marco.

"Feel ko si Patrick na eh." Sabi naman ni Marlann. "Bakit di mo ko naisip Marlann? Ako muna hoy." Sabat naman ni Diego. Tumawa lang sila at kinantiyawan ito.
"Eh ikaw DJ?" Napahinto sa paginom si Daniel nang bigla siyang pinansin ni Joshua. Halatang nang-aasar ito dahil iba ang ngiti sakanyang labi.

Sinamaan ito ng tingin ni DJ. "Wala."

"Ba 'yan! Magmemenopause yata muna ako bago ka magkagirlfriend eh!" Pagbibiro ni Alora.
Napapatingin-tingin lang din naman si Kathryn sa kanila at nakikitawa. Hanggang sa siya naman ang pinansin ni Joshua.

"Eh ikaw Kathryn?"

"Hmm?" Nagulat siya. Ano na namang trip neto?

"Ano yung gusto mo sa isang lalake?" He wiggled his eyebrows.

"Basta tanggap niya at mabait siya sa anak ko. Yun talaga pinaka importante." Naisip din kasi ni Kathryn na konti nalang ang lalakeng tatanggapin ka lalo na pag may anak ka na. Kaya para sakanya, what matters most is a person who will accept and love her son dearly. She automatically thought of Daniel.

"Ayun! Parang may kilala akong ganyan!" Sabi ni Joshua. "Si Mikey yan!"

Nakatanggap naman siya agad ng masamang tingin mula sa katabi ni Kathryn. Pero mas ikinatawa pa ito ng mga magkakaibigan. Halata kasing nabadtrip siya sa sinabi ni Joshua. Ang malala, nakisabay pa si Kathryn.

"Talaga? Sige nga ipakilala mo 'ko." She crossed her arms and playfully smiled.

"Ay g siya oh!" Natatawang sabi ni Pamu. "Wala ka bang manliligaw ngayon?" Pagcoconfirm naman ni Pamu na halatang may ipinapahiwatig din.

"Wala naman." Patuloy lang na pagsabay ni Kathryn. Wala naman talaga.

"Eh si DJ ba? Okay lang ba na may ireto kami sakanya?"

Halos lahat nanigas sa kinauupuan—even Kathryn when Joshuas asked DJ.

"Bakit naman ako yung tinatanong?"

"E siyempre kaibigan mo rin si Kathryn. Ay teka ano ba kayo?"

Huminga ito nang malalim bago sumagot. "Friends. Kaibigan."

"Ayun naman pala! Oh sige ha. Ise-set na namin to Kathryn. Crush ka nun, swear. Asa going bulilit ka pa lang! Hahahaa!" Nagtawanan sila pero yung iba may halong kaba na dahil iba na ang timpla ng pagmumukha ni Daniel John.

"Pogi ba yan? Akin nalang!" Sabi ni Alora.

"Heh, akin na nga diba?"

Napa-OHHHHHH naman sila maliban kay DJ at Kathryn.

Halos ibato naman ni Daniel ang hawak na baso sa sagot ni Kathryn. Buti nalang nakapagpigil pa siya. Umiwas na lang siya ng tingin at lumaklak pa ng alak.

TURNING PAGESNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ