Impaired

2.9K 99 18
                                    


**

"MA, please!"

Gusto ko'ng pigilan si Mama ngayon sa kung ano mang balak niyang gawin. Medyo hinihingal na nga ako kakasunod sakanya galing pa kaming garage. "Ma, 'wag mo nalang—"

"Kathryn!"

Napahinto ako ng sigawan ako ni Mama pagkaharap niya. A strong displeasure was painted on her face. And I really can see that she's impaired. Like me.

I can't help but be effusive and emotional. Namumuo na ang mga luha sa mga mata 'ko. And I'm afraid na hindi ko ito mapigilan. "Ma.." My voice is low.. Garagal na ito. At sa mga oras na yun wala na akong pake kung di pa kami nakakapasok ng bahay, wala na akong pake kung dito kami magdrama basta ayoko lang sabihin niya.

"Kathryn, may karapatan din siyang malaman ang sitwasyon mo." Pagdidiinan niya.

Umiling ako. "Ayoko ma...ayoko.." Mabilis ko'ng sabi sakanya. Ayoko. Ayokong malaman ni DJ...

"Anong gusto mo?! Itago nalang sakanya 'to hanggang sa mamatay ka na?! Ha? Ganon ba?!"

Hindi ako nakasagot. Maybe she was right but I'd rather be wrong. Christ, hindi ko kakayaning makita ang reaksyon niya pag nalaman niyang may sakit ako. Hindi ko kakayaning pati siya masaktan sa nangyayari sakin. Hindi ko kaya.

"Ma.... sasabihin ko naman sakanya—"

"My goodness!" Alam ko, kita ko na naiiyak na rin siya. "Alam nating pareho na nagsisinungaling ka! You will not tell him! "

"I will tell him pero 'di pa ngayon... Ma, please. 'Wag muna.." Nagmamakaawa ko'ng sabi sakanya. I was holding both my hands. Umiiyak, nagsusumamo.

"Kelan mo ba balak sabihin Kathryn?" This time, bumaba na ang boses niya. "Kapag kalbo ka na?" Her voice cracked and I swear, that's the most painful sound I ever heard in my entire life. "Kapag simpleng dampi lang ng damit sayo nasasaktan ka na?" I cried even harder when I saw how she breaks for me. How she cries while saying those words.

"Tell me, kapag ba nagsisigaw ka na sa sakit?"

I bit my lower lip. Pinipigilan ko ang sarili ko'ng mas umiyak. Kung may mas pa ba sa pagiyak ko ngayon...

"Kathryn, he has the right to know." Napayuko ako.

"Kung sino man ang taong kailangang maka-alam nito bukod sa pamily mo, it's DJ. It's your boyfriend." She said and then she turned her back from me.

Inilagay ko ang dalawa ko'ng palad sa mukha ko. Covering my face. At doon ako umiyak lalo. I can't even find the strength to move and go inside and act as if everything's fine and pretend na I am all right. I can't just do that because we all know that there are things that aren't going to get back like how they used to be. 

The real battle of life began when I collapsed on the 6th day of our shooting for our recent movie... sinong magaakala na simula na 'yon ng paghihirap ko. Hanggang sa pangalawang beses na ko'ng nawalan ng malay at may nararamdaman na akong kakaiba.

Kaya sinamahan ako ni Mama Min para magpa-check up.

Tingin ko nga mahihiya ang ibang bansang niyanig ng malalakas na lindol. Kasi para sakin, niyanig ang buong buhay ko noong buksan ko ang envelope na may lamang papel at may nakasulat na...



Glioblastoma multiforme

Nakakatawa pa nga kasi hindi ko pa naintindihan. Kumunot ang noo ko noong mabasa ko ang mga katagang 'yon. Tinignan ko ang Doctor ko na may halong pagtatanong. Tinatanong anong ibig sabihin nito. Pero sinenyasan niya ko'ng magpatuloy. At doon ako nalinawan.


Brain tumor

Wala ng tubig ang mas lilinaw pa dito. Nang mapagtanto ko parang lahat-lahat ng plano ko sa buhay kasama siya, kasama si Daniel parang biglang bulang nawala. Parang may kung anong bumulong sakin na "Wala na."

Nagbasa pa 'ko kahit na unti-unting nababasa ang papel na hawak ko dahil sa mga luhang pumapatak galing sa mata ko. Na kahit na unti-unti narin 'tong nalulukot dahil nanginginig ako.

Naka highlight pa nga doon ang mga salitang...


Classified as a Grade IV (most serious)

At

Deadliest

Habang nakatingin ako sa papel at di ko na nga naiintindihan ang binabasa ko, nagsalita ang doktor na nasa harap namin ng Mama ko.

"So, we figured out na you're already in stage 2." Dahan-dahan niyang sabi. I gulped and then looked at him. Pilit ko'ng pinpakalma ang sarili ko. Hinawakan rin ni Mama ang kamay ko. "So, we have to do Radiation Therapy."

"We'll do everything we can, Doc." Sabi ni Mama. Parang in that exact moment, hindi ko na alam paano magsalita, di ko na alam anong gagawin ko.

"If you want we will undergo a surgery muna. But in her case maybe it's already useless. So I prefer na we'll do Radiation Therapy na and then we'll go to Chemotherapy."

Nakatingin lang ako sakanya at nakikinig sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.


"Everything, Doc. Just make sure na magiging okay siya."

"To be honest Mrs. Bernardo, one therapy lang kung kaya pa but in her case kasi it's the deadliest so I suggested that we could do more than one."

Based on my peripheral vision, my Mom glanced at me. Napapikit nalang ako. Pagkamulat ko ulit, nakita ko'ng nakatingin sakin ang doktor ko. "We will be here and let's trust Him. Kaya ba nating maging positive lagi?" Ngumiti siya samin.

Hinigpitan ni Mama ang hawak niya sakin at tumango kaming pareho.

**

TURNING PAGESKde žijí příběhy. Začni objevovat