perfect time

2K 79 3
                                    

**

MONTHS have passed and Daniel became even more vocal of his feelings for Kathryn. Kapag walang training o laro ay pumupunta siya lagi sa bahay ng mga Bernardo. Alam naman na ng pamilya nila pareho at masaya sila para dito.

After that day, when he confessed his love that never left for Kathryn, he went to Carl. Kath found out about it weeks after because Karla told her.

Pagkatapos ng training ay pumunta na si Daniel sa bahay niya. Nagpahinga saglit at naligo ulit. Pupuntahan niya kasi si Kathryn sa office kung saan ito nagtatrabaho. Katulad pa rin ng trabaho niya before Belgium but a higher rank already. Sa Pilipinas na siya dahil andito ang pamilya niya at mas gusto rin dito ni Cade. Mas convenient para sakanila. DJ was happy about her decision. Atleast, makakasama niya ito lagi.

"Sir DJ, dito po ba kayo magdidinner?" Tanong sakanya ng kasambahay pagkababa.
Umiling siya at ngumiti. "Hindi na po. Birthday kasi ni Magui dun kami magdidinner." Alas dos pa lang ng hapon pero maaga niya kasing susunduin si Kathryn dahil maaga rin ang out nito. Nang tinanong niya naman kung saan ito magpupunta ito at sinabi ni Kath na baka magshoshopping nalang siya kaya nagpresenta siyang samahan ito since halfday lang ang training nila ngayon.

Nagmaneho siya sa kompanya nila Kathryn at naghintay nalang sa malapit na starbucks doon. Nagtinginan sakanya ang ibang tao roon. May iba ring nagbulungan pero hindi naman siya dinumog. Sa Makati naka locate ang company na pinagtatrabahuan ni Kathryn.

Tinext niya ito matapos magorder at makahanap ng lugar para makapaghintay.

Dj: Hi Kath. Andito ako sa Starbucks. I'll wait for you. May gusto ka bang iorder ko?

Kath: Wala naman. Okay wait for me nalang.

Dj: I'll wait for you. ☺️

Kath: Eww ano 'yan? Nabublush?

Dj: Oo. Nagbablush si Daniel Ford kay Kathryn Bernardo.

Kath: Ewww hahaha

Dj: Bilisan mo na. I can't wait to see you and be your tagabitbit.

Kath: Yes yes! Bili rin ako gift for Magui.

Dj: Okay then. Asan ka na? Dadaanan natin si Cade mamaya right?

Kath: Yes, okay lang ba sa'yo? Baka mahassle ka. Maguuber nalang ako.

Dj: Come on, Kath. I would love to accompany you and Cade all the time. 😌

Kath: Stop using emojisss naiimagine kita hahaha

Dj: Iniimagine mo ko ah 😍😍

Kath: 💩💩💩💩

Dj: Sige na. Hintayin kita dito.

Kath: ayt! See you

Dj: See you. I love you. 💘

Hindi na nagreply si Kathryn matapos non at nilagay naman ni DJ ang cellphone sa table. May ngiti sa labi niya matapos silang magkatext ni Kathryn.

Ilang minuto pa, nakita niya na si Kathryn na naglalakad papunta sa kung asan siya. Napangiti siya agad at awtomaktikong napatayo. Nang magkalapit na sila, hinawakan niya ito sa bewang at hinalikan sa pisngi.

"Na miss kita." Sabi ni Daniel kay Kathryn. Napairap naman ang huli at umupo na. "Mukha mo."

"Di kita nakita for two days." Masyado kasi siyang busy sa training.

"Oo  nga 'no? I bet youre tired. Sure ka sasamahan mo pa ko mag shop?"

"Oo naman. Nawala nga pagod ko nang makita kita eh." Seryoso niyang sabi na siya namang nagpapula kay Kathryn. "Tara na nga. Kung ano-ano pinagsasabi mo diyan." She rolled her eyes again and stood up.

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now