Overstressed(?)

5.9K 146 22
                                    


**

"KUYAAAAA!"

Napatingin kami nina Tita Anna sa pinto ng kwarto ni JC. Nanunood kasi kami ngayon ng movie, Seventh Son. Eh biglang sumigaw to'ng si Lelay.

"Oh?"

Hawak-hawak niya yung teddy bear niya na kasing laki niya lang din. I gave it to her last christmas.

"Ate Kath is hereeee." Nakangiti niyang sabi sakin. Tuwang-tuwa talaga siya tsaka si Magui pag nakakapunta si Kath dito ng walang ocassions or anything. Mahal na mahal ng mga kapatid ko si Kathryn. Mas mahal pa nila kesa saakin.

"Papuntahin mo dito." Utos ko. Sumimangot naman siya. "NO." Tapos tinalikuran ako at padabog na naglakad. Anong problema na naman non? Hindi naman sila pinunta dito, e. AKO.

"Hahaha! Alam ko kung bakit ayaw ni Lelay na papuntahin sayo." Sabi ni JC na nasa kama habang ako nasa baba.

"Bakit?"

"Tanungin mo. Teka—LELAY!" Tawag niya. Inutosan pa ko'ng tawagin pero siya rin naman tumawag. Labo din. Hahaha

Kaso nakababa na yata. Nakabukas lang ang pinto at hinihintay ko'ng pumasok na si Kath. Usually kasi pumupunta na sakin agad 'yon pero ewan ko ngayon, wala. Baka sinabihan nila Lelay na 'wag pumunta dito. Eh isa pa 'yon. Mas mahal pa yata sina Magui kesa sakin. Psh.

"Oo anak dito Ninang." Rinig ko'ng sabi ni Tita Anna kay Jordan na nakaupo sa lap niya habang nagde-dede.

Isa pa to'ng si Jordan na sagabal eh. Pag nagkasama sila ni Kath ayaw ng bumitaw. Kaya nga gusto kong ako ang pumupunta kay Kathryn. Ngayon kasi, sabi niya punta raw siya dito kahit gabi na. Nagpahatid kay Manong. Dito na siya mags-sleep kasi.... wala lang.

"Asan na ba 'yon." Inis na tumayo ako. Ke tagal-tagal!

Bumaba ako at nakita ko si Mama na may ginagawa. "Ma si Kathryn?"

"Kina Magui ata."

Kaya doon na 'ko nagpunta. And there, nakita ko silang nasa kama habang nagpi-picture. May dala ring paperbags si Kath. Tapos si Lelay iba na damit. Pinamili niya yata kina Magui. Sus. Punong-puno na nga closet ng mga 'yan.

"Bal.." Napatingin silang tatlo sakin. Si Lelay nanlaki pa ang mata. "Monster!!!" Napakunot ang noo ko. Siraulo din tong kapatid ko. Manang-mana lang sakin!

"Hoy. Tigil niyo 'yan." Lumapit ako sa kanila at umupo. "Lika na bal."

Tumayo si Lelay sa kama. "NO NGA KASI!"

"Problema mo, matulog ka na." Si Kath, nakangiti lang habang tinitignan kami.

"Nakakainis ka Kuya! You're so annoying!!" Nanggigigil niyang sabi sakin. Tek na 'yan. "Bakit nga kasi?"

"Everytime na pumupunta dito si Ate Kath lagi mo siyang kinukuha samin." Sabay salampak sa kama niya. "Tapos pag nags-schedule kami for our girls day out, you're so epal. Lagi ka sumasama!" Natatawa nalang ako sa kapatid ko. Nagtatampo pala. Sabi na eh. Mas mahal niyan si Kath.

"Eh siyempre boyfriend ako ni Ate Kath mo."

"Eh kahit na! Doon ka na! You're always with Ate Kath. Ate Kath is naaalibadbaran na to you." To'ng batang 'to! May ganon ng nalalaman. Si Magui naman nags-scroll sa phone niya. Lampake.

"Doon ka na! Doooon!" Tinulaktulak niya 'ko hanggang sa nahulog na 'ko! Anak ng putcha. "There!" Sabay crossed arms.

"Hahahaha! Bal, sunod nalang ako sayo." Aba-aba. Napatayo ako at hinawakan siya. "Nood tayo ng movie, tara." Nginitian niya lang ako. "Gusto kasi ako ni Ate Kath maka sama and talk." Sabat na naman ni Lelay.

TURNING PAGESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon