Ika-apat na Kabanata

3.2K 176 13
                                    



Park Chanyeol.

Nandito kami sa ospital ngayon. Akala ko ako lang at buong pamilya ni Baekhyun ang pupunta dito pero nagulat ako nang makita ko si Sehun sa labas ng bahay nila, kaya imbis na sa sasakyan ko sumakay si Baekhyun at iyong buong pamilya niya, sa sasakyan ni Sehun sila napasakay. Buti na lang napadpad bigla si Chen doon sa village nila Baekhyun. Ewan ko ha, pero malakas ang kutob ko na nag-sstalk si Chen, hindi basta-basta maliligaw iyan. Isa yata siya sa mga pinakatsismosong lalaki na nabuhay sa balat ng lupa.

"Kunot na naman yung noo mo," sinubukan ni Chen na gawing straight iyong noo ko pero tinabig ko lang siya. Nasa operating room na kasi Mama ni Baekhyun. Si Baekhyun? Ayon, nakayakap kay Sehun. Tsk! "Selos ka ano?"

"Haynako, Chen. Isa pa talaga. Bakit ka pa ba kasi sumama dito?" Minsan kasi nakakairita na rin si Chen. Minsan gusto ko na lang sapakin pero respeto pa rin. Kahit na ganyan iyan hyung ko pa rin iyan. 2 months lang naman.

"Ikaw kaya nagsama sa akin! Bigla mo na lang akong pinapasok sa sasakyan mo. Ang sarap ng jogging ko eh," nagdemo pa siya. Ugh, kakainis.

"If I know naman sinadya mo talagang mapadpad doon sa village nila Baekhyun. And knowing you? Tamad kang maglakad, tumakbo pa kaya? Nako not me, Chen," pinalo niya ako nung towel niyang puno ng pawis. Kadiri talaga!

"Ang sama mo sa akin! Hindi ba pwedeng magbagong buhay?" Napahawak ako sa baba ko, minsan masarap din kaasaran itong si Chen basta nababara.

"Pwede naman," ngumiti siya ng malapad. "Pero you're an exception," inambahan niya akong babatuhin ng towel pero hinilamos ko na lang iyong palad ko sa mukha niya. Ayaw na ayaw niya kasing ginagawa ko sa kanya iyon, palibhasa kayang sakupin ng isang palad ko iyong buong mukha niya.

Hindi ko ata kayang tagalan iyong kaabnormalan ni Chen kaya tumayo na lang ako at sumilip doon sa pintuan ng OR. Kasalukuyang may tinatahi iyong Daddy ni Suho hyung sa dibdib ng Mama ni Baekhyun. Ilang oras na sila sa loob, parang magta-talong oras na pero hindi pa rin tapos iyong operasyon. Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng ulo sa malapad kong likuran. Aba ganito pala yung malungkot na Baekhyun, clingy.

"Magiging ayos din ang lahat," ngumiti ako at ginulo ng bahagya iyong buhok niya. "Ayan na! Tapos na sila, Baekhyun!" Nakita ko na kasing nagtanggal ng surgical gloves at mask iyong Daddy ni Suho hyung.

"Kamusta na po Mama ko?" Tanong ni Baekhyun sa Daddy ni Suho hyung na kakalabas lang ng OR.

"Successful iyong operation though kung hindi pa naagapan baka hindi na natin naisalba ang buhay ng Mama mo, stage 3 na kasi. Kumalat na yung cancer cells, pero himala na rin siguro na hindi gano'n kalala iyong pagkalat nito. Kung tutuusin parang stage 1 lang iyonh cancer niya," lahat kami nakahinga ng maluwag sa sinabi ng Daddy ni Suho hyung. "Ah. Chanyeol, pwede ba kitang makausap privately?" Tumango na lang ako.

Pagkatapos, nag-excuse na iyong Daddy ni Suho hyung dahil may aayusin pa raw siya. Inutusan ko naman si Chen na bumili ng makakain namin para sa lunch, noong una ayaw niya pa kasi nga maglalakad lang siya, there's no way na ipapagamit ko sa kanya iyong sasakyan ko ano! Mabuti na lang at nag-volunteer si Sehun na samahan siya kaya ayan, umalis si Chen kasama niya.

"Papa, Baekbom hyung," napangiti na lang ako dahil sa pag ngiti ni Baekhyun. Contagious talaga ang ngiti niya. Sobrang nakakahawa. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya nilapitan niya ako at niyakap. "Salamat, Chanyeol. Utang namin sayo iyong second life ni Mama."

Napakamot na lang ako ng batok. "Ah, wala iyon. Wala naman akong naitulong kung tutuusin."

"Pero ikaw iyong nag-suggest dito. Salamat talaga, Chanyeol."

[COMPLETED] Untouchable BWhere stories live. Discover now