Ikalabing-dalawampu't anim na Kabanata

1.7K 94 55
                                    



Park Chanyeol.

Umalis muna sina Kai at Kyungsoo dahil mag-gagabi na at kaylangan namin ng pagkain dito. Ayaw naman akong iwanan nila Minseok hyung, Suho hyung, at Chen kasi baka raw mag-suicide ako, parang mga baliw lang talaga. Buong araw akong naghihintay na dumating si Baekhyun dito pero wala talaga. Oo, si Sehun at Luhan hyung dumating pero hindi nila kasama si Baekhyun. Ang sabi lang ni Sehun umalis daw si Baekhyun ngayon at hindi nagsabi kung saan siya pupunta. Ang sakit lang na pinaninindigan niya talagang wala na kami. Tinanggap ko na ngang hindi talaga siya pupunta dito sa ospital at babantayan ako pero iyong hindi man lang siya nagsabi kung saan siya pupunta ay nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko.

 Tinanggap ko na ngang hindi talaga siya pupunta dito sa ospital at babantayan ako pero iyong hindi man lang siya nagsabi kung saan siya pupunta ay nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakailang texts at tawag na rin ako pero parang hindi naman niya iyong natatanggap dahil out of coverage area iyong number niya. Sabi rin ni Sehun hindi rin siya kinakausap ni Baekhyun. Pagkauwi raw nila kanina dumiretso lang sa kwarto si Baekhyun at lumabas lang siya noong aalis na siya.

"Chanyeol, kanina pa kita kinakausap hindi mo naman ako pinapansin! Sa laki ng mga tenga mong iyan hindi mo man lang ako naririnig?!" Napabalik na lang ako sa katinuan nang biglang piningot ni Chen iyong dalawa kong tenga.

"Aray, Chen!" Ginantihan ko naman siya ng paghilamos ng palad ko sa mukha niya. Kung naiinis niya ako sa pagpuna ng malaki kong tenga, nagagantihan ko naman siya sa pagbubusangot ng mukha niya.

"Parang tanga kasi ako dito! Nakatingin ka nga sa akin pero iyong utak mo dala-dala ni Baekhyun!" Just the mere mention of his name made my heart ache again. Wala na ba talaga kaming pag-asa? Tuluyan na ba talaga siyang bumitaw sa akin? "Nako! Minseok hyung, Suho hyung, dapat talaga hindi natin iwanang mag-isa si Chanyeol. Baka talaga maabutan na lang natin itong dilat ang mata o kaya nagsho-shower na ng sarili niyang dugo!"

-

-

"Shifting dapat tayo ng pagbabantay kay Chanyeol sa bahay nila. Kahit na ba kasama niya si Yoora sa bahay, kaylangan may nakamasid sa kaniya sa loob ng kwarto niya diba, Suho?"

"Oo, sige. Tutal bukas naman lalabas na si Chanyeol ng ospital, ako na muna ang magbabantay sa kanya tapos ikaw sa susunod na araw Chen, tapos ikaw Minseok, tapos si Kyungsoo, at panghuli si Kai. Tapos ako ulit, paulit-ulit lang tayo hanggang sa masiguro natin na hindi na magpapatiwakal si Chanyeol."

Napailing na lang ako sa pinag-uusapan nila. Para kasing wala ako dito at hindi ko naririnig iyong mga kabaliwan nilang naiisip tungkol sa akin kung makapagsalita sila. Totoo nga iyong sinabi ni Chen na dumadaloy sa dugo nila iyong may pagka-ewan mag-isip. Ngayon ko lang siguro ma-encounter iyong ganitong side ni Minseok hyung at Suho hyung. At tingin ba talaga nila magsu-suicide ako? Gano'n na ba ako mukhang kaawa-awa at malapit ng mawalan ng pag-asa sa buhay? Hindi ko alam kung maiinsulto o matatawa ako sa iniisip nila pero natawa na lang ako kasi mas baliw pa sila sa akin eh.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon