Ikapitong Kabanata

2.6K 125 147
                                    



Byun Baekhyun.

Napaigtad ako nang maramdaman kong may mga bisig na pumulupot sa bewang ko habang may mainit naman na paghinga ang tumatama sa parteng leeg ko. "Good morning. Bakit ang dami mo atang niluto?"

Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabalot ng mga clubhouse na ginawa ko kanina. Maaga kasi akong gumising para ihanda lahat ng mga kakailanganin namin ni Chanyeol mamaya. Napagpasiyahan ko kasing magbakasyon kahit ilang araw lang dahil kitang-kita naman sa mukha ng asawa ko ang sobrang stress at kapaguran dala ng pagiging subsob sa trabaho.

"Aalis po kasi tayo ngayon," sagot ko at naglakad papunta sa kitchen counter para maghugas ng kamay. Napailing na lang ako kasi hindi man lang bumitiw sa Chanyeol sa pagkakayakap at para kaming baliw na hirap na hirap maglakad dahil sa ginagawa niya.

"Pero ayaw kong umalis. Gusto ko dito lang sa bahay ngayong araw," para namang bata na naupo sa stool si Chanyeol habang binubuksan iyong isang nabalot ko ng clubhouse. He'll surely love that kasi sariling recipe ko iyon. "At saka kung nagbabalak kang umalis, sana naman pinaabisuhan mo ako para nakapag-leave ako sa trabaho ko. Ang sarap nito ah?"

"Syempre, gawa ko iyan," at kinindatan ko siya habang kinukuha iyong binake ko na cake sa loob ng oven. Birthday kasi ni Chanyeol bukas at mukhang nakalimutan niya iyon dahil hindi niya pa ako tinatanong kung saan namin ice-celebrate ito, kaya ayan ako na mismo ang nagkusa na magbigay sa kanya ng pa-birthday pero kaming dalawa lang since busy iyong mga kaibigan namin sa Pilipinas.

"At saka," tumayo ako sa likuran niya at minasahe iyong batok niya. Napailing na lang ako nang makarinig ako ng mahinang pag-ungol galing sa bibig niya. "Cancelled na po lahat ng schedule mo for two days kahapon pa kaya ang kaylangan mo na lang gawin ay ihanda ang sarili mo."

"Okay, saan ba kasi tayo pupunta?" Pero imbis na sagutin ay tinulak ko na lang siya palayo ng kitchen dahil mukhang ayaw niyang tigilan iyong mga pagkaing hinanda ko. "Park Baekhyun! Kumakain pa ako! Ano ba!"

"Uubusin mo lang lahat ng niluto ko eh! Maligo ka na dahil aalis na rin tayo maya-maya!" Hindi na lang siya nag-protesta pang muli bagkus nagtuloy na sa kwarto namin para maligo. Naayos ko na rin kasi lahat ng mga gamit na kaylangan niya kagabi pa habang mahimbing siyang natutulog. Medyo nahirapan pa akong kumawala sa yakap niya kaya kahit ayaw ko man, pinayakap ko muna sa kanya iyong paborito kong unan na kasing laki ko para hindi siya magising.

-

-

"Sigurado ka bang nalagay mo na lahat ng dapat dalhin?" Sumaludo na lang ako kay Chanyeol at tuluyang pumasok na sa passenger's seat ng sasakyan. May nakita kasi akong magandang resort habang nagbabasa ako ng mga online articles kahapon at nalaman kong undiscovered pa iyong resort na iyon kaya kahit anong oras pwedeng pumunta dahil nagsisimula pa lang mapansin ng mga tao iyong ganda ng resort at dalawang araw kaming mamamalagi doon.

"Baekhyun?" Napatingin ako kay Chanyeol na seryosong nagda-drive nang bigla niyang tinawag iyong pangalan ko out of the blue. "Gusto mo ba magpakasal ulit tayo?"

Kulang na lang magningning iyong mga mata ko dahil sa tanong niya pero agad din namang bumalik sa normal iyong ekspresyon ko at mahigpit kong hinawakan iyong kamay niya na nasa lap niya lang. "Chanyeol. . ."

"O-okay lang naman kung ayaw mo. Naisip ko lang kasi kagabi bago matulog," sinimulan ko ng laruin iyong mga daliri niya. Ang laki-laki ng kamay niya kumpara sa akin tapos napakagaspang pa pero gustong-gusto ko namang hinahawakan iyon.

"Hindi naman sa gano'n. Pero bakit mo ba natanong iyan?" Saglit niyang itinabi iyong sasakyan sa gilid ng daan at mataman akong tinignan habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ko. Natutunaw na naman ako sa mga titig niya ngayon. "Gusto kong maranasan mo iyong kasal na karapat-dapat para sayo. Alam kong hindi naging maayos iyong kasal natin kaya gusto ko sana na magpakasal ulit tayo para makapagbigay ako ng maayos na wedding vow sayo."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon