Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata

1.7K 100 61
                                    



Park Chanyeol.

I am awaken with the loud noise coming outside my room and a throbbing head because I still need some sleep but I just can't dahil masyadong malakas iyong tugtog na nanggagaling sa living room.

"Ugh," napabalik ako sa higaan dahil umikot ang paningin ko. Ano bang nangyayari sa akin? Napapadalas na talaga iyong pagsakit ng ulo ko.

"Gising na ho pala kayo. Nasa baba na ho iyong magsusukat ng suit na isusuot niyo para sa kasal," tumango na lang ako at nagbalik sa pagkakahiga.

Kinakabahan na ako dahil alam kong may mali sa sistema ko. Hindi ako mabilis mahilo at tamaan ng sakit ng ulo pero nitong mga nakaraang araw bigla na lang sumasakit iyon kaya hindi ko mapigilang maaburido sa buhay ko.bHindi ko rin alam paano ako nakauwi dito sa bahay kagabi pero sigurado akong sinundo na naman ako ni Suho hyung sa bar dahil isa na naman akong hopeless na nilalang, sobrang sakit ng ulo ko kagabi tapos nasiraan pa ako ng sasakyan. Mabuti na lang kahit ganito ako ay inaalagaan pa rin ako ng mga kaibigan ko, hindi sila sumusuko sa akinㅡhindi katulad katulad ni Baekhyun.

"Buti naman at gumising ka na. Bumangon ka na dyan, kanina ka pa hinihintay ng designer mo," pero hindi ko pinansin si Suho hyung at nanatiling nakapikit ang mga mata ko, parang ayaw kong bumangon. "Chanyeol, naririnig mo ba ako? May nararamdaman ka ba?"

"Wala, hyung," tama na iyong nagiging sakit ako ng ulo niya, ayaw ko nang mag-alala pa siya. "Susunod na ako, maliligo lang ako saglit."

"Sige. Bilisan mo, magtatanghalian na tayo. Ayos na rin pala iyong sasakyan mo," tumango na lang ako at kasabay nito ay ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

-

-

Pagbaba ko sa living room ay naabutan kong nagsa-sayaw si Chen at Sehun doon. Kaya pala ang ingay kasi nandito si Sehun, kapag pumupunta kasi dito iyan ginagawa niyang practice room iyong living room namin.

"Chanyeol hyung! Namith kita!" Muntikan pa akong matumba dahil dinamba ako ng yakap ni Sehun pagkababa ko ng hagdanan. "May balita na pala ako kung nathaan thi Baekhyun hyung ngayon!" Tipid akong ngumiti. Dati naman kapag binabanggit niya iyong pangalan ni Baekhyun sobra akong excited sa pwede niyang ibalita pero habang lumilipas ang araw, unti-unti ko na lang nakikita iyong sarili ko na parang wala ng epekto sa akin si Baekhyun.

"Hindi na ako interesado kung nasaan siya ngayon. Panahon na siguro para tulungan kong makabangon ang sarili ko," one week without him was a hell, ni hindi ko kayang mag-desisyon para sa sarili ko. Basta ginagawa ko lang lahat ng maisip ko without thinking kung mapapahamak ba ako o hindi. Napabayaan ko iyong sarili ko kasi kahit na sinabi ko sa kanya na the moment na lumabas siya ng bahay namin, mamamatay na iyong Park Chanyeol na nakilala niya. Iyong Park Chanyeol na sobrang minahal siya. Hindi ko rin pala kayang panindigan kasi masyadong malalim iyong pagmamahal ko sa kanya kaya ang hirap tanggalin sa sarili ko iyon.

Pero unti-unti ko na lang nararamdaman na parang nawawalan na ako ng gana kapag naririnig ko iyong pangalan niya. Wala na iyong excitement kapag naririnig ko iyong pangalan na iyon. Hindi na rin bumibilis iyong tibok ng puso ko by the mere mention of his name. I guess kusa na akong bumibitiw. I guess my feelings for him were slowly fading away. Hindi nila ako masisisi kung ganito ako kabilis nakaramdam ng pagkawala ng feelings para sa kaniya. I've been through a lot, physically and emotionally. Unti-unti ko nang nare-realize na wala na talaga kamiㅡna tinapos na niya iyong maikli naming pagsasama.

Bigla naman akong inakbayan ni Chen habang sumimangot na lang si Sehun. Parehas na parehas sila ng reaction ni Yoora noona. Kung ako nahirapang tanggapin na wala na kami ni Baekhyun, mas nahirapan silang dalawa. Tsk. President at Vice-President daw sila ng Chanbaek Shipdom. "Tama iyan, Tenga! Kahit na sobrang boto ako kay Baekhyun para sayo, mas okay na siguro na unti-unti ka ng nakakamove on!"

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon