Ikalabing-walong Kabanata

2.5K 127 30
                                    



Park Chanyeol.

Isang buwan na magmula noong gabing pinayagan ako ni Baekhyun na manligaw sa kanya. So far, so good, ayos naman. Medyo masakit lang talaga siya sa ulo dahil hindi maalis sa katawan niya iyong insecurity at pagiging seloso pero kakayanin ko para sa kanya. Katulad na lang ngayon. Wala kaming pasok at naisipan naming tumulong kay Mama sa palengke. Nagugulat na lang ako kapag tinatapakan niya bigla iyong paa ko dahil nakikipag-usap ako sa customer na babae. Tama lang naman ang ginagawa ko diba? Tuwang-tuwa nga si Mama na sinasaktan ako ng anak niya dahil habang halos mamatay sa selos si Baekhyun, mabilis namang nauubos iyong mga paninda namin.

"Baekhyun, tama na. Sobra ka na ha. Maawa ka naman kay Chanyeol," sita ni Mama kay Baekhyun nang muli niya akong tinapakan sa paa. Hindi naman nagpatinag si Baekhyun kaya naupo na lang muna ako dahil medyo napapagod na rin ako sa kakatayo. Hmm. Ganito pala kahirap magkaroon ng topakin na boyfriend. Minsan napipikon ako sa ginagawa niya lalo na kapag pagod ako pero kahit ako na iyong nagalit, ako pa rin iyong nauunang nagso-sorry at sumusuyo sa kanya.

Mukha lang namang may sungay si Baekhyun kapag galit o nagse-selos siya pero parang isang malaking baby naman kapag inaamo. Kulang na lang itali niya sarili niya sa akin sa higpit ng yakap niya. Kaya ayos lang talaga sa akin kasi sweet naman si Baekhyun, kaylangan ko lang talagang masaktan muna.

"Mama, bibili lang po ako ng pagkain. Babalik din ako," hindi ako niyaya ni Baekhyun, dire-diretso lang siya kaya sinundan ko siya. Nagtatampo na naman kasi sa akin. Alangang hindi ko pansinin iyong mga bumibili kanina diba?

"Baek, saglit lang hintayin mo ako," kahit hindi niya ako nilingon, napansin ko ring bumagal iyong paglakad niya kaya nagmadali akong makahabol sa kanya at agad na hinawakan iyong kamay niya. Naglalakad lang kami nang bigla kaming makarinig ng bulong-bulungan ng mga taong nadadaanan namin.

"Ay, sayang naman siya. Ang gwapo niya pa naman sana kaso sa lalaki lang din pumatol, diba?"

"Oo nga, sayang. Hindi niya maipapakalat iyong genes niya. May kapatid pa kaya siyang lalaki?"

Nakakainis. Bakit kaylangan nilang sabihin iyan sa harap pa ni Baekhyun? Bakit kaylangan nilang maging judgmental? Hindi naman kami iyong unang naghawak kamay na lalaki ah. Porque gwapo ako at tingin nila sila iyong bagay sa akin kaya sila ganyan? Mas lalo pa akong nainis noong biglang bumitaw sa pagkakahawak si Baekhyun sa kamay ko. Nakatigil lang siya at nakayuko. Ayaw ko pa naman na nakakarinig siya ng ganito, kasi noong una siyang nakarinig ng ganitong pasaring, muntikan niya akong patigilin sa panliligaw.

"Hala! Hazel, lalapit siya sa atin oh! Oh my god! Oh my god!" Hindi naman sila kagandahan. Nakamake-up lang sila kaya sila mukhang tao. I'm not a meanie pero kapag talaga niyuyurakan ang pagkatao ng mga taong mahal ko doon lumalabas ang pagiging judgmental ko.

"Ate, kung wala kayong magandang sasabihin, pwede ba tumahimik na lang kayo? Hindi niyo kasi alam na maaring makasakit ng damdamin iyong mga sinasabi niyo eh," natameme naman sila sa ginawa ko. Akala ba nila lalapitan ko sila para makipagkaibigan?

"Chanyeol, halika na. 'Wag mo na silang patulan."

"Hindi, Baek. Akala mo kasi sinong magagandang babae kung husgahan ka. Hindi ka pa tunay na babae sa lagay na iyan pero mas maganda ka pa sa kanila. Kaya next time ate, kung wala namang kwenta iyong opinyon niyo, lunukin niyo na lang po para hindi na kayo napapahiya. Nakakadagdag pollution din kasi," naglakad na ako papalayo sa kanila. Ni hindi ko nga hinintay na sumunod sa akin si Baekhyun. Mabilis kasi akong mabadtrip at maapektuhan kapag nadadamay siya kasi alam kong sasabihan niya lang ako na 'wag ng patulan iyong mga ganoong bagay. Pero kasi ayaw ko naman na ginaganun lang siya. Tinuturing ko siyang parang isang mamahalin na perlas tapos ganoon lang ang tingin sa kanya ng mga taong iyon?

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon