Ikalabing-dalawampung Kabanata

2.3K 132 22
                                    



Park Chanyeol.

"Baek, inaantok pa ako. Mamaya na please."

"Nagugutom na ako, Yeol. Magluto ka na please," kahit na labag sa kalooban ko ay bumangon na ako. Anong oras na kasi kami nakauwi si Baekhyun galing sa galaan. Pagtapos kasi ng eksena ko sa school kahapon, hinatak kami nila hyung dahil what happened yesterday calls for a celebration daw. Tsk. Simpleng kainan lang naman iyong ginawa namin dahil kaylangan din nilang bumalik sa Maynila pero ewan ko ba bakit pagod na pagod ako ngayong umaga.

"Ano bang gusto mong kainin?"

"Natandaan mo ba yung niluto mo para sa akin na breakfast sa Cavite?" Tumango ako. "Iyon na lang siguro!"

First day namin as a couple ngayon, ni hindi kami nakapagbonding kahapon dahil buong araw na nakadikit si Sehun kay Baekhyun, it's like they're coping up with each other kaya hindi na ako nagpumilit na lumapit sa boyfriend ko. Babalik na rin pala kami sa Maynila mamaya. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Baekhyun na natanggal siya sa pagiging rank #2 at balik 2B na siya dahil sa pag-alis niya. Inaamin ko medyo nalungkot ako noong sinabi ni Suho hyung iyan, pero siguro mas okay na rin iyon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Baek, nga pala mag-ayos ka na ng gamit natin mamaya ha? Babalik na tayo ng Manila," naramdaman kong may mga bisig na pumulupot sa akin mula sa likuran. Nanigas pa ako noong una dahil hindi ako sanay na ganito ka-touchy si Baekhyun. Kaninang umaga nga nagising lang ako kasi tinutusok-tusok niya iyong mukha ko.

"Sana pagbalik natin doon wala na tayong problemahin. Hindi ko ata kakayanin kung may dadating pa na bagong Krystal at Jessica Jung sa buhay natin."

"Hindi naman kita papabayaan eh. Kahit ipamigay mo ako sa kanila, sa huli, sayo pa rin ako uuwi. Kaya bumitaw ka na sa pagkakayakap dahil nagugutom na rin ako. Ang aga-aga ang drama mo na naman."

-

-

Tahimik lang akong nagda-drive habang si Baekhyun ay tulog na tulog naman sa passenger's seat. Iniisip ko iyong sinabi niya kanina, what happened in the past because of Jessica surely traumatized him that much. Alam kong hindi pa iyong ang huling unos na dadaan sa buhay namin, pinapanalangin ko na lang na hindi bumitaw si Baekhyun sa akin.

"Yeol. . ."

"Hmm? Anong kaylangan ng baby ko?"

"Nagugutom ako. Stop over tayo," gutom na naman siya. Pagtapos naming mag-empake ng mga gamit namin kanina, kumain muna kami ng lunch bago umalis. At ni hindi pa nga kami nakakadalawang oras na byahe ay gutom na naman siya. Takaw talaga.

"Ipabalot mo na lang Baek tapos sa sasakyan mo na kainin, kaylangan kasi nating makauwi agad sa Maynila."

Noong nalaman kasi ni Yoora noona na ngayon kami uuwi ay sinabi niyang maghihintay siya sa pagdating namin dahil magpapahanda siya ng isang welcome party para kay Baekhyun. Simpleng kainan lang naman kasama iyong mga kaibigan namin.

-

-

Mabuti na lang at walang traffic kaya nakarating kami ng Manila ng pasado alas-dose na ng madaling araw. Tulog na tulog na rin itong kasama ko. Buong byahe wala siyang ginawa kundi matulog at kumain. Nilalabanan ko na lang iyong antok dahill hindi ko naman makausap si Baekhyun.

"Baek, gising na. Nandito na tayo," pero hindi siya gumagalaw, nakita ko na rin mula sa peripheral vision ko na papalabas ng mansyon si Yoora noona, seryoso nga siya. May pasok pa sa office iyan bukas pero gising pa hanggang ngayon. I wonder bakit ako may lukaret na ate eh. "Noona, 'wag kang maingay. Baka magising si Baek."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon