Unang Kabanata

2.1K 107 86
                                    



Byun Baekhyun.

Aaminin ko na mali ako ng inaakala. Pagkatapos ng mahaba-habang pagpapaintindi kay Chanyeol ng plano ko ay hindi niya ako naintindihan, bagkus nagbago siya. Akala ko matatanggap niya iyong paghingi ko ng tawad, pero hindi. Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang paglayo ng loob niya sa akin. Naalala ko pa iyong araw ng honeymoon sana namin na nauwi lang sa magdamag kong pag-iyak sa kabilang sulok ng kwarto namin.

-

-

"C-Chanyeol. . ." Hahawakan ko sana iyong kamay niya kasi kanina pa ako natapos mag-explain pero nakatulala lang siya. Ni hindi pa ako nakakalapit sa kanya nang bigla niya akong tinabig.

"'Wag mo akong lalapitan! Hindi ako kayang saktan ng Baekhyun na nakilala ko dati! Hindi kita kilala!" At iniwan niya akong nakatulala sa kawalan.

Napaupo na lang ako sa sahig ng kwarto namin habang nakapikit iyong mga mata ko. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito iyong reaksyon niya. Akala ko magiging katulad ko siya na iintindihin iyong rason at hahayaan na lang pero I guess I had some miscalculations at hindi ko binigyan ng atensyon iyong posibilidad na magalit nga siya sa akin. Masyado akong naging kampante sa feelings niya para sakin to the point na hindi ko na-consider na tao lang siya at nasasaktan.

-

-

Napapikit ako nang maramdaman kong pumulupot iyong isang braso ni Chanyeol sa katawan ko. Ganito palagi ang set up namin: kapag gising siya, kulang na lang kamuhian niya ako dahil sa pagtrato niya sa akin. Kapag tulog naman siya, kabaligtaran naman ng mga kinikilos niya kapag gising siya ang ginagawa niya. Magugulat na lang ako kapag nararamdaman ko iyong mga bisig niya sa katawan ko, bigla ko na lang mararamdaman iyong hininga niya sa leeg ko, at bigla na lang akong magigising na nakaunan na pala iyong ulo ko sa braso niya kaya I still have this little hope inside me na umaasang may maliit pang posibilidad na magkaayos kami.

Niyakap ko pabalik si Chanyeol dahil in no time ay gigising na siya at magsisimula na naman ang panibagong araw ng kalbaryo ko. Maaga siyang aalis ng bahay para pumasok sa opisina, ni hindi nga siya dito sa bahay nag-aalmusal. Tapos uuwi siya ng medyo gabi na then didiretso siya sa CR para maligo tapos diretso higaan para matulog naman. Walang palya, ganyan ang routine niya sa loob ng isang linggo namin bilang mag-asawa. Sa loob din ng isang linggo na iyon ay wala akong ginawa kundi umiyak. Ewan ko kung kaylan ako mapapagod kasi kapag gising si Chanyeol napaka-invisible ko sa buhay niya.

Minsan lang din ako pumasok sa opisina kasi kaya naman patakbuhin iyon ni Papa kaya househusband ang kadalasan kong ganap. Kaso nakakalungkot. Hindi naman kasi ganito iyong inexpect ko na magiging buhay namin after ng kasal eh. Ang gusto ko gigising si Chanyeol at ipaghahanda ko siya ng pagkain, tapos tatao ako sa bahay ng buong araw. Pag-uwi niya aabangan ko siya sa gate namin at sasalubungin ng halik dahil alam kong pagod siya pero hindi. Malayong-malayo sa inaasahan kong itsura naming dalawa iyong nangyayari sa amin ngayon.

Kapag day-off naman ni Chanyeol, hindi siya tumatambay dito sa bahay. Nababalitaan ko na lang sa mga kakilala ko na nakakasama niya na nasa bar lang buong araw ang asawa ko. Nasasaktan ako pero tinitiis ko na lang dahil kasalanan ko naman bakit kami nagkakaganito pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin iyong set up namin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa naramdaman kong may dumamping daliri sa mukha ko para tanggalin iyong luha sa pisngi ko. Nagulat ako nang makita kong nakatingin lang sa akin si Chanyeol. Hindi niya ako tinutulak dahil sa lapit ng distansya ko sa kanya.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon