Ikalabing-dalawampu't siyam na Kabanata

1.8K 126 108
                                    



Park Chanyeol.

"Hyung, parang gusto ko ng umatras," bulong ko kay Kris hyung na tahimik lang na nagmamasid sa himpapawid. Nasa loob kami ng private plane namin papuntang China ngayon. Pagdating namin sa bahay kanina naabutan naming naka-empake na lahat ng gamit namin ni Sehun dahil kaylangan daw naming makarating sa China sa mas lalong madaling panahon kasi magkakaroon pa ng kaunting briefing para sa kasal na gaganapin bukas.

"Baliw ka talaga. Bakit ngayon pa? Kita mong umayos na iyong estado ng kumpanya niyo diba? Makipag-divorce ka na lang kapag nakabayad na kayo sa utang niyo sa pamilya nila Chaelin," binalik ko sa kanya iyong batok na binigay niya sa akin. Wala talagang kwenta kausap itong si Kris hyung. Hindi naman sa against ako sa pakikipagdivorce "if ever" kay Chaelin pero kasi baka gumulo lang ulit iyong sitwasyon.

"Ito na ba iyong pinakamatino mong masasabi, hyung?!" Pero imbis na sagutin ako ay nagkibit-balikat na lang siya at natulog. Nakakainis. Tanggap ko na noong nakaraan na eto talaga ang babagsakan ko pero ang hirap pa rin palang tanggapin kapag dumating na. Balak ko sana magsasama kami sa isang bahay ni Chaelin pero sa magka-ibang kwarto kami matutulog. Uuwi ako sa kanya pero hindi ko ipaparamdam sa kanya na asawa niya ako pero hindi ko rin siya mamaltratuhin. Tapos ngayon parang gusto ko na lang tumalon mula dito sa kinauupuan ko at bumalik sa Pilipinas. Hindi ko pa pala kaya at tingin ko never kong makakayanang tanggapin ang katotohanang iyon.

-

-

Wedding day. . .

"Chanyeol, kumilos ka na! Anong oras na, oh!" Sapul ako sa mukha ng tuwalya na binato ni Suho hyung. Dalawang oras na lang kasi ang natitira bago magsimula iyong kasal pero hindi pa rin ako bumabangon. Lahat sila nagpapa-ayos na ng buhok at nakaligo na pero ako nakahilata pa rin sa kama ko.

"Hyung! Ayaw ko na! Aatras na ako sa kasal!" Nagtakip ako ng unan sa tenga dahil alam kong sesermunan ako ni Suho hyung.

"Chanyeol, kahit naman sana utang na loob na lang sa pamilya nila Chaelin eh," wala na. Alam niya kasing kapag pinapaalala sa akin iyong utang na loob namin sa pagsalba nila sa kumpanya namin ay tumitiklop agad ako.

Labag sa loob akong nag-diretso sa banyo at naligo. Kinakabahan ako, wala na. Hindi na ako binata pagtapos ng araw na ito. Nawalan na ako ng kalayaan panghabangbuhayㅡmatatali na ako sa taong ni hindi ko naman mahal. Ang daya-daya talaga. Mabilis lang din akong naligo at nagbihis dahil kanina pa pala nila ako hinihintay. Miski si Chaelin daw ay naghihintay na raw sa simbahan.

-

-

"Bakit ka umiiyak, Sehun?" Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ni Sehun dahil sa tanong ni Lay hyung. Nandito na kami sa tapat ng altar, naghihintay na dumating iyong pari.

"W-wala!"

"Sus! Kaya iyan ganyan kasi hanggang sa huling pagkakataon umasa siya na si Baekhyun iyong susulpot na bride mo rito imbis na si Chaelin pero nakasalubong namin siya kanina sa labas," napailing na lang ako sa sinabi ni Chen.

"Kahit ako inisip ko rin iyon, hyung. Baka kasi may paandar lang si Baekhyun hyung," maknae line nga naman talaga, parehas mag-isip.

"Magsisimula na iyong kasal. Tumahimik na kayo dyan," napatigil kami sa pagkwe-kwentuhan dahil sa utos ni Suho hyung.

Nagsimula na iyong seremonyas at isa-isang pumasok iyong mga abay at mga ninong at ninang sa kasal. Ang kakilala ko lang naman na nagmartsa ay si Yoora noona, syempre si Mommy at si Daddy, at saka si Krystal. Karamihan kasi ng abay sa kasal galing sa side nila Chaelin. Mas lalong lumakas ang tibok puso ko nang unti-unti kong nasilayan ang mukha ni Chaelin habang suot ang trahe de boda na pinagawa pa ng Mommy niya sa Paris at kasabay niyang maglakad ang mga magulang niya sa magkabilang side. Napahawak ako sa balikat ni Kyungsoo dahil naramdaman kong nanlambot iyong mga tuhod ko. Parang tutumba ako dahil hindi talaga ako handa sa mga bagay na pwedeng mangyari ngayon. Gusto ko ng tumakbo palabas ng simbahan na ito.

Imbis na abutin ko iyong kamay ni Chaelin mula sa Daddy niya ay mabilis akong naunang naglakad papunta sa upuan namin sa harap ng altar. Wala eh, kapag kasi tinanggap ko iyong kamay niya parang tinanggap ko na rin na habangbuhay kaming magsasama. Na-concious naman ako dahil nanlalaki ang mata na tinitignan ako ng pari. Tinanong ko kung bakit pero nginuso niya lang iyong likuran ko. Wala roon si Chaelin. Hindi siya sumunod sa akin bagkus nakaupo lang siya sa tabi ng Mommy at Daddy ko sa harapan.

Napakunot naman ang noo ko sa ginagawa niya ngayon. "Anong drama na naman ba iyan, Chaelin? Gusto mo bang buhatin pa kita papunta rito?" Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay nginitian niya lang ako na naging dahilan bakit ako nainis.

"Hyung. . ." Napatingin ako kay Sehun na nasa tabi ko na ngayon. May inabot siya sa aking puting sobre at pamilyar ito sa akin. Ito iyong binigay niya sa akin noong hinihintay kong lumabas si Baekhyun sa room nila para makapag-usap kami.

"Ano ba meron dito sa sobre na ito?" Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit hindi na ako sinasagot kapag nagtatanong ako? Bwisit na bwisit na talaga ako kanina pa. Kung may ikukunot pa iyong noo ko, siguro sobrang lukot na iyon habang binabasa ko iyong laman na sulat ng sobre na binigay sa akin ni Sehun.

Taking back what's mine. :)

Apat salita na sobrang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kung pwede lang lumabas iyon mula sa dibdib ko siguro duguan na ako dahil parang may karera sa dibdib ko. Anong nangyayari? Pagtingin ko sa pintuan ng simbahan, nakita kong nakatayo si Baekhyun doon habang suot-suot ang isang trahe de boda. Muntik ko pa siyang hindi makikala dahil nakasuot siya ng wig at nakasuot siya ng make up pero noong ngumiti siya tsaka ko nakumpirma na siya nga iyon.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil tuluyan nang nanlambot iyong tuhod ko kasabay ng isa-isang pagtulo ng mga luha ko. Bakit siya nandito? Bakit siya iyong ikakasal sa akin? Bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin? Ang daming bakit na umiikot sa utak ko ngayon pero para akong nawalan ng boses at lakas para makapagsalita.

"Namiss kita. Tayo ka na dyan. Naghihintay si Father, oh."


P.S.: Very very short update dahil nasa epilogue lahat ng magiging sagot sa tanong niyo. Enjoy! :)

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon