Ikalabing-dalawampu't limang Kabanata

1.7K 98 52
                                    



Byun Baekhyun.

Hindi ko na hinintay sumagot si Chanyeol bagkus agad kong kinuha iyong cellphone ko sa bulsa ng suot kong shorts at tinignan kung sino iyong tumatawag. Napakunot naman ang noo ko ng biglang lumitaw iyong pangalan ni Papa sa caller ID. Bakit niya ako tatawagan ng ganitong oras?

"Hello, Papa? May problema po ba?"

"Baekhyun, anak. . ." Nagsimula na akong kabahan. Kay Mama ko namana iyong pagiging madaldal, makulit, at mood-maker pero hindi naman ako sanay na ganito kaseryoso si Papa. "Kaylangan mo ng makipaghiwalay kay Chanyeol."

"P-Papa. . ." Hindi ba talaga kami karapat-dapat ni Chanyeol? Bakit ganito iyong tadhana sa amin? Masyado naman atang kinakarir iyong pagpapahirap sa aming dalawa. "H-hindi ko po kaya."

"Baekhyun, makinig ka na lang kay Papa mo, ha? Para sayo rin naman ito. Kung kayo talaga ni Chanyeol ang nakatakda, kahit anong pagsubok pa ang dumating sa buhay niyo, sa huli, kayong dalawa pa rin ang magtatagpo. Basta makipaghiwalay ka na muna kay Chanyeol, anak, magma-migrate na kasi tayo sa ibang bansa."

"A-ano po? Hindi ko po maintindihan, Papa!" Ang pagkakaalam ko kasi mahirap lang kami kaya paano kami magma-migrate sa ibang bansa kung dito pa lang sa Pilipinas ay naghihikahos na kami?

"Anak, mahabang kwento pero to cut it short, namatay iyong CEO ng kumpanya na pinapasukan ko at iniwan niya sa pangalan ko iyong buong kumpanya at ako ang inatasan niyang magpatuloy ng nasimulan niya," kahit na gulong-gulo ako sa nangyayari, tipid kong nginitian si Chanyeol na ngayo'y nakaupo sa couch habang mataman akong tinitignan.

"Pero bakit ko po kaylangang hiwalayan si Chanyeol?" Mukhang tensed naman si Chanyeol sa narinig niya kaya agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Iyong mga mata niya, nababasa ko kung anong pinaparating nito. Gusto niyang malaman kung bakit ako pinipilit ni Papa na makipaghiwalay sa kanya.

"Anak, nahihiya ako kay Chanyeol. Sa dami ng naitulong niya sa pamilya natin, hindi ko ata masisikmura na masasaktan siya sa biglaan nating pag-alis kaya mabuti pa kung maghiwalay na muna kayo ng panandalian," hindi na ako sumagot pang muli bagkus ibinaba ko na iyong tawag at ibinalik iyong mataman na tingin sa akin ni Chanyeol.

Sorry Chanyeol, pero hayaan mong ako naman iyong lumaban para sa ating dalawa ngayon.















"Chanyeol, maghiwalay na tayo."



Park Chanyeol.

Nagulat ako sa sinabi ni Baekhyun. Hinihintay kong bawiin niya iyong pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin siya tumatawa, diretso pa rin siyang nakatingin sa akin.

"B-Baekhyun," nagsimula ng tumulo iyong mga luha mula sa mga mata ko at mas lalo lang akong nasaktan nang maramdaman ko iyong hapdi sa bawat pagdampi ng luha ko sa parteng may sugat sa mukha ko.

Bakit kami maghihiwalay? Ngayon pa ba na nalampasan na namin iyong unang pagsubok sa amin? Hindi naman ito iyong unang pagkakataon na natali ako sa ibang babae diba? Nalampasan naman naming dalawa iyon, bakit siya nakikipaghiwalay sa akin?

"Chanyeol, kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, kahit maghiwalay pa tayo ng ilang taon, magku-krus at magku-krus muli ang landas natin. Sa ngayon, siguro kaylangan na muna nating magparaya. Kumpanya niyo ang nakasalalay dito, Chanyeol," wala na akong pakielam kung magmukha akong kaawa-awa sa mata niya kaya lumuhod na ako sa harap niya at mahigpit na hinawakan iyong mga tuhod niya.

"Baek, bakit ngayon pa? Kaylangan kita ngayon. 'Wag mo naman akong iwanan oh. Mababaliw na ata ako kapag nangyari iyon," pero tila naglaho iyon Baekhyun na kilala ko. Parang ibang tao itong nasa harapan ko ngayon. Siguro dahil sobrang pagod na ako kaya napakalas ako ng yakap nang bigla niyang ginalaw iyong mga binti niya.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon