Chapter 2 -Stuck

339 25 5
                                    

+++++

I just finished my class today and I immediately fixed my things before I go out. Habang naglalakad sa hallway ay pakiramdam ko may sumusunod sa'kin. And as I turned back, I saw my friends following me. I raised my left eyebrow unto that.

What do they think they're doing? Bakit nila ako sinusundan? Mga ilang segundo lang ang nakalipas ay narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko.

"Syren!" sigaw nila na hindi ko pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot ng school namin, kung saan ako maghihintay sa sundo ko.

"Syren!" I heard Hazel's voice.

This time, napalingon na'ko. Papalapit sila sa gawi ko kaya mabilis akong tumakbo. Alam kong may binabalak na naman sila kaya mas mabuti pang lumayo muna.

"Syren wait!" sigaw ni Krashika ng mahablot niya ang braso ko. Damn! Naabutan niya'ko sa lagay na iyon? Seriously?

"Ano?!" naiinis na tugon ko.

"Pinapasabi ni Kuya na hintayin mo daw siya. Walang susundo sa iyo ngayon kaya siya nalang ang maghahatid sayo," she said, not minding her mischievous smile. Wala naman silang gagawin na ikakainis ko right? Well, I hope so.

"Okay."

"Alright!" masayang sabi nito bago umalis. Tiningnan ko ang iba ko pang mga kaibigan na nakangisi sa'kin.

Don't mind them Sy. Mga baliw lang talaga 'yang mga kaibigan mo.

"Bye baby Sy!" Jameson said while waving his hand to me. I rolled my eyes to him. No, I am not pleased. Naiinis ako. Pakiramdam ko kasi ay may tinatago sila sa'kin.

Kanya-kanya silang pumasok sa kani-kanilang mga kotse. Hindi ko maiwasang mainggit dahil hindi na nila kailangan pang sunduin pero ako, kailangan ko pa ng may susundo sa'kin. Kung bakit kasi ayaw akong payagan ni Papa na magkaroon ng sariling kotse. Maingat naman akong magdrive kahit na para sa kanila ay hindi. Nasa tamang speed naman ang pagdadrive ko pero para sa kanila ay parang nililipad na daw ang mga ito. Ang over lang talaga nila.

I pouted my lips as I wait to Kuya Ren to come. Tiningnan ko ang relos ko and it's already 5:57 p.m., three minutes nalang at mag-aalasais na.

One hour had passed pero wala parin siya. Lahat ng Marketing student ay nakalabas na at mukhang ako nalang yata ang estudyanteng natitira dito. I just sighed.

Anong oras na pero wala parin siya? What took him so long? Nagdadalawang isip ba siyang sunduin ako? Inutusan ba siya nina Mama at napilitan lang umuo? Kung ganoon sana tumanggi nalang siya para hindi nako naghihintay dito sa kanya!

Tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas ng parking lot. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Siguro hindi na'ko susunduin no'n kasi hindi niya ako kayang pansinin. Umuo lang siya kina Mama at Papa kasi hindi niya matanggihan ito! I hate him!

Napatalon ako sa gulat ng may bumusina sa likuran ko. Akmang sisigawan ko na sana ang taong iyon ng makita kong si Kuya Ren pala ito. Bigla akong nainis sa presensiya niya. Dumating pa siya? Kung kailan anong oras na at nilalamok na'ko sa kakahintay sa kanya.

Nagkunwari akong hindi ko siya nakita at nagtuloy-tuloy parin sa paglalakad. Pero bawat hakbang ko ay bumubusina ito. Naiinis na tiningnan ko siya.

"Umuwi ka na, magtataxi ako," sabi ko, hindi alam kung narinig ba niya ang sinabi ko.

"Get in Sy."

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makitang nasa tabi ko na ito.

Napamura ako. "Sana hindi ka na nag-abala pang sunduin ako kung napipilitan kalang!" I said without looking at him.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon