Chapter 29

184 12 0
                                    

+++++

Krashika's Pov

+++++

Nagpaalam ako sa mga kaibigan kong aalis muna dahil gaya nga ng sabi ni Hazel, make our own investigation. At heto nga ang gagawin ko. Curiousity kills the cat, masyado na akong nahihiwagan sa mga nangyayari sa paligid ko. Gusto kong malaman ang totoo.

The truth, nothing but the truth.

Agad kong tinungo ang kwarto ko kung saan nakabase ang computer na gagamitin ko. Hindi man ako magaling maghack, gaya ni Hazel pero sisikapin kong makuha lahat ng impormasyon na gusto kong malaman.

Pagkaupo ko ay hindi ko alam kung anong itatype ko sa computer. Wala akong ideya, swear! Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.

Basic.

Yes. At kailangan kong kilalanin kung sino ang Savanah Servando na tinutukoy ni Hazel kanina. Sino ito? At anong kinalaman nito sa nangyayari?

I typed Savanah Servando at ganoon nalang ako napamura ng wala akong makitang impormasyon na naglalaman tungkol sa kanya.

Tanging pangalan niya lang ang lumalabas kahit picture wala. Short description about her?

A business women at a young age.

Seriously? Ito lang? Napatapal ako sa noo ko. Saan nakuha ni Hazel ang mga nalaman niya? Mukhang tutubuan ako nito ng maraming pimples. Kung si Marl ay tutubuan ng puting buhok, ako tigyawat. Puyatan talaga ang kailangan ko. At ayaw ko namang kumuha ng imbestigador. Pwedi kong gawin iyon on my own.

Think... think... think...

Sundan ko kaya ang mga magulang ko? Wait. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mama. Nangunot ang noo ko ng ibang tao ang sumagot.

"Hello?" someone answered.

"Sino ka? Bakit hawak mo ang cellphone ng Mama ko?"

Walang may nagsalita sa kabilang linya at nailayo ko ang cellphone ko ng pinatay nito ang tawag.

"Fudge. Sino ang lalaking 'yon?"

Tumawag ulit ako and this time si Mama na ang sumagot.

"Who's this?" tanong ni Mama. Nangunot iyong noo ko. Hindi ba nakarehistro ang numero ko sa cellphone niya? Napakaimposible naman yata iyon. Tiningnan ko ang cellphone ko.

Kaya pala. Ibang numero ang nagamit ko. Iyong globe ko na number iyong ginamit kong pantawag kay Mama pero mabuti narin ito.

Tumikhim ako bago magsalita. Iniba ko ang boses ko para hindi halatang ako ito.

"Savanah," I uttered.

Titingnan ko lang kung gagana.

"Savanah? Sino ka? Nandito si Savanah sa harapan namin," sagot nito.

Napakagat ako ng labi ko. Nandoon sila kay Savanah? Pero nasa ospital si Syren at nagawa pa nilang pumunta diyan? Nagsasabi ba talaga ng totoo si Hazel? Umaarte lang ba talaga ang mga ito sa harapan namin?

Kaya nilang magsinungaling para mapagtakpan ang kung sino mang pinagtatakpan nila. Napaniwala nila kami. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko alam kung saan banda sa sinabi nila ang paniniwalaan ko dahil baka puro kasinungalingan lang ang mga pinapalabas ng mga ito.

"Masaya kayong lahat," sabi ko na may pinaghalong pait. Masaya sila samantalang kami naghahanap ng hustisya para sa nangyari kay Sy.

Nalulungkot lang ako sa ginagawa nila sa'min. Ginagawa nila kaming tanga kung iyon man ang tawag doon.

Love CautionDär berättelser lever. Upptäck nu