Chapter 37

151 10 2
                                    

+++++

Three Months Later

***

"Isda! Isda po kayo diyan! Ate! Ate, bili na po kayo. Mura lang!" sigaw ko habang pinapaypay sila papunta sa'kin.

"Ate! Bangus po! Bili na kayo, mura lang 140.00 isang kilo," sabi ko sa aling lumapit sa'kin. Tiningnan nito ang paninda kong bangus, galonggong, tilapia at marami pa. Mayroon din akong hipon na binibenta.

"Ito galonggong ate, fresh pa iyan!"

Tiningnan lang ako nito at ngumite.

"Itong galonggong akin, isang kilo."

Ngumite ako. Sa wakas nakabenta rin. Parang gusto ko siyang yakapin sa sobrang saya.

"120 pesos po ma'am!"

Kinuha ko sa kanya ang bayad pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya ang isda.

"Salamat po!" masiglang sabi ko.

For this day, siya palang ang nakabili sa'kin. Kapag ako kasi ang nagbebenta, walang masyadong bumibili. Ewan ko nga rin sa mga mamimiling ito. Siguro hindi sila satisfied sa marketing skills ko. Lugi kami palagi kapag ako ang nandito pero kapag si Boyet naman ay maraming bumibili lalo na mga babae dahil ang tinik pala ng lintik sa chicks. Akala mo naman kung sinong gwapo e ang dungis-dungis naman ng mukha.

"Isang tao palang nabebentahan mo?"

Nawala ang ngiti sa labi ko ng dumating ito habang may dala na ice para panlagay sa isda.

"Oo. Bakit may angal ka?!" masungit na tugon ko sa kanya. Kasalanan ko ba kong ayaw nilang bumili sa'kin? Napailing ito at pumunta sa pwesto ko.

"Ako na dito. Bantayan mo kapatid ko sa bahay," sabi nito.

I rolled my eyes to him. Simula ng dumating kami dito ay ginawa na niya akong maid niya pero hindi naman ako umaangal kasi kusa kong inako ang kasalanan ng kapatid. Maayos naman ang pakikitungo ng kapatid niya sa'kin. Sa katunayan nga ay mas close pa kami kaming dalawa.

"Oo na. Tsk."

Kinuha ko ang apron ko at inilagay iyon sa isang tabi. Inayos ko ang t-shirt na suot ko bago kunin ang sling bag ko.

"Alis na'ko."

"Ingat sa daan!" sigaw nito. Itinaas ko lang ang kamay ko at hindi na lumingon pa para sagutin siya.

Sa tatlong buwan ko dito, nasanay narin ako sa gawaing ito. Nasanay narin ako sa amoy ng palengke, ang gawi nila dito, lahat. Okay tumira dito basta mayroong ka lang pera pero kung wala, mas maigi ng lumuwas ka ng maynila.

Unang tungtong ko sa palengkeng ito ay naexcite ako. Dahil sa tanang buhay ko hindi pa'ko nakakapunta dito. Hindi ko naexperience na bumili sa palengke dahil palaging sa grocery store ang punta ko. At dito ko lang rin na experience sumakay ng tricycle, bumili ng mga rekados sa tindahan na may limang peso ang hawak, ang maligo sa poso, ang mag-igib at magluto sa uling o hindi kaya kahoy. Dito ko lang naranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan sa amin.

I'll take this as a challenge in my life and it was very effective kapag may gusto kang kalimutang tao dahil pansamantalang mawawala ito sa isip at puso mo. Sa paninirahan ko dito ay minsan ko lang maisip ang magulang ko, ang mga kaibigan ko, sina Lolo at Lola at pati siya. Nawala din pansamantala ang problemang kinakaharap ko sa maynila. Ang problema sa kapatid ko, sa pamilya ko at pati na rin kay Kuya Ren.

Boyet changed my life; a sophisticated girl back then into a simple one. I really enjoyed my life now. Ang problema ko dito ay masyadong malayo sa problema ko doon.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon