Chapter 35

162 10 2
                                    

+++++

While walking in the isle, pakiramdam ko ako iyong bride. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatingin sa mga taong nandito sa loob ng simbahan ay para ka nilang kakainin ng buhay. Lalo na ang mga tingin ni imma-girl at ng lalaking kasama niya na sa tingin ko'y Jigs ang pangalan, na parang nanunuya.

Bakit sila nandito? That wicked witch invited them here? Magbestfriend ba sila? Hindi na ako magtataka kung magkakasundo sila dahil parehong-pareho ang ugali nila. Konting pagkakasala lang sa kanila, tingin na nila ay sobrang inagrabyado sila ng husto. So immature they are. Trinaidor din nila si Kuya Ren, ang sarap sapakin ng mga hinayupak.

"Looser," imma-girl mouthed while forming her hand a letter L.

Talo na kung talo dahil in the first place hindi naman ako nakikipagpaligsahan sa kanila. Masyado silang isip bata makipaglaban.

Napatingin ako sa lalaking naghihintay sa harapan ng altar. Ganoon nalang lumandas ang mga luha sa mata ko ng maalala ko iyong on-the-spot wedding namin. Natawa ako ng wala sa oras. Isang hindi kilalang tao pa ang ginawa naming witness. We have no choice. Funny.

But hell yeah. I am maybe the legal wife pero ako parin ang magmumukhang kabit sa mata nila kapag nalaman nila ang relasyon namin ni Kuya. Hindi nga ako ang pinakasalan sa harap ng maraming tao pero alam ko naman sa sarili ko na ako lang ang mahal niya. Ako lang at wala ng iba.

"Sy...," rinig kong tawag ni Hyacinth sa'kin. Tiningnan ko siya and I mouthed I'm okay to her. Tumango lang ito at ngumite sa akin kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating sa pwesto ko kung saan dapat uupo ang maid of honor.

Maid of honor the hell!

Habang hinihintay ang bride na lumakad ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. He looks so uneasy. Nangunot iyong noo ko ng may isinisenyas ito sa'kin. Gamit ang kamay niya ay parang may gusto itong sabihin o ipahiwatig sa'kin pero hindi ko naman siya maintindihan.

Nagsi-sign language ba siya? Kung oo, talagang hindi kami magkakaintindihan na dalawa. Masyado akong mahina sa mga ganyan. I'm a slow person.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko, they were looking at me too. Si Insan, tumitirik na ang mata sa kasesenyas sa'kin ng kung ano.

Ano ba talaga ang gusto nilang sabihin? The heck! Bakit kasi maraming nakabantay sa amin eh! Napasulyap ako sa Lolo ko na kasalukuyang nakatingin sa'kin. Sinamaan niya ako ng tingin kaya mabilis na umayos ako ng tayo. Aish. Ayokong mapahamak ang mga kaibigan ko kaya umayos ako at hindi na muling tumingin pa sa mga kaibigan ko.

Baka may binabalak silang masama at hindi ko sila hahayaang mangyari iyon. Ayokong magkagulo dito lalo pa't hindi ko masyadong kilala ang mga nakidalo sa kasalang ito. Nandito rin si Imma-girl at Jigs kaya mahirap ng gumawa ng moves. Baka may mga baril ding dala ang mga iyan at timing lang ang hinihintay para barilin ako at ang mga kaibigan ko.

Safety first. Yeah. Dapat iyon ang isipin ko.

I sighed deeply.

Bantay sarado kami ngayon at kung nagbabalak silang gumawa ng gulo, madedehado kami. Wala dito sina Kuya Luigi at Kuya Rain even Kuya Josh ay hindi ko rin makita. Tanging kami lang na magkakaibigan ang nandito. Their parents were not here too, tanging sina Mama lang at Papa ang nakita ko dito ngayon. Malamang ay sila ang maghahatid sa kakambal ko sa altar.

Nang magsimulang maglakad ang bride sa isle ay marami ng senyas ang natatanggap ko sa mga kaibigan ko pero binaliwala ko iyon. Hindi iyon napapansin ng mga tao sa loob ng simbahan dahil tutok na tutok sila sa bride. Napakaganda nito parang ako din.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon