Chapter 23

211 15 1
                                    

+++++

Nakaupo ako sa sofa habang nag-iisip ng kung ano-ano. Wala akong magawa dahil wala naman akong kasama dito, well, maliban nalang sa taong ayaw kong makausap. Nasa loob siya ng kwarto at mula kanina ay hindi pa ito lumalabas. Nagtataka na nga rin ako kung bakit pero hindi ko magawang puntahan siya kasi nga ayaw ko siyang makausap.

Kanina pa'ko nabobored dito.

"Hay."

Hindi naman kasi ako pweding lumabas. Nakakainis. Bakit kasi kailangan pa niya akong ikulong sa bahay na ito. Bakit kasi hindi ako pweding umuwi sa'min?

"Sy."

Napatalon ako sa gulat ng tawagin ni Kuya ang pangalan ko. Wala sa sariling napamura ako. Kasi naman, bigla-bigla nalang siyang nagsasalita sa likod ko alam namang kanina pa'ko nagmumuni-muni dito.

Hindi ko ito pinansin at nagkunwaring walang narinig. Kahit na obvious naman na narinig ko siya kasi nga nagulat ako sa pagsalita niya.

Naramdaman ko ang paglapit nito at pag-upo nito sa tabi ko. Pagkaupong pagkaupo niya ay siya namang pagtayo ko. Obvious naman na iniiwasan ko siya. Pero kung minamalas ka nga naman bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit paupo sa tabi niya. Hindi ako nagreact o anuman at tiningnan lang siya habang walang emosyon na makikita sa aking mukha.

"Talk to me please?" Biglang dumagundong ang puso ko ng magmakaawa ito. Pero hindi parin nawawala ang inis ko sa isiping may girlfriend na siya at higit sa lahat hindi ako pweding lumabas ng bahay na ito.

"Gusto kong magpahinga," sabi ko nalang dahil medyo nakakaramdam ako ng hilo ngayon. Siguro ay bumalik na naman 'yung lagnat ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng pangkasal. Magrereklamo na sana ako ng tingnan niya ako ng masama. Madadala naman ako sa isang tingin lang kaya tumahimik nalang ako at hindi nagsalita.

Tinungo nito ang kwarto niya at naramdaman ko nalang na nakahiga na pala ako sa kama. Maingat ang pagkakalapag niya sa'kin at kung wala lang itong girlfriend ay iisipin kong he cares for me, that he likes me. Pero mukhang malabong mangyari iyon.

Umupo ito sa tabi ko at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "You're not feeling well. Ang init ng katawan mo," sabi nito kaya hindi ko na naman mapigilan ang maging masaya dahil sa nag-aalala siya sa'kin.

"Saan ka pupunta?" tanong ko ng tumayo ito. Ayoko kasing umalis siya, gusto ko sa tabi ko lang siya. Kahit ngayon lang naman.

"Ikukuha kita ng tubig at saka gamot. Don't worry I'm not leaving you here alone."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Lumabas ito ng silid at ako naman ay napatingin sa cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Tumutunog ito at mukhang may tumatawag sa kanya. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino.

Gladyz calling...

Napangiti ako ng mapait.

Inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at hinayaang tumunog ito. Ayaw ko namang sagutin dahil baka ano pa ang isipin ng imma-girl na iyon. Baka lalong kumulo ang dugo nito sa'kin pagnalaman niyang magkasama kami ng boyfriend niya.

Ilang minuto lang ay huminto din ito sa pagtawag. Siguro ay nainip din.

Buti nga!

Ipinilig ko ang ulo ko. Kahit kailan talaga ang sama nitong utak ko. Lumalabas din minsan ang pagiging bitch.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Kuya Ren na may dalang tray at ang laman no'n ay isang basong tubig at saka cup noodles.

"Tumatawag si Gladyz. Hindi ko na sinagot dahil baka ano pang isipin niya," I said without looking at him.

Love CautionWhere stories live. Discover now