Chapter 32

168 13 0
                                    

+++++

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang tumunog iyong alarm ng bahay, hudyat na mayroong masamang nangyayari sa baba. Agad akong umalis sa kama at kinuha ang dalawang baril na nakatago sa kabinet at sinukbit iyon sa magkabilaang tagiliran ko.

Pagkatapos kong kunin iyon ay dali-dali akong pumunta sa pinto at nilock ito. Agad kong kinuha ang cellphone na ibinigay sa'kin ni Kuya Ren in case of emergency daw. I dialed his number.

"Anong nangyayari?"

"Use the secret path in your room. Pumunta ka sa ilalim ng kama mo at diyan ka dumaan. Faster! I will wait you here, mag-ingat ka."

"Okay-okay."

Pinatay ko ang tawag at nilagay ang cellphone sa bulsa ko na may zipper. Mabuti nalang at nakajogging pants ako kaya makakagalaw ako ng maayos.

Mabilis na gumapang ako sa ilalim nang kama ko. Napatingin pa'ko sa pinto ng biglang may pumukpok dito. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Shit!"

Nang makita ko na ang pinto doon pa may humawak sa paa ko at hinila ako. Ah, peste naman oh.

"Huli ka!" sabi pa nito. Bigla akong nainis.

Pagkahila na pagkahila niya sa'kin ay agad ko itong sinipa dahilan para tumilapon ito kung saan. Bumangon ako at nilapitan ang lalaking mapangahas na hilahin ang paa ko. Binalya ko siya at sinikmuraan ng todong-todo. Sumuka ito ng dugo kaya nakaramdam ako ng awa pero nang maalala ko iyong ginawa niya sa'kin kanina ay bigla nalang nagbago ang mood ko at tinadyakan siya. Nainis ako bigla.

Tinulak ko siya palabas ng kwarto at dinuro siya.

"Walang hiya ka!"

Sinipa ko muna siya ulit sa bandang tiyan bago sumampa ulit sa ilalim ng kama. Hindi ko siya pweding barilin baka marinig pa'ko ng iba niyang mga kasama, mahirap na.

This time naka baba na'ko ng tuluyan. Ganoon nalang ako namangha ng makitang elevator pala ito.

Taray!

Kung alam ko lang na may secret passage pala dito edi sana nakapag-ride na'ko dito. Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong huminto. Bigla akong nakaramdam ng hilo dahil sa tindi ng pag-alog nito.

"Juice--Kyaaaaahhhh!"

Napasigaw ako ng husto ng biglang humiwalay ang sahig na inaapakan ko dahilan para malaglag ako. Abot hanggang langit ang kabang naramdaman ko at pakiramdam ko ay parang humiwalay ang small intestine ko sa large intestine ko.

"Goodness!" I muttered.

Ganoon na lamang ako napasimangot ng maglanding ang katawan ko sa isang malambot na kama. Inilibot ko ang paningin ko at ganoon nalang nagsalubong ang dalawang kilay ko.

Another room? The heck!

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan si Kuya.

"Nasaan kayo?!" sigaw ko.

"Stay where you are! Damn!"

"Hello?! Kuya! Hello?!"

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sobrang frustrasyon. Ano ba ang nangyayari?

"Damn it!"

Hindi ko na alam kung sinong pagbibintangan ko. Wala na akong nagawa kundi ang humiga sa kamang ito. Wala naman kasing ni isang pinto dito na pwedi kong paglabasan.

Kung sa ilalim ng kama, wala ring pinto. Wala namang C.R dito.

"Naman oh! Paano ko sila matutulungan kung naka--"

Love CautionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora