Chapter 36

178 12 1
                                    

++++

"Hindi nga talaga ikaw si S?"

"Hindi nga! Ako si Syren!" sigaw ko dito. Napailing ito.

"Grabi talagang babaeng iyon. Palagi nalang akong pinagkakaisahan!"

Napairap ako. Ano bang pinaggagawa ng kapatid kong iyon? Bakit may mga utang siya? At talagang nandamay pa siya ng ibang tao. Bilib din ako sa babaeng iyon. Walang pinipiling tao kung sino ang idadamay niya ang importante sa kanya ay ang matupad ang gusto niya.

"Paano ba kayo nagkakilala ng kapatid ko?" tanong ko dito.

"Sa daan. Sinubukan niya kasi akong nakawan. Akala niya siguro madami akong pera e iyong mga pera nanggaling lang naman iyon sa nakaw!" pagkukwento niya. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

Masama siyang tao?

"Hoy! Hindi ako magnanakaw kung iyan ang akala mo! May isa kasing babaeng ninakawan, tinulungan ko pero hindi ko naman aakalain na nanakawin din ng kapatid mo iyong perang hawak ko kaya ayun! Buti nalang at naging mabilis ako kaya hindi niya nakuha ang pera at naisauli ko sa may-ari," sabi pa nito. Napahinga naman ako ng maluwag doon. Akala ko magnanakaw siya pero teka--si Savanah? Anong dahilan niya para magnakaw ng pera?

Ganoon ba siya kagipit?

"Pagkatapos no'n anong nangyari?"

Biglang nainis ang mukha nito habang inaalala ang nangyari noon.

"Tsk. Kinaladkad ko siya para sana kausapin pero nagulat akong bigla siyang sumigaw ng rape! Sa buong buhay ko, kahit na may pangangailangan ako dahil lalaki ako, hinding-hindi ako mangri-rape ng babae! At alam mo kung anong nangyari? Kinulong ako! Gusto mong malaman ang kasunod? Ilang taon akong kinulong at pagkalabas ko hinabol na naman ako ng mga sindikato dahil sa kapatid mo. Dahil akala nila ako daw ang asawa! Ang taas talaga ng sungay ng babaeng iyon. Nanggigil ako. Tapos ang pakilala niya sa'kin siya daw si S! Makakatikim talaga sa'kin ang babaeng iyon," naiinis na sabi niya. At kung pwedi lang na magwala siya ay gagawin niya.

Ang laki pala ng kasalanan ng kapatid ko sa kanya. Hindi ako magtataka kung bakit ito ang ginawa niya. Ang kaladkarin ako kasama niya at uuwi sa probinsya niya para daw gawin akong maid niya. Para sa ginawa ng kapatid ko ako ang magpapakaalila. Bawi ko nalang sa bruhang iyon dahil siguro sa mga naranasan niya sa buhay. Hindi naman kasi magkakaganoon iyon kung wala siyang mabigat na dahilan.

"Tutal ako naman ang kapatid niya. Aakuin ko lahat. Gusto kong maranasan ang naranasan niya kaya pumapayag akong magpaalila sa'yo!" sabi ko dito.

Ngumise naman ito.

"Kung ano man iyang iniisip mo, siguraduhin mong magugustuhan ko dahil hindi mo ako kilala," seryosong saad ko sa kanya. Umayos naman ito.

"Ito naman. Ang gagawin mo lang naman ay bantayan ang kapatid kong buntis habang hinahanap ko ang ama ng dinadala niya. Gusto ko lang suntukin iyon at patayin. Walanghiya siya, binuntis niya ang desisyete kong kapatid!" galit na galit na sabi nito.

Ang drama naman pala ng buhay nito. At kay bata-bata pa ng kapatid niya ay nagpabuntis na! Mga kabataan nga naman talaga ngayon. Inuuna pa ang bugso ng damdamin.

"Hay. Okay-okay. Babantayan ko ang kapatid mo ng libre pero bakit kailangan pa nating pumunta ng Iloilo kung taga-pasay ka naman? Anong gagawin mo doon? Doon mo ba hahanapin ang nagbuntis sa kapatid mo?" tanong ko dito. Naikwento niya rin kasi ito sa'kin habang papasok kami kanina ng pyer. At ngayon nandito kami sa loob ng roro, sa tabi mismo ng mga railings upang makita ang view ng dagat. Masarap pa ang hangin dito, feel na feel ng isang tulad ko.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon