Chapter 7 - Holding Hands

242 21 1
                                    

++++

I woke up early this morning because we are going to Islandshot together with my friends and my parents friends! Mag-a-outdoor shooting range kami! Well, this is a kind of training for self defence.

Gusto kasi nina Mama at Papa na matutunan ko ang paghawak ng baril, hindi dahil kailangan sa negosyo, kundi dahil para protektahan ang sarili ko. Ganoon din ang mga kaibigan ko. My Tita's and Tito's wants this for my friends too. Iba kasi talaga kapag marunong kang makipaglaban. You can protect yourself and you don't need someone else to protect you.

"Zenberg, bilisan mo!" reklamo ni Mama.

Kanina pa kasi ito handa. Actually sabay kaming natapos pero itong si Papa ang tagal-tagal mag-ayos. You know I love guns like Ma kaya excited kaming dalawa. At hindi niyo kami masisisi kung bakit atat na atat kaming umalis.

"Wait."

"Pa, bilisan mo na!"

"Yeah. Yeah. Masyado kayong atat," he uttered.

Napangisi nalang kaming dalawa ni Mama at nag-apir. Iniwan muna namin si Liit, yung kapatid ko kay Lolo dahil bawal ang bata sa Islandshot. Pumasok narin si Papa sa driver seat pero hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Mama.

"You didn't give me a morning kiss," reklamo nito.

I chuckled a bit. Kaya pala badmood ito. I can't help but to shook my head because of their cheesiness. Walang araw na hindi sila ganyan. Sometimes, naiisip ko, hindi ba sila nagsasawa sa isa't isa? Kasi diba, most couples nagkakasawaan din habang tumatagal. Pero iyong parents ko? Parang araw-araw yata ay inlove sila. I can't blame them anyway, grabi rin kasi ang pinagdaanan nila bago nila makasama ang isa't isa.

Masyado silang sweet. I mean si Papa lang pala kasi itong si Mama minsan may pagka-bitter sweet.

"Zenberg!"

Papa kissed her even though she protested. Walang nagawa si Mama kundi ang magpahalik dito.

"Oh come on! Please, let's go!"

I almost rolled my eyes but I stop myself for doing that. I instead smile when Papa starts to drive. At hindi na'ko nagulat ng pinaharurot niya ito at halos liparin namin ang daan sa sobrang bilis.

"Gago ka Zenberg! Bagalan mo, ayoko pang mamatay dito!" Ma shouted.

Tumawa ako. Mama looks so stressed. Hindi na siya nasanay!

"Zenberg!"

Hanggang sa makarating kami sa IslandShot ay panay ang kurot ni Mama sa tagiliran ni Papa. Nakamasid lang ako sa kanila habang naghaharutan sila. Natatawa lang ako kapag grabi na ang sigaw ni Mama. Ang epic kasi parang lalagutan na ng hininga.

Agad akong humiwalay sa mga magulang ko nang makita ko ang mga kaibigan ko 'di kalayuan sa entrance ng IslandShot. Agad namang lumiko sina Mama at Papa sa kaliwang lane dahil doon nakatambay ang mga Tita't Tito's ko.

Magkahiwalay ang shooting range namin. Nasa kabilang way sila samantalang nasa kabila naman kami. We are using an Enhanced Elite Semi-Auto Pistol while our parents, they are using a CVA Hunter Single-Shot Slug Gun.

Nakita kong nagsisimula na ang mga kaibigan ko. Agad kong kinuha ang ear muffler ko sa Range Master at inalagay iyon sa bandang taenga. Pumasok ako sa loob, hawak ang baril na ibinigay sa akin. Ang unang napansin ng mga mata ko ay si Kuya na seryosong pinapatamaan ang Range Finder or iyong target niya. Agad akong napailing nang makitang halos mapulbos niya na ito.

Hindi pa nga ako nagsisimula, patapos na siya? Ang daya! I pouted my lips as I looked at his target. I sighed. Kawawang target. Mukhang may malaking galit siya dito.

Love CautionWhere stories live. Discover now