Chapter 41

180 12 4
                                    

+++++

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng matinding kirot. Para itong binibiyak sa dalawa, sobrang sakit talaga. Kaya ayaw kong umiinom ng alak kasi sumasakit iyong ulo ko kinaumagahan.

Inilibot ko ang paningin ko ng mapansing hindi ito ang bahay nina Boyet. Masyado itong malaki at higit sa lahat sementado ang buong bahay.

Nasaan ako? Sinong nagdala sa'kin dito?

"Insan?" mungkahi ko ng pumasok ito ng silid. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa'kin. Na iyong pakiramdam ko na may malaki akong nagawang kasalanan. And I remembered, oo, mayroon nga akong ginawang napakalaking kasalanan sa taong mahal ko. At nagsimula na namang uminit ang mga mata ko.

"I-Insan." Nagsimulang tumulo ang luha ko dahil sa nangyari kagabi. Napuno ng sakit at pighati itong dibdib ko. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay gusto kong magwala para mailabas ko ang totoong saloobin ko. Ngayon ko lang rin naramdaman na ang hapdi na pala ng mata ko. Ganoon ba kagrabi ang iyak ko kagabi?

"Now that you're awake. Mind explaining me kung bakit mo ginawa iyon? First, you signed the annulment paper. Second, you kissed Kuya Josh. At ang nakakainis pa ipinakita mo pa kay Kuya Ren. Seriously Sy? Gusto mo bang wasakin ang puso ng tao? Hilig mo talagang saktan siya kahit sa simpleng bagay o salita lang na ginagawa mo," naiinis na sabi nito. Imbes na damayan ako ay pinangaralan pa'ko.

"Oo na. Kasalanan ko na. Kasalanan ko na lahat pero hindi ko gustong saktan siya," sabi ko dito sabay pahid ng luha ko.

Wala dapat akong karapatan na masaktan ng ganito kasi in the first place kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Kasalanan ko kung bakit nawala ang taong mahal ko. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ako pero lintik lang gusto ko lang naman ng katahimikan.

"At hindi ko alam na hinalikan ko si Kuya Josh. I was drunk," I said to her. Lumapit ito at binatukan ako. Yeah. I deserved it.

"Para magising ka sa kahibangan mo," sabi nito. Ngumite ako sa kanya ng mapakla.

"Bakit mo pinirmahan ang annulment paper? Anong pumasok sa ulo mo?"

I just sighed. It was a lame reason pero ito talaga ang rason ko.

"Para matahimik na ang magulang ko."

Napailing ito. Alam kong napakababaw.

"Hindi parin pala sila nagbabago. Hay. Kung pwedi lang makialam ang magulang namin ay ginawa na nila kaso away ng pamilya niyo 'yan. At ang mas matindi pa ay si Kuya Ren ang nagigipit sa inyong lahat, sa inyong magkapatid. Buti nalang at umalis siya para hindi na mag-away ang lahat," sabi nito na parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi nito. Umalis si Ren? Saan ito nagpunta? Bakit hindi... Hindi niya pala kailangang magpaalam.

"W-where did he go?" tanong ko sa kanya. She rolled her eyes.

"Pagkatapos mong pirmahan ang papel na iyon, ngayon magtatanong ka kung nasaan siya? Aba, magdusa ka! Pinakawalan mo tapos hahanapin mo? Ang labo mo din e noh?" singhal nito sa'kin. Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Gusto niya talagang ipamukha sa'kin ang naging desisyon ko? Hindi ko naman ginustong mangyari 'yon. Akala ba niya gusto kong mahiwalay kay Ren? No. Ayoko kasi mahal ko ito pero naipit lamang ako.

"Tell me please..." pagmamakaawa ko dito. Gusto ko lang naman malaman kung saan ito nagpunta. Gusto ko lang malaman kung okay siya.

Okay siya? Iniisip mong okay siya?

Parang gusto kong pokpokin ang ulo ko sa sobrang katangahan. Paano magiging okay ang isang taong nasaktan? Kailan pa magiging okay sa unang araw palang?

Love CautionWhere stories live. Discover now