Chapter 34

150 10 2
                                    

+++++

Nagulat ako ng biglang pumasok si Papa sa loob at kinuha ang kadenang nakatali sa paa ko. Hindi ito makatingin sa'kin ng maayos kaya hindi narin ako nag-abala pang magsalita.

Pakiramdam ko ay nagiging tauhan nalang sila ng Savanah na iyon. Kung anong pinag-uutos ng babaeng iyon ay agad naman nilang sinusunod. Hindi ko alam kung bakit pumapayag sila sa ganoong set-up. For goodness sake, sila ang magulang dapat sila ang masusunod hindi iyong inuutos-utusan lang sila ng anak nilang may saltik sa ulo!

Hanggang sa makalabas si Papa ay hindi nito nagawang magsalita. Bumagsak ang balikat ko dahil sa sobrang pagkadismaya. Akala ko kakausapin niya na ako, hindi pala.

Napangiti ako ng mapait.

Ilang minuto ang nakalipas bago umalis si Papa ay may pumasok na namang tatlong kalalakihan. Agad nila akong nilapitan at binuhat palabas ng kwartong ito. Nagpumiglas naman ako.

"Saan niyo ako dadalhin mga peste kayo?! Damn it! Ibaba niyo ko!" sigaw ko pero parang isang invisible lang ako. Galing!

Imbes na sayangin ang boses ko ay pinili ko nalang na tumahimik. Hanggang sa maramdaman ko nalang na inilapag nila ako sa isang bathroom.

"Maligo ka dahil mamaya na ang kasal ni Princess Savanah," sabi ng lintik na pisugong ito.

Malakas na isinara ko ang pinto sa sobrang inis. Seriously? She's a princess? How did that happened? At saang empyerno naman ang kaharian niya? Gusto kong matawa ng malakas. Mukhang nagsasabi nga ng totoo ang bruhang iyon kaya pala ganoon nalang katindi ang guts niyang gawin ito sa amin. She's a princess, Ass!

Naligo ako at ninamnam ang tubig. Ilang araw din akong hindi nakaligo dahil sa lintik na babaeng iyon. Buryong-buryo na ako sa kakambal kong iyon. Mahaba ang pasensya ko pero kung siya palagi ang makakaharap ko ay palaging nauubos ito ng lubos. At kapag hindi ako nakapagtimpi sa kanya, makakatikim na siya sa'kin.

Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang bathrobe na nakasabit sa bathroom na ito. Pagkalabas ko ay mayroon ng damit na naghihintay sa'kin. Naningkit nalang ang mata ko ng mabasa ko ang note.

Today is my wedding day twinny. You must wear this.

Tiningnan ko ang damit na ipapasuot niya sa'kin. Seriously? Isang kurtina? The hell she is!

Wala akong nagawa kundi ang kunin iyon at isuot. Okay lang na magmukhang bintana, importante mas maganda ako sa kanya. Pagtitiisan ko muna ang babaeng iyon.

Nang matapos kong isuot ang damit ay may kumatok sa pinto. Magsasalita na sana ako ng makitang bumukas ito at iniluwa si Mama na malungkot parin ang mukha. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil nasa harapan ko siya pero sa tuwing naalala ko ang mga naging desisyon nila bumabalik iyong sakit na nararamdaman ko. Iyong pakiramdam na pinagkaisahan ka at gawin kang tanga, masakit, sobrang sakit.

She was about to talk ng bigla ko siyang nilampasan at lumabas ng kwarto.

Bastos na kung bastos pero hindi niyo ako masisisi kung bakit ko ginawa iyon. Alam kong masasaktan siya sa ginawa ko and I felt sorry for that. Pinahiya ko siya, sarili kong ina pero nagawa kong huwag siyang kausapin.

Ito lang ang paraan na naisip ko para hindi masaktan ng lubusan. I don't want to cry in front of them. Ayoko lalo na kung sila ang kaharap ko. Mas maigi nang itago ko itong galit na nararamdaman ko kaysa sa sabihin ito sa kanila. Baka bumigay ako ng husto at mapuno ng galit itong puso ko.

Pagkalabas ko ay sumulpot sa harapan ko iyong tatlong lalaking bumuhat sa akin kanina. This time kinaladkad na naman nila ako papunta sa kung saang kwarto. What the hell is happening right now? Saan ba ako dadalhin ng mga lintik na ito?

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon