Chapter 20

220 15 1
                                    

+++++

Ilang araw din ang hinintay ko bago tuluyang gumaling ang sugat ko. It takes time to heal the wounds. At habang nagpapagaling ako ay kahit ni isa sa mga kaibigan ko ay walang dumalaw sa'kin. Only Insan, just her alone.

Siguro hindi na pinaalam pa sa kanila ng mga magulang ko ang nangyari para hindi na sila mag-alala pa. Over exaggerated pa naman magreact ang mga iyon. At ilang araw din akong nag-iisip kong bakit hindi man lang dumadalaw sa'kin si Kuya Ren. It's just that I miss him. Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko.

Gusto ko siyang mayakap. It sounds corny! Hell yeah! Nababaliw na yata ako. Kung ano-ano na itong pumapasok sa utak. I just heave a sighed.

"Kamusta na ang pakiramdam mo young lady?" Pa asked me, as he walks toward the refrigerator to get a water to drink.

"I'm very well okay now. In fact, pwedi na akong bumalik sa school bukas," I said while smiling. Umupo ito sa stool sa tabi ko at nakikain din ng lasagna na hinanda ni Mama para sa akin. I pouted my lips.

"Okay. But starting tomorrow you will having a bodyguard with you. Ayokong maulit ang nangyari sa'yo young lady." Napataas iyong kilay ko sa sinabi nito. Bodyguard?

"No way! Ayoko ng bodyguard Pa! I can protect myself at saka isa pa andiyan naman ang mga kaibigan ko. I don't need them," I reasoned out.

Life sucks if you have a bodyguard with you. You can't do whatever you want. You can't go wherever you want. Diba? Nakakainis kung palaging may nakabantay sa'yo. I want to be free at saka kaya kong protektahan ang sarili ko. Besides, I know to myself that I can beat them it's just that I am not prepared that time because I didn't expect that to happen. Hindi ko naman alam na may gusto palang pumatay sa akin. And I know it's not Galdyz. She can't do that at isa pa andoon siya noong nangyari ang putukan. Swerte lang siya dahil nakaligtas siya kagaya ko but lucky her again dahil hindi man lang ito natamaan ng baril kagaya ko.

"Young lady.... you need them---" I interrupt him.

"Pa, please. I want to be free. Trust me kaya ko ang sarili ko. Ayaw ko ng may nakabantay sa'kin. I'm old enough, I know how to protect myself."

He took a deep sighed. Naiintindihan ko naman siya dahil nag-aalala lang ito sa kaligtasan ko. Pero ayaw ko ng bodyguard. Swear! Nakakaintimidate silang kasama at saka nakakahiya kapag nasa school.

"Okay. Okay. If you say so. Just stay safe okay?" I smiled sweetly to him. "Ofcourse, I will Pa!" Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko.

"By the way, sino pala ang naghatid sa'kin sa bahay? And why did you punched Kuya Ren? Why did you do that Pa?" I said to him using my serious tone but I was not serious thou. He shrugged.

"Your Kuya Rain. Hinatid ka niya while you were asleep and...."

"And? Why did you punch Kuya Ren?" I asked again. "I did that because he deserves it," he simply said.

Deserves it? Bakit may ginawa bang masama si Kuya? Oo nga pala, dahil hindi nito pinaalam sa kanila ang nangyari kaya siya sinuntok ni Papa. Tinago niya ako sa mga magulang ko. I sighed.

"Sana hindi mo nalang siya sinuntok. He took good care of me," I said.

"I know pero kasalanan din naman niya kung bakit nangyari 'yun sa'yo," he reasoned out.

Nangunot 'yung noo ko. Kasalanan ni Kuya? Ano ba ang ginawa niya? I was about to ask Papa ng makita kong bumuntong hininga ito ng sobrang lalim na parang may naaalala. Para itong nahihirapan na ewan dahil sa uri ng pagkakabuntonghininga niya. Sobrang lalim nito. I patted his shoulder, "Pa, is there any a problem?" I asked instead.

He turned his gaze towards me. "Nothing young lady. Akyat lang ako sa taas," he said bago ako tinalikuran. Naguguluhang sinundan ko ng tingin ang daang tinahak niya. May problema ba ito? Or I am just being paranoid?

****

Back to school ako ngayon pero parang hindi yata magandang ideya na bumalik ako sa paaralang ito ngayon. Isang hindi kaaya-ayang nilalang ang nakikita kong papalapit sa'kin. She has this devilish smile on her face and I want to punch her right now because of this powerful irritation towards her. Sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo. Dahil narin siguro sa ginawa niya kay epic face kaya ako nagkakaganito.

"Oh, hi, dear Syren."

Naningkit iyong mata ko sa uri nang pagkakasabi niya. Napaka-childish niya talaga. Hindi ko alam kung papatulan ko ba siya o ano pero pinili ko nalang na sagutin siya.

"What do you want?" I said, frowningly.

"Your death," she simply said.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. She's unbelievable. Ganoon ba siya ka-obsess na mawala ako sa mundong ibabaw na ito? Oh, I pity her mukhang hindi matutupad ang gusto niya.

I smirked.

"My death? Come on imma-girl. Alam mo ba iyong salitang ASA? Kung hindi, search mo sa merriam-webster baka sakaling may makita kang, 'ano ka sinuswerte?'" I rolled my eyes after saying that.

Ang lakas ng loob niyang pumunta dito sa school namin para lang sabihin lang sa akin ang mga tinagang iyon. Nakakatawa siya grabi! At kung pwedi lang humiling ngayon, hihilingin kung sana mawala na siya sa paningin ko habang buhay. Ang sakit niya kasi sa mata.

"You know what? Ikaw ang maghanap ng salitang ASA sa merriam-webster dahil makikita mo doon ang salitang, 'wala ka ng pag-asa kay Ren kasi kami na'," sabi niya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? Sila na ni Kuya Ren?

"W-what?"

She smirked.

"Kami na dahil sinagot ko na siya kahapon," she said.

Hindi ko alam kung ano ang tamang ireact dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang sapakin ngayon, balibagin ang ulo niya, sakalin siya at itapon sa planet mars. Parang gusto ko siyang turukan ng napakaraming drugs para mamatay na ito at mawala sa mundong ibabaw.

Sila na? I want to laugh. Is she serious?

"We kissed and we made love, so back off before I wring your neck. Remember that," she said, before leaving me here pissed and in pain.

Sinundan ko ng tingin ang dinadaanan niya. Is she telling the truth? Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong kumirot ng husto. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Para itong sinasakal, pinipilit.

"They made love?" I asked myself. Pero iniling ko ang ulo ko. Masyadong assuming ang babaeng iyon kaya hindi ako naniniwala sa kanya. Maniniwala lang ako kung si Kuya Ren na mismo ang nagsabi na sila na.

Sana hindi totoo ang sinabi niya. I am hoping na sana gumagawa lang ito ng kwento. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa isiping sila na. I feel like I'm broken. I feel like my heart tightened. 

.

.

.

.

.

.

Ladymania

Love CautionWhere stories live. Discover now