Chapter 16

238 17 5
                                    

+++++

"Anong nangyari sa'yo nak?" bungad na tanong sa'kin ni Mama pagkauwi ko. Nginitian ko lang ito ng matipid bago magsalita, "magbibihis po muna ako Ma."

"Okay sige."

Umakyat ako sa taas at iniwan si Insan kasama si Mama sa baba. Agad akong pumasok sa loob ng banyo at nagsimulang maligo. Pagdampi palang ng tubig sa katawan ko, I feel at ease. Parang nahimasmasan ako sa nangyari ngayong araw na ito. Malamig na tubig lang pala ang kailangan ko para maikalma itong sarili ko.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kay epic face. Naaawa ako sa kanya dahil nalaman kong wala na pala itong mga magulang. Ulila na ito at walang may nagclaim ng katawan niya sa ospital. Naisip kong ako na lang siguro ang magpapalibing sa kanya tutal ako din naman ang may kasalanan kung bakit siya namatay.

Namuo na naman ang galit sa puso ko dahil sa Gladyz na iyon. Napakawalang puso niya talaga. She's really an immature girl. I sighed at tinapos ang pagligo ko. Ng makabihis ako ay agad akong bumaba para kausapin si Mama tungkol sa pagpapalibing kay Noel. I know, matutulungan niya ako sa bagay na ito.

Naabutan ko silang dalawa na nag-uusap sa sofa. Siguro ay ikinuwento na ni Insan ang nangyari. Tiningnan ako ni Mama ng may pag-alala. Ngumite ako na nangsasabing okay lang ako. Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang ibuka ang bibig ko.

"Ma, pwedi mo bang ipalibing ang katawan ni Noel? Wala kasing may nagclaim ng katawan niya," malungkot na pagkakasabi ko. Naaawa kasi talaga ako dito. Ngumite si Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala nak. Ako na ang bahalang magpalibing sa kanya," she said kaya niyakap ko siya.

"Thank you Ma," I said. Ako rin ang unang bumitaw sa yakap naming dalawa at binalingan si Insan.

"Pwedi mo ba akong samahan sa ospital?" tanong ko dito.

"Sure. Nandoon pa naman sina Jameson, binabantayan ang katawan ni Noel."

I smiled bitterly. Mabuti nalang at may mga kaibigan akong tumutulong sa'kin.

"Okay," I said as I stand up. Nagpaalam kami kay Mama bago umalis ng bahay. Pagkalabas namin ay nakasalubong pa namin si Kuya Ren na papasok ng gate. Pagkakita niya sa'min ay mabilis itong lumapit sa amin.

"Sy... Hazel, saan kayo pupunta?" he asked but I didn't bother to look at him and answer his question. Nilampasan ko lang ito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan ni Insan. I'm not in the mood.

Naguguluhang tiningnan ako ng pinsan ko. "What was that?" she asked.

"I don't want to talk to him right now. Alam kong magtatanong lang siya," sabi ko habang kinakabit ang seatbelt sa katawan ko. Umayos ako ng upo at binalingan si Insan na ngayo'y kung makatingin sa'kin ay parang may tinatago ako. Parang sinususpitsahan niya ako.

"What? Don't look at me like that. Umalis na tayo," I said to her kaya pinaandar nito ang engine ng sasakyan.  Bago kami umalis ay napasulyap ako sa labas ng bintana. Nakatingin ito sa amin habang papaalis ang sasakyang sinasakyan namin.

"Galit ka ba kay Kuya?" biglang tanong ni Insan na siyang ikinakunot ng noo ko. Hindi ko kasi alam kung saan nanggaling ang tanong niyang ito. Bakit naman ako magagalit kay Kuya? Sa pagkakaalala ko wala naman itong ginawang masama sa'kin.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa kanya?" sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana. Sobrang liwanag pala ng sikat ng araw ngayon.

"Bakit kailangan mo siyang iwasan kanina? Pwedi mo namang sabihin na, 'not now' pero hindi mo man lang ito pinansin," sabi nito. Binalingan ko ito ng tingin.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon