Chapter 30

179 10 1
                                    

+++++

Hazel's Pov

+++++

Hanggang ngayon hindi parin nagigising si Insan. Nababahala na ako at pati narin si Kuya Ren.

Masyadong malala daw ang kondisyon nito sa paglipat namin sa kanya dito. Hindi ko naman alam na magiging ganito. Kung doon siya sa ospital mananatili ay magiging delikado pa ng tapat ang buhay niya. Maraming magtatangka, lalo na iyong babaeng iyon.

Ang sarap din patayin no'n sa totoo lang. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ito. Wala siyang puso, no crap that, isa pala siyang demonyo. Tsk. Hindi ko alam kung bakit pati magulang namin ay kakampi niya. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi niya makukuha ang loob naming lahat. Not me, definitely not my friends too.

Hindi rin ako makapaniwala na kaya kaming traidorin ng sarili naming pamilya dahil lang sa Savanah na iyon.

Anong bang pinakain ng babaeng iyon sa kanila? Mas pinili pa nila ang Savanah na iyon kaysa kay Syren, I don't get them. I tried to understand all noong malaman ko ang lahat pero hindi e, masyado talagang mababaw para sa akin. At ang inakala ng lahat na kontrabida, isa pala sa mga tumutulong kay Kuya Ren. Gladyz, that immature girl. Akala ko talagang may saltik siya sa ulo iyon pala nagkukunwari lang at trip lang talaga kaming pagtripan at galitin. Ang lakas din ng trip niya pati kami dinamay imbes na si Insan lang ang dapat niyang pagtripan.

"Hey."

Napalingon ako ng tawagin ako ng kapatid ni Kuya Ren, I mean, kambal niya pala. Yeah. May kakambal siya.

Hindi nga ako makapaniwala sa una dahil parang lokohan lang. Pero noong makita ko silang dalawa mismo sa harapan ko, totoong-totoo talaga. Magkambal nga sila at hindi ito alam ni Tita Mrie.

Sabi kasi ni Kuya Ren, hindi daw nila dapat sabihin. It doesn't make sense after all, hindi ko alam kung bakit.

"Kuya Ren, kamusta ang lagay niya?" tanong ko.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. It's really unbelievable. Pati pangalan pareho pero ang pinagkaiba lang, Jackson iyong isa, Joshua naman ito. Parang iisang tao parin ang tinatawag ko.

"Natutulala ka na naman," sabi nito na nakapukaw sa diwa ko. Bahagya akong nakaramdam ng hiya.

"Sorry pero kamusta na siya?"

"She's okay, don't worry. I'm a doctor at nasisiguro kong magigising siya before New Year," sabi nito habang nakangiti.

Kamukhang-kamukha niya talaga si Kuya Ren Jackson. Ano kaya ang pinagkaiba ng dalawang ito?

"Am I that handsome?" sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?"

"Kung makatingin ka sa'kin parang hinuhubaran mo ako," sabi pa nito.

Magsasalita na sana ako ng may tumikhim sa likod namin.

"Aham."

Sabay kaming napalingon ni Kuya Ren Joshua at napangiwi nalang ako ng makita ko si Rain. Kinakabahang ngumite ako. Ang sama kasi ng tingin nito na iyong tipong kung isang ice cream lang kami ay kanina pa kami natunaw.

"Uy!" sabi ko nalang para mawala ang tensiyon.

"Josh, back off. Ako ang nauna sa'yo," Kuya Rain said.

Napailing nalang ako, napakaseloso talaga nito. Hindi naman kami pero kung makabakod akala mo naman sa kanya ako. And I can say, Kuya Josh nalang ang itatawag ko sa kanya. This guy chuckled.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon