Chapter 18

207 18 1
                                    

+++++

"Ano bang pinakain mo kay Ren at hindi ka niya maiwan-iwan?"

Naiangat ko ang tingin ko at nagkunwaring nagulat nang makita ang mukha ng babaeng ito. Alam kong papalapit siya kaya nagkunwari akong hindi siya nakita pagpasok niya dahil ayaw kong masira ang araw ko dahil lang sa kanya. I'm not into fight right now. Pero mukhang ayaw ng tadhana na maging mabait ako ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay bago magsalita.

"At ano rin ba ang ipinakain mo sa sarili mo at naging ganyan ka kapal ang mukha mo? Look, imma-girl, ayaw ko ng gulo, kung may gusto ka kay Kuya Ren siya ang kulitin mo hindi ako dahil nananahimik ako dito. Kung wala kang kaaway pwes maghanap ka ng baliw sa kanto for sure hindi papalag sa'yo iyon," I said dahil sa sobrang inis.

Pansin ko palagi nalang kami dito sa coffee shop nag-aaway. Ito ba talaga ang war place namin?

"Ayaw ko din ng gulo girl pero kasi inaagaw mo na sa'kin si Ren. Everytime I asked him on a date, he refused. Pero pagdating sa'yo ang bilis niyang pumunta. Ano bang meron sa'yo? Hindi ka naman maganda!"

"Oh, look who's talking!" sabat ko kaagad. Inungusan ko siya. "Bakit maganda ka ba? Kung makapanglait ka ah! Baka gusto mong sabunutan ulit kita? Sabihin mo lang dahil hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!" sabi ko dito pero umatras naman ito. Pinapaypayan niya ang kanyang sarili sabay irap pa sa kawalan. Ang arte! Kapag ako nainis tuturukan ko siya ng napakaraming droga. Ang dami ko pa namang reserba sa bahay.

"Well, not interested. But I am sorry to say this, hindi kita titigilan. Once an enemy always an enemy. Goodluck, iyan lang ang masasabi ko. Kung gusto mong tigilan kita, back off and stop stealing what is mine. Stay away from him Sy," she said.

Tinalikuran niya ako pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Napailing nalang ako ng wala sa oras. As far as I remember, I didn't steal anything. Pumunta lang ba siya dito para sabihin iyon? Ito din ba ang dahilan kung bakit galit na galit siya dahil akala niya ninanakaw ko si Kuya Ren sa kanya?

"Really an immature," I muttered to myself.

Tumayo ako at tinungo ang exit ng shop na ito. Nakasalubong ko ang professor namin na si Maam Jilly. Habang papalabas ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalingon. She was grinning. Agad kong inilihis ang paningin ko nang lumingon ito.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Feeling ko ay hindi maganda ang mangyayari sa'kin ngayon. As I open the door, napatalon ako sa gulat ng biglang may pumutok na baril. At ganoon ko nalang naipit ang hininga ko dahil sa nangyari.

"Shit!" I muttered ng matamaan ang tagiliran ko.

Damn! Hindi ako handa sa ganito. Napayuko ako ng biglang umulan ng bala. Ganoon ko nalang ininda ang sakit na nararamdaman ko. Patuloy sa pag-agos ang dugo sa kamay ko.

I need help!

Pakiramdam ko ang lalim ng sugat ko. Ang sakit talaga. Feeling ko naubusan ako ng dugo sa sobrang sakit.

"Yuko!" someone shouted at namalayan ko nalang na napadapa na'ko sa sahig dahil sa dinamba ako ng yakap ni Ma'am Jilly.

She was handling a gun at pinapaputukan ang mga taong hindi ko kilala. Mga nakamaskara ang mga ito. At alam kong hindi pagnanakaw ang pakay nila sa coffee shop, kundi ako ang puntirya nila.

Sino ba ang mga hinayupak na'to?!

"Okay ka lang?"

Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. Hindi ko magawang magsalita dahil sa nanunuyo ang lalamunan ko. Naubusan yata ng hangin, tubig at dugo itong katawan ko. Ang sakit ng tagiliran ko at alam kong marami ng dugo ang nawala sa'kin.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon