Chapter 11- Masungit

221 22 0
                                    

++++++

It's already five in the afternoon pero hindi parin dumadating ang professor namin. Alas cuatro nang hapon ang klase namin sa kanya at isang oras na siyang late. Hindi naman kami makaalis-alis dahil walang advice o notice na pwedi na kaming umuwi. Pero kung pagbabasehan ang school handbook ay dapat wala na kami dito sa classroom. Thirty minutes na wala pang Professor, automatic na wala na kaming klase kaso sa lagay namin minsan ay dumadating ito kahit one hour and a half na itong late! Palibhasa three hours kasi ang session namin dito.

"Umuwi na tayo," reklamo ni Krashika habang pinapaikot-ikot ang buhok sa kanyang kamay. Halatang sobrang naiinip na.

"Tara na! Hayaan niyo na si Sir. Hindi naman siguro tayo mafi-failure kung umabsent tayo ng isang araw," sabat naman ni Marl habang nakataas ang kilay.

Tama siya pero kahit na. Hihintayin ko nalang na lumabas ang class president namin para sigurado.

"Hindi ka pa uuwi?" Jameson asked me.

Nagsitayuan silang lima at naghihintay ng isasagot ko.

"Mauna na kayo."

Iniwan nila ako at nauna ng umuwi. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ko napagpasyahan na umuwi nalang. Hindi na siguro dadating si Sir!

Walang samood akong naglakad patungong parking lot kung saan hihintayin ko ang sundo ko. Pero kung minamalas ka nga naman ay nakita ko pa si Kuya Ren at ang Gladyz.

Walang girlfriend huh?! E kaano-ano niya ang imma-girl na iyan?! Don't tell me kaibigan niya lang?

I scoffed.

Mga lalaki nga naman! Napakasinungaling!

"Bhabe!" rinig kong sabi ni Imma-girl.

Bhabe! Hindi girlfriend huh! I rolled my eyes at nilampasan sila. Kunwari hindi ko sila nakita. Kunwari wala akong naririnig.

"Bhabe, wait! Kausapin mo naman ako! Ren ano ba!"

Naririndi ako sa boses niya. Hindi ko alam kung may lahing trumpet ba ang boses nito o ano. Ang sakit kasi sa tenga. Swear!

"Bhabe, talk to me. Bakit mo ba ako iniiwasan? Bhabe! Bhabe!"

Umupo ako sa isang bench malapit sa isang malaking puno. Doon ako umupo at nagtago para hindi nila ako mapansin at hindi ko sila maistorbo! Kung ano man ang pinag-awayan nila sana hindi na sila magbati pa! Kawawa naman kasi si Kuya Ren kung si Imma-girl ang makakatuluyan niya! 

Panay ang tawag ni Gladyz kay Kuya Ren pero hindi naman ito pinapansin. Gustuhin ko mang lumingon at tingnan sila ay hindi ko magawa dahil baka makita nila akong dalawa! Sobrang lapit ko lang kaya sa kanila. Kung walang puno paniguradong kita lahat ng mga anyo nila.

"Bhabe!"

Dumaan sila sa harapan ko kaya dali-dali kong inilagay ang libro sa mukha at nagkunwaring nagbabasa. Ayokong makita nila ako! Sumilip ako at ang pagtatantrums ng babaeng ito ang nakita ko. Para na ngalang itong hangin na nagsasalita dahil hindi naman nagre-response si Kuya. Siguro may pinag-awayan sila? Siguro. Hindi ko rin alam sa kanila.

"Please talk to me."

"Hey!"

"REN!"

Tinakpan ko ang tenga ko dahil naririndi na talaga ako. Bakit ba dito pa sila sa harapan ko huminto?! Nakakainis. Ang sakit sa tenga ng boses ng babaeng ito. Gosh! Bahala na kung makita! Mapatahimik ko lang ang imma-girl na ito.

"Bhabe!"

"Can you please shut up?!" sigaw ko. I mean sabay naming sigaw ni Kuya.

Love CautionWhere stories live. Discover now