Chapter 9- Gun Shot

218 21 0
                                    

++++

Dali-dali akong lumabas ng classroom dahil alam kong naghihintay na si Kuya Ren sa labas. Past 3 o'clock na dapat kanina pa ako doon! Baka bumusangot na naman ang mukha no'n sa kakahintay sa'kin!

"Sy!"

My eyes widened. Shit! Nandito na nga talaga siya.

"Kuya Ren! Sorry may tinapos pa kasi ako!"

"No, it's okay."

He didn't look annoyed kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Pahirapan pa naman kapag nagsuplado ito.

Tumango na lamang ako sa kanya at nagsimulang maglakad pero napatigil din ng mapansing hindi ito nakasunod sa'kin. Binalingan ko siya ng tingin at ang seryoso ng mukha nito na lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya. This kind of man is very rare. Ang kagwapuhan nito ay hindi basta-basta nakikita lang kung saan! Hay, ewan!

"Kuya?" tawag ko dito.

"Give me your bag."

"Huh?"

Aanhin niya ang bag ko? Don't tell me bibitbitin niya?

Lumapit ito at walang sabi-sabing kinuha ang mga gamit ko. Biglang uminit ang pisnge ko dahilan para mapayuko ako.

"Thanks," medyo nahihiya pa.

Nagsimula itong maglakad habang nakasukbit ang bag ko sa kanyang balikat. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa likod niya. Ang cute! I didn't know that a man like him, looks so cute and adorable. Hindi mukhang bakla tignan!

I chuckled a bit when I can't help myself. Nakaka-amaze lang kasi.

"What are you doing?"

I cleared my throat and tried my very best not to chuckled again.

"Nothing. Maglakad ka nalang," I said at sinabayan siya. Hinawakan ko ang kamay nito. Hinintay kong tabingin niya o hindi kaya may sabihan siyang masama pero walang nangyari. He instead tightened the grip on my hands. I look at him and smiled. We continued walking until we reach the parking lot.

I put all my things at the back when Kuya gave it to me. Kumportable na akong nakaupo sa passenger seat ng  biglang may pumutok na baril kung saan. Narinig ko ang pagmura ni Kuya.

And another sound again and this time nasa amin na at muntik pa akong matamaan ng basag na salamin kung hindi ako napayuko agad. Damn! What was that?

"Are you okay?!"

"I'm fine! Ikaw?"

Mabilis na pinaandar ni Kuya ang sasakyan. May nakita akong mga armadong lalaki. Nakatakip ang mga mukha nito habang pinagbabaril kami. Naguguluhang napatingin ako kay Kuya.

"Kilala mo sila?"

"What?! No!"

He looks so worried while looking at me. Nanginginig ang buong katawan kong umupo ng maayos.

"Are you okay?"

"Y-yeah."

Wala sa sariling tumango ako. Na bigla lang ako sa mga pangyayari. Sobrang bilis kasi! And I am wondering who's that guys are. Bakit nila kami pinagbabaril?

And what if kung natamaan pala ako kanina? Napahawak ako sa dibdib ko. I inhaled deeply. I tried to calm myself pero imbes na kumalma ay lalo akong kinabahan ng husto.

Isang malakas na pagputok ng baril ang tumama sa gulong namin dahilan para magpagewang-gewang ang pagdrive ni Kuya. Kinabahan ako bigla ng lumabas ito. Anong ginagawa niya?! That's suicide!

Love CautionWhere stories live. Discover now