Chapter 33

156 10 2
                                    

++++

Nagising ako sa panaginip na hindi ko alam kung totoo. Pero ng makita ko ang singsing sa kamay ko ay masasabi kong ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundong. Pero kaakibat din ng sayang iyon ang pagkakakulong ko sa kwartong ito habang itinali ang kaliwang paa ko sa kadena.

Napunta ang mga mata ko sa babae't lalaking pumasok sa silid na ito. Hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit at galit. Sakit dahil nasasaktan ako sa ginawa nilang paglayo sa aming dalawa ni Kuya. Galit dahil hinayaan nila akong makulong sa silid na ito.

Lumapit si Mama sa kinaroroonan ko habang may luhang nakapatak sa kanyang mga mata. Kahit anong pilit kong intindihin ang nangyayari ay hindi ko parin talaga maintindihan ng lubusan. Masyadong mababaw, napakababaw.

"Anak...," tawag nito pero hindi ko magawang tumingin sa kanya, sa kanilang dalawa ng deritso. Ayokong makita sila, ayoko.

"Umalis na po kayo," walang emosyong sabi ko at humiga sa kamang ibinigay nila. Funny, mabuti at naalala nilang bigyan ako.

"Young lady..."

Biglang sumikdo ang sakit sa puso ko ng marinig ko ang boses ni Papa. Kahit siya ay nagawa niya rin ito sa'kin. Hindi ako makapaniwala.

Nakakatawa dahil napaniwala nila kaming lahat. Ginawa nila kaming tanga dahil sa palabas na ginawa nila. Ang galing nila. Hindi na'ko nagtaka kung bakit isa sila sa pinakamagaling na gangster sa panahon nila. Dahil ang galing nila gumawa ng plano at magpanggap.

Hindi ako kumibo at hinayaan silang dalawa. Narinig ko ang paghikbi ni Mama. Masakit para sa aking malaman na umiiyak ang Ina ko ng dahil sa'kin pero nasaktan lang din ako dahil sa ginawa nila.

"I'm sorry anak, I'm sorry. Akala ko maiintindihan mo," sabi ni Mama. Natawa ako ng mapakla.

Maiintindihan? Siguro, kung sinabi nila ng maaga at hindi nila kami pinagmukhang tanga.

Akala ko nga tutulungan nila akong huwag matuloy ang kasal ni Kuya pero--damn sila pa pala ang gumagawa ng paraan para matuloy ito. Napaniwala nila ako ng husto at naniwala naman ako.

"Umalis na po kayo. Ayoko pong makita kayo," sabi ko habang nakatalikod sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang pag-alis ng mga ito. Pagkasara ng pinto, umupo ako sa kama at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

I don't want to do this to them pero sila na rin mismo ang gumawa ng rason para magalit ako sa kanila. I hate them. I really-really hate them so much.

****

Hazel's Pov

****

"Tenishka."

Kanina pa tinatawag ni Mamz at Papz ang pangalan ko pero hindi ko magawang lumingon sa kanila dahil masama parin ang loob ko sa ginawa nila sa'min. Seryoso? Kailangang ikulong kami? Para namang takas kami sa preso! Matatanggap ko pa sana kung magkakasama kaming lahat pero hindi, nilagay nila kami sa iba't-ibang kulungan.

"Kailangan lang namin gawin ito para hindi na kayo masaktan pa," sabi ni Papz.

Still. Hindi parin ako lumingon.

Simula palang damay na kami dito dahil malamang sa alamang ay tutulungan namin si Syren. Hindi makatarungan ang ginawa nila sa'min. They chose that bitch over us, over Syren. So lame reason.

"Nak naman!" ngayon si Mamz naman ang nagsalita.

Bahala kayo. Kahit naman na anak lang ako ay may karapatan din naman akong magtampo at masaktan. Ang hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit nila hinayaang mangyari ito na mayroon naman silang choice na ayusin ito sa magandang paraan. Bakit kinailangan pa nilang gawin sa santong paspasan? Kailangan talagang saktan kami?

Love CautionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu