Chapter 24

190 14 1
                                    

+++++

Nasa harap kami ngayon ng hapagkainan at hindi ko alam kung titingin ba ako kay Kuya o hindi dahil sa naiilang plus nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Habang naglalakad ito ay hindi ko mapigilang mapatingin sa baby niya kung okay na ba. At mula pa kanina ay hindi niya ako pinapansin.

Panay ang sulyap ko sa kanya habang kumakain. Seryoso ang mukha nito at pakiramdam ko ang laki ng galit niya sa'kin. Bawat tingin niya ay sobrang bigat, iyong tipong may dalang pagbabanta.

Hindi ko naman kasi sinasadya na gawin iyon sa kanya. Nagulat lang ako dahil sa ginawa niyang paghawak sa boobs ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang kamay niya dito. Kinikilabutan ako sa tuwing iniisip ko iyon.

"Pagkatapos mo iwan mo nalang sa lababo, mamaya ko na huhugasan," sabi niya sabay tayo at tinungo ang lababo. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kuya sorry!" ungot ko. Nagi-guilty kasi ako sa ginawa ko sa kanya.

Bumagsak ang balikat ko ng hindi man lang ito sumagot at basta-basta nalang umalis ng dining hall. Kahit kailan talaga hindi ko mahulaan ang takbo ng isip niya.

Hindi ko tinapos ang pagkain ko dahil nawalan na'ko ng gana. Nilagay ko sa lababo ang pinggan ko at hinugasan iyon. Nakakahiya naman kung siya pa ang paghuhugasin ko.

"Sabi ko ilagay mo lang ang pinggan mo."

"Ay kabayo!" utal ko sa sobrang gulat at nabitawan ko pa ang pinggan na hawak ko. Aish. Bakit kasi bigla-bigla nalang siyang nagsasalita?

Akmang kukunin ko na sana ang pinggan na nabasag ng hulihin nito ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya at na-out balance pa. Mabuti nalang ay nahuli niya agad ang bewang ko kaya hindi ako sumalampak sa sahig.

"The fuck Sy!" mura nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa naging reaksiyon niya.

"S-salamat," sabi ko nalang dito.

Kung hindi niya siguro ako nahawakan ay malamang nasa sahig na ako ngayon at basag ang ulo. He cupped my face and as I look into his eyes, there's an emotion that I cannot figure out.

"Be careful," he said. He really looks worried. Napatingin ako sa labi nito. Hindi ko alam kung anong sumapi sa utak ko at bigla ko nalang sinunggaban ang labi niya. Para kasi akong nahihipnotismo ng labi niya, para itong nang-aakit. His lips was very well paint dahil ang ganda ng hugis nito and I envy him a lot because of his handsomeness. Sobrang gwapo talaga ng pesteng ito kaya itong puso ko palagi nalang nag-aalburuto sa tuwing andiyan siya sa tabi ko. When he is around, pakiramdam ko nagiging ibang tao ako. Iyong palamurang Syren, iyong maingay, nagiging tahimik nalang bigla. Ewan ko ba.

Bahagya itong nagulat sa ginawa ko, kahit ako ay nagulat din. He respond to my kisses at siya ang unang lumayo sa'kin. Nagulat ako ng bigla itong nagmura at dali-dali tumakbo papasok sa kwarto niya. Nanlumo ako dahil sa naging reaction niya.

Ayaw niya ba? Hindi ba niya gusto ang ginawa ko?

Pinukpok ko ang ulo ko dahil sa kahibangang ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa iyon. Hindi ko dapat siya hinalikan. Sobrang tanga mo talaga Syren Shane Zenberg! You just kissed the great Ren Jackson Montenegro! Nice. Ikaw pa talaga ang nanghalik.

****

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya dahil gusto ko lang tanungin kong saan ako matutulog ngayong gabi. Lahat kasi ng kwarto ay pinuntahan ko na pero lahat ng iyon ay nakalock.

"Come in," he said and he open the door widely to let me in.

"I just want to ask kung--" He interrupt me, "sleep beside me."

Love CautionWhere stories live. Discover now