Chapter 13

230 16 4
                                    

+++++

Biglang umasim ang timpla ng mukha ko ng makita ang mukha ng babaeng ito. Tahimik at mapayapa akong nagbabasa ng libro dito habang kumakain ng cake ng bigla itong sumulpot sa harapan ko habang may ngiting dalang aso.

"Umalis ka sa harapan ko," matigas na pagkakasabi ko. Ayokong makita ang pagmumukha niya dahil baka masira ko lang ang makinis nitong balat. Malaki ang kasalanan ng babaeng ito sa'kin kaya mas maiging umalis nalang siya bago pa lumabas ang halimaw sa katawan ko.

"Nagustuhan mo ba ang paparty ko sa'yo? Nag-effort ako sa paggawa ng tarpuline ha. Baka isipin mong tinipid kita," sabi nito na lalong nakadagdag sa inis na nararamdaman ko. I gritted my teeth in so much irritation. I want to punch her face right now.

Tiningnan ko siya ng masama kasabay ng paghawak ko ng mahigpit sa tinidor na may cake pa. Hindi parin naaalis sa mukha nito ang ngiting kanina niya pang dala. Gusto kong burahin ito sa mga labi niya.

"Umalis ka na kung ayaw mong iduro ko sa'yo itong tinidor na hawak ko. Huwag mo akong subukan dahil baka maging totoo ang paratang mo sa'king mamamatay tao ako. Baka ikaw pa ang unang maging biktima ko," I said sabay duro sa kanya ng tinidor na hawak ko. Nanginginig na ang kamay ko at huwag na huwag na huwag niya talagang sagarin ang pasensiya ko.

Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa kanya kung bakit ginawa niya ang mga bagay na iyon. Pero kapag hindi pa siya umalis sa harapan ko hindi ako magdadalawang isip na patulan siya. Hindi lang sampal ang aabutin niya sa'kin swear. Baka masuntok ko pa siya at sikmuraan.

"Okay I will leave. Pero ito lang ang sasabihin ko, trial palang 'yon. Hindi pa iyon ang simula Sy," sabi nito bago umalis. Sinuntok ko ang mesa dahil sa sobrang inis. Nanggigil na talaga akong saktan siya.

****

Padabog akong pumasok sa loob ng classroom at ganoon nalang nagsitinginan ang mga kaklase ko sa'kin. Kaagad din itong naalis ng tingnan ko silang lahat. Scared? Yeah right!

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Insan.
"That Gladyz. Naiinis na talaga ako sa kanya. What she've done was totally absurd! I don't even know kung anong kasalanan ko sa kanya. Tsk."

"Ito ba 'yung nagpakalat ng tarpuline sa buong campus?" Marl asked kaya tumango ako.

"Nagkita kayo? When? Where? Sana tinext mo kami para makita ng babaeng iyon ang dapat niyang makita!" nanggigil na saad ni Hyacinth.

Ayaw ko ng gulo kaya nga hindi ko pinatulan ang babaeng iyon kahit na inis na inis na ako sa kanya. At ayaw ko namang itext sila dahil tiyak na papatulan nila ang babaeng iyon ng walang pagdadalawang isip.

"Papalampasin ko muna ang ginawa niya sa ngayon. Pero kapag ito naulit pa makakatikim na siya," sabi ko sa mga ito. Hindi narin naman sila nagsalita pa dahil dumating na si Ma'am Jilly. At ito na naman ang ngiting palagi niyang ipinapakita sa buong klase. So creepy, really.

"Okay guys. I will not having a class today, I just check the attendance and then you can go," sabi nito sa lahat sabay tingin sa'kin. Hindi ko na naman mapigilan ang magtaka. Palagi niya nalang akong tinitingnan.

Nagsimula itong magtawag ng pangalan at pagdating sa'kin ay huminto ito at pinakatitigan akong muli. "Syren Shane Zenberg."

"Present."

Ngumite lang ito bago tumingin sa attendance sheet niya. Agad kaming nagsitinginan ng mga kaibigan ko. Ma'am Jilly is really something.

Nang matapos ito ay agad din itong nagpaalam at umalis ng kwarto. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala ito. Napailing na lamang ako dahil sa napapansin ko.

Love CautionWhere stories live. Discover now