Chapter 31

191 10 1
                                    

+++++

Ilang araw din akong nakahiga sa kama para lang maiayos ko itong kalagayan ko. Sinusubukan ko ring igalaw ang katawan ko nang sagano'n ay maexercise ko din. Okay na rin ang sugat ko at masasabi kong pwedi na akong tumayo at maggagalaw. Masyado kasing magaling ang doktor ko kaya siguro madali rin akong gumaling.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa araw-araw na nakakasama ko ang kambal ay nalilito parin ako kung sino si Kuya Josh at Kuya Ren. Masyado talaga kasing magkapareho ang mukha nila tapos iyong ugali ay magkatulad na magkatulad din.

Hindi lang ako nalilito sa kanilang dalawa, actually lahat kami. Kung pwedi lang na lagyan sila ng name tag ay ginawa ko na kaso nakikita palang ako ni Kuya Ren na nagsusulat sa papel ay bumubusangot na ang mukha niya.

Kesyo dapat alam ko daw kasi mahal ko siya. Kesyo dapat alam daw ng puso't isip ko kung sino sa kanilang dalawa ang totoong Ren Jackson Montenegro. Aba, malay ko naman iyon. Anong akala niya sa pelikula kami? Na sa isang libro? Minsan kung pwedi lang batukan ay gagawin ko e, masyado kasing malikot ang utak.

"Anong binubusangot mo?"

"Wala naman," sagot ko kay Insan nang pumasok ito sa kwartong pinapahingahan ko. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya.

"May gusto lang akong sabihin sa'yo."

"Tungkol saan?" Hinarap ko siya habang nakaupo sa wheel chair ko. Gusto ko lang upuan ito kahit na magaling na'ko. Nakakatamad kasing maglakad atleast ito pipindutin ko lang ang remote.

"Tungkol sa magulang mo, natin."

Biglang sumeryoso ang mukha ko. I knew everything, ito din ang rason kung bakit nagpakalasing ako noong araw na iyon. They beytrayed us, our family. Hindi ko aakalain na kaya nila iyong gawin, na kaya nilang hayaan na mangyari iyon sa'kin. I thought they loved me pero mukhang mali yata ang akala ko. Kasi kung mahal nila ako, hindi nila hahayaang mangyari ito.

"Alam ko. Alam ko na ang nangyayari."

I smiled bitterly. Pero may isa pa akong tanong na hindi pa nasasagot. Kung sino si Savanah Servando. Noong araw na nalaman ko ang totoo ay nakita ko ang pangalan nito sa isang file ni Kuya. Bilang isang chismosa ay pinakialaman ko iyon at doon ko nalaman lahat.

"Paano mo nalaman?"

I shrugged. I may be slow in front of them pero gumagawa rin naman ako ng paraan para malaman kung ano ba talaga ang puno't dulo nang kaguluhang ito.

"Kasi inalam ko." Napailing lang ito at bumuntong hininga.

"So anong plano mo?"

I sighed. I don't know. Walang pweding gawin kundi ang tumahimik nalang at magtago. Iyon lang ang pwedi kong gawin ngayon. Wala kaming laban sa pamilya ko at sa Savanah Servando na iyon. Pero isa lang ang pakakasiguro ko, hindi ko hahayaang makasal si Kuya Ren sa iba. Sa akin lang siya. At gagamitin ko utak ko para maging akin lang siya.

"Hayaan mo muna sila. Sila ang mawawalan ng anak kapag hindi sila gumawa ng paraan."

"Tama ka Insan. Ang hirap palang kalabanin ang sariling magulang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiinis ako sa mga pinaggagawa nila. Mali man ang kamuhian sila pero hindi rin naman nila tayo masisisi dahil sila mismo ang gumawa ng dahilan para kamuhian natin sila ng ganito," sabi niya sa'kin. At tama nga ito ang sakit lang bilang isang anak na malaman na isa sila sa dahilan kong bakit mawawala ng isang iglap ang kasiyahan na nararanasan mo noon.

"Hindi ko alam Insan, hindi ko alam. Siguro mas mabuti ng wala tayo sa bahay. Siguro mas magiging safe tayo dito. I hope so."

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon