#60 - Time Flies

26 0 0
                                    

**

Time Flies.

"Every moment we spent together felt happily ever after."

---

Time flies.

Next week finals na tapos bakasyon na.

Until now hindi pa rin ako nakaka-move on sa isa sa napagandang nangyari sa'kin or rather I say sa'min ni Zandro nung school fair week. Medyo naging famous nga ako sa school eh.

Pano? okay,

Ganto kasi yun.

( Flashback .. )

"Bessy bilisan mo naman! Nag-hihintay si Niko sa baba eh!" Si Wela kasi ang aga mambulabog, excited na sia na isama at irampa si Niko sa school.

Fair week naman kaya okay lang mag-sama ng outsiders.

"Eto na nga oh, easy ka lang kasi. Lalo akong natataranta eh." Atat naman kasi.

Pag-tapos non agad na kaming pumunta sa school.

Grabe ang daming tao, ang daming stalls ng mga pagkain, ang daming pa-games, ang daming booths kumpleto at may tatlong rides na nakapwesto sa field ng school. Rollercoaster, Octopus at Anchor's Away yung mga rides. Cool naman pala eh.

Kung san-san ako hinatak ni Wela kasama si Niko.

"Aray bessy, hinay-hinay naman sa pag-hatak baka makalas naman tong kamay at braso ko.." Natawa tuloy si Niko.

"Ang dami kasing tao! Dapat mauna tayo don.." Aniya. Haynaku parang bata na napunta sa amusement park tong si Wela.

Teka, teka.

"Uy bessy, Uy Wela wait!" Napahinto siya sa pag-hatak sa'kin. "Si Zandro? Boyfriend ko nasaan?" Mas masaya kasi kung nandito si Zandro at kasama namin.

"Nandyan lang yun, wait kalang. Tara na muna dito, sakay muna tayo sa Higanteng Barko.." Si Niko natatawa lang talaga sa reaksyon ni Wela. Hays, no choice ako kundi sumama nalang muna.

Nung nakaupo na kami sa Higanteng Barko kuno na pauso ni Wela, tinext ko si Zandro habang hindi pa naman umaandar yung ride na to.

  ( Writing Message .. )

Me: babe, nasan kaba ha?

Send.

Hays, kasi naman mas masaya talaga pag kasama ko si Zandro. Ingget much lang ako sa dalawa na to! Si Wela naman maka-kapit kay Niko akala mo aagawin ng mga estudyante. HAHAHA. Kaloka na itu!

Pag tapos sa Anchor's Away hindi pa nakuntento ang lukaret kong Bespren, sumunod na sinakyan naman namin yung Octopus, tapos hindi pa man din ako nakaka-move on sa pag-kahilo sumunod naman na sinakyan namin yung Rollercoaster!

Yung totoo?! May balak ba kaming mag suicide? Jusko! Hanggang ngayon wala paring Zandro na lumilitaw sa harap ko, ni anino hindi ko man lang ma-sight.

Nasan naba kasi yun?

Tss.

Ni text or call wala rin. Nako!

"Bessy last na to.." Hirit pa ni Wela. "Horror house tayo?" Nababaliw naba talaga tong babaeng to? Pagtapos magpahilo ngayon naman mag-papatakot? Yung totoo!? Si Niko nga tila napipilitan nalang eh. Hays.

"Ayo--" Hindi pa man din ako nakaka-ayaw, agad na niya akong hinatak papunta dun sa booth ng Horror house. Juskolord!

"Tara na, wala ka nang magagawa.. Bwahaha!" Ano pa nga bang laban ko? Sexy ako, malaki siya? Edi talo ako! Hihihi.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now