#22 - The Limit

90 3 0
                                    

**

The Limit.

"Expect the best, prepare for the worst, forget what others think."

---

Tinignan ko yung CP niya. Agad akong nag punta sa Inbox. Napataas agad yung kilay ko at napakunot naman yung noo ko sa mga nakita ko sa CP niya.

Bes'Vina:

oonga bes eh. miss you na din! :*

- Huat?!' Bes daw?! Babae?! Duh ang landi. Tssss.

Lorielyn:

Samahan mo naman ako. Pwede kaba?!

- Huh?! Ano bang tingin nia sa Boyfriend ko?! Alalay?! Duuuuh.

Nelyn:

Hi daddy.

- Daddy daw?!' Wow huh?!

F*ck lang?! Puro babae yung katext niya. Sa sobrang yamot ko gusto ko nang itapon yung CP niya! Pero syempre hindi pwede, hindi naman to sakin eh.

Bigla nalang akong nawalan ng gana sa mga nabasa at nakita ko. Hindi to pwede! Boyfriend ko na siya! Dapat alam na niya ang mga limitations niya.

"Sino tong mga to?!" Walang ganang tanong ko sakanya. Tumingin naman agad siya sakin.

"Ha?! Babe?! Alin?" Sabi niyang bising bisi sa Cellphone ko.

"Ito oh! Sino tong mga babae mo na to?!" Medyo inis na ako. Then pinakita ko yung nasa inbox niya.

"Babe, mga kaibigan ko lang yan. Yung Vina bespren kong babae yun. Yung Lorielyn ex ko, si Nelyn tropa ko lang yan." Pag eexplain niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Babe, wala akong ibang babae bukod sayo. Ikaw lang naman nag iisa eh." He said sincerely.

Gusto ko sanang maniwala pero nakakainis talaga! Hindi ako papayag ng ganito! Ayoko nang may kahati ako o may ibang babae na umaaligid sa boyfriend ko. Sabi na nga ba chikboy to eh. Mukha palang eh. Tssss!

"Haaaay, ayoko nang ganito." Pabulong na sabi ko. Hindi naman siguro niya narinig kasi hindi siya lumingon. Busy padin siya sa CP ko.

Naalala ko dati lahat ng babaeng umaaligid o lumalandi sa boyfriend ko ay talaga namang inaaway ko! Kahit sino pa yan! Walang takas yan sakin. Bwuahahaha! Kaya naman hindi ako papayag lalo na ngayon na ang gwapo gwapo pa naman nito. Aba! Akin lang siya!

"Siguro may gusto ka sakanila no?!" Biglang tanong ko. Kaya naman napatingin agad siya sakin at ngumisi.

"Wala babe! Walang wala. Ikaw lang ang gusto ko, ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang Girlfriend ko babe." He said sabay halik sa kamay ko. Gusto kong kiligin pero naiinis padin talaga ako.

"Siguraduhin mo yan ah." Paninigurado ko naman.

"Oo naman babe." Sabi niya din. "By the way babe, sino tong Jade?! Lalaki ba to?! Pati tong si Michael?!" Napakunot naman yung noo niya sabay tingin sakin.

Aba! Naghanap din ng igaganti sakin ah.

"Si Jade ex ko din, si Michael friend ko sa isang Bar." I said, di na ako masiadong nag explain.

"Siguro mahal mo pa tong Jade no?!" Pang aasar niya sakin.

Si Jade Guirey, matagal tagal din naging kami. Pero wala na akong balak pa sakanya. Kaibigan nalang ang turing ko sakanya. Buti nga hindi kami bitter sa isa't isa eh.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now