#56 - December To Remember Part.2

27 0 0
                                    

**

December to Remember.

Nagising ako na para bang may nakadagan sa ulo ko at parang pasan ko ang mundo. Wala akong matandaan kung ano nang nangyari kagabi. Nakapikit parin ako dahil ayaw pa talagang dumilat ng mga mata ko ngunit kailangan ko nang tumayo dahil tinatawag na ako ng banyo. Jusko naman! Kaya minsan ayoko ng alak eh. Sambit ko sa aking sarili.

Wala akong nagawa kundi idilat paunti-unti ang aking mga mata. Si Zandro agad ang nakita ko dahil katabi ko lang siya. Nilibot ng aking paningin ang buong paligid para malaman ko kung nasaan ako.

Teka.

Teka!

Teka! Nasaan ako!?

Wala ako sa aking silid. Napatayo ako ng wala sa oras.

Wwhaaaaaaaaaat!? Pft! Pano kami napunta dito?

Narealize ko, nandito na pala kami sa kwarto niya. Mamaya ko nalang itatanong kung anong nangyari kagabi.

Tumingin ako sa orasan. 5:47 ㏂ palang!? Ang aga pa pala jusko! Agad akong nag-lakad palabas ng kwarto parang zombie. Ugh! Parang binibiyak talaga yung ulo ko. Huhuhu. After kong mag-banyo agad din akong bumalik sa higaan at ipinagpatuloy ang naudlot kong tulog.

---
Nagising ako dahil tila may humahalik-halik sa pisnge at leeg ko. Nako! Ito talagang boyfriend ko napaka-sweet mang-gising. Dahan-dahan akong dumilat at napangiti. Gaaahhhd! Ang gwapo niya talaga! Buti nalang at wala na akong hangover.

"Babe, pano tayo nakarating dito?" Nakangiti ako habang nagtatanong. "Wala kasi akong maalala.. Hehehe." Sabay kamot sa ulo.

Tinawanan niya muna ako bago sumagot. Aba! Loko to ah. "Yan kasi, alak pa babe!" Pang-aasar nito saakin. Kumunot yung noo ko. "Dun na kasi sila nag-situlog lahat dahil mga lasing na, since wala tayong pwepwestohan dun edi dito nalang tayo saamin." Aniya.

"Ahh, okay." Sambit ko atsaka ako bumangon. Tumayo ako para lumabas at uminom ng napaka-lamig na tubig. Ggkkkkuuuuurrrrr*  Medyo nakakaramdam na pala ng gutom ang mga alaga ko. "Babe, nagugutom na'ko." Sabay poutylips.

Tumango si Zandro at sinabayan na ako papuntang dining area.

Nadatnan namin sa kainan si Tita Ruby na abala sa pag-hahain ng mga pagkain.

"Oh, gising na pala kayo.. Umupo na kayo't kakain na." Aniya.

Ako naman dumiretso sa harap ng ref. nila para kumuha ng pinaka-malamig na tubig. "Tita, painom po ha.. hehehe." Tumango ito at ngumiti.

"Siya nga pala iha, nandon sa sala yung regalo ko sayo. Happy birthday iha." Sabi ni Tita, wow naman. Na-touch ako deep inside.

Lumapit ako kay tita Ruby at binigyan siya ng marahan na halik sa pisnge. "Super thankyou tita.." tuwang-tuwa na sabi ko.

Papunta na sana ako ng sala kaso ..

"Babe, wait lang." Hinatak ako ni Zandro. "Kumain na muna tayo." Aniya at pinaupo ako sa tabi niya. Pa-excite din ang isang to eh. Wala na akong nagawa kundi umupo na't kumain.

Pagtapos kumain ay agad akong tumungo papuntang sala. Nakita ko ang isang paper bag na may tatak na Plains & Prints. Taray naman nito! Kinuha ko at agad itong binuksan para tignan. Ang nilalaman nito ay isang red dress na sobrang daring! Labas ang likod, grabe! Ang kabog nito pag sinuot ko.

"Nagustuhan mo ba iha?" Biglang nag-salita si Tita Ruby sa likod ko.

"Yes tita! Super po! Thankyou po talaga!" Masayang sabi ko at agad akong nag-tungo sa kwarto ni Zandro upang isukat ito. Sigurado naman na babagay ito sa'kin.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now