#29 - Von & Vec Are Back

64 1 0
                                    

**

Von & Vec Are Back.

"A real friend cares like a Mom, scolds like a Dad, teases like a Sister, irritates like a Brother, and Loves more than a lover."

---

* BbLAaaaGGGgg! 0

"Mhean! Uy Mhean! Oy girl gising! Nakarinig ako nang malakas na lagabog at may boses nang babaeng sigaw ng sigaw ng pangalan ko! "Gising na gising kana jan!" Paulit ulit na sabi pa niya. Habang inalog-alog ako sa kama. Nakadapa kasi ako at nakatalukbong ng unan at kumot.

Teka boses ni Wela yun ha! Ugh! Aga aga naman nang iistorbo! Tss, dapat pala ni-lock ko yung pinto ng kwarto ko eh.

"Gising na! Gumising kana dyan!"

Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil sobrang antok na antok pa talaga ako.

"Uuhhhmmmmm." Sabi ko habang nakapikit pa rin.

Bahala siya jan! Mas masarap matulog eh.

"Bumangon kana jan Ms.Antukin." Boses ng isang lalaki at narinig kong nag tawanan sila ni Wela na makulit. Ang ingay talaga ng bibig nang babaeng yon! Wala akong idea kung sino yung lalaki, parang bago kasi sa pandinig ko e.

⊙.⊙ Yung nakapikit kong mata halos biglang nanlaki sa gulat dahil dun sa narinig ko.

What the!? Sino yung lalaki na nag salita.

Napaharap ako kagad sakanilang dalawa.

"Zandro?!" I said but still Im in a shocked moment. Bakit hindi ko siya nakilala? Siguro dahil iniba niya yung boses niya.

"Oy bruha ka! Kanina pa kami dito ni Papa Zandro! Ang tagal mo magising eh." Pasigaw na sabi ni Wela. Haaaay, ang ingay talaga oh!

"Oo nga babe. Dapat nga dadaganan kana namin ehh." Natatawang sabi ni Zandro. Sinimangutan ko siya. Dadaganan? Isang Macho at isang Bouncing girl? Baka mabalian ako ng buto sa bigat nila.

"Hays, ikaw pala yung kasama nito ni Wela! Bakit ba kasi ang aga niyong mambulabog?" Inis na sabi ko sakanila. Lunes na lunes eh. Ano bang problema nitong mga to? Haaaayst. "Inaantok pa ako eh." Pag rereklamo ko pa. Halller? 7 Am in the morning lang kaya! tssss.

"Edi sige matulog kana jan! Mag gagala nalang kami ni Papa Zandro!" Pang aasar na sabi ni Wela! Ano daw? Gagala? Lunes na lunes gala? Wala bang mga klase tong mga to? Hmmm.

"What? Gala? Wala ba kayong mga pasok?" I said. Bigla namang umupo si Wela sa kama ko at Si Zandro naman ganun din pero sa tabi ko.

Inakbayan ako bigla ni Zandro. "Babe, hindi kasi kami papasok cosz naisip ko na mag joyride. Let's hangout!" He said. Is he serious? Hangout? Hmm, pero mukang cool nga yun ah. Tinatamad din talaga kasi akong pumasok eh. Wala naman kasing gagawin eh.

"Uhhm, San naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanilang dalawa. Nagka-tinginan muna sila bago sumagot. Ang tagal nilang sumagot. Yung totoo? May plano ba talaga sila?

"Actually, wala pa kaming idea kung sa. pupunta eh." Napakamot ng ulo si Zandro at natawa naman ako sakanilang dalawa! Haha! Parang mga baliw eh. "Ikaw babe baka may Idea ka jan?" Nakangiting tanong ni Zandro. Aba! Sira talaga tong dalawang to' nagyayaya ng gala wala naman palang pupuntahan. Ang labo nila!

Nagisip naman agad ako ng idea daw. Hahaha!

"Aha!" Sabi ko, napatingin naman sila agad sakin at halatang excited sa sasabihin ko. "Dito nalang tayo sa kwarto ko!" I said sabay tawa. Tumingin silang dalawa sakin na parang Are-you-serious Look! Haha!

SINCE I MET HIMNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ