#25 - Blessed Sunday

79 3 0
                                    

**
Blessed Sunday.





"Someday you're going to meet someone that makes you happy, makes you feel beautiful and even stands by you even when you feel like you don't deserve them."






---

Ako ay kasalukuyan pang nakahiga sa kama ko, kahit mataas na ang sikat ng araw. Humahanap pa ako ng chempo para bumangon. Medyo inaantok pa kasi ako.

Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko, 8:28 AM na pala. Bigla ko rin naisip si Zandro kaya gising na?!

Kinapa-kapa ko yung table na nasa side ko para kunin yung cellphone ko.


5 Messages Recieved .. ang nakita ko nang umilaw yung screen.

(Opening Inbox)

1 Text message from Mom'
Mom: Mhean, maaga akong umalis ng bahay. May aasikasuhin ako. Kasama ko rin si Ivan. Kayo na munang bahala jan, nandyan naman si Ate Dolores.

- Text ni Mom, Umalis pala siya kasama yung kapatid kong bunso.

3 Text messages from Wela'
Wela: Uy Mhean!

Mhean!

Mhean ano na?!

- Ano kayang problema nito ni Wela!! Nag aalburoto nanaman.

Yung last message galing kay Jade, yung ex ko. Pssssh!

Jade: Uy tara shot tayo?!

- Wow, makapag yaya naman to. Hahaha!

Mag rereply ba ako sakanila?! Ugh! Maya na nga lang, naalala ko pala na expired na yung load ko kagabi habang nag papakasaya kami ni Zandro.

Haaaay, makabangon na nga. Nagtungo ako sa banyo para mag hilamos.

Pag bukas ko ng pinto, may note na nakadikit sa pinto. Kinuha ko at binasa ko iyon.

Mhean, umalis muna ako.
May pagkain na dyan,
Uuwi ako mamaya after lunch.

by: Ate Dolores :)

- Aba, umalis rin si Yaya Dolores?! So kami nalang pala ni Zandro ang nandito sa bahay. Hmmm, exciting to! Hahaha! Chos. Bumaba muna ako para i-Lock yung gate, mamaya pasukin kami dito. Haha!

Makapunta na nga sa kwarto niya.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto ng guess room para buksan.

When i open it, I saw Zandro still masarap na masarap ang tulog. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama actually sa gilid niya.

Pinagmasdan ko lang siya, para siyang isang prinsipe na mahimbing na natutulog. Ang sarap niya pag masdan para akong nasa langit. Ang gwapo! haaaaaay. Kung ganito ba naman ang bubungad sakin pag gising ko sa umaga edi ayos na ayos.

Dahan dahan kong hinahaplos yung buhok niya pababa sa pisngi niya.

"Mahal na mahal kita babe, at ayokong mawala ka sakin. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko." Sinasabi ko ng mahina habang hinahaplos parin ang buhok at pisngi niya.

Bago pa siya magising naghanda na ako ng extra Tshirt at Shorts na isusuot niya. Amoy alak na kasi yung suot niya. Mas maganda kung mag sshower na muna siya pag gising niya. Panigurado to may H.O to!

"Uhmmm." Narinig ko siyang umimik ng kaunti at dahan dahan niyang minulat yung mga mata niya.

"Goodmorning babe ko!" Sabi ko habang nakangiti at nakatitig parin sakanya. Ngumiti rin siya habang napapa pikit-pikit pa.

SINCE I MET HIMМесто, где живут истории. Откройте их для себя