#7 - Secret On.

136 3 0
                                    

**

Secret On.

"You have no idea, how fast my heart races when I see you."

---

As days goes by, lalong nag paparamdam si Carlo sakin na parang gusto niya din ako. I can feel it.

Ako naman ganun padin ang pakikitungo ko sa kanya, pero parang nahuhulog na din ako na hindi ko maintindihan.

Mula noon, napadalas na ang pag inom inom namin kasama ang mga kaibigan niya na kaibigan ko na din.

---

Habang nag iinom kami. Bigla siyang nag kwento at nag salita. Nakikinig lang naman ako habang nakatingin sakanya.

"Alam mo yung gf ko ngayon, ilang araw na kaming di nag uusap. Niloko nanaman nya kasi ako." Medjo dismaya yung muka nya habang kinekwentuhan niya ako.

"Pano ka naman niya niloko!?" Tanong ko sakanya, napapaisip din ako.

2years na sila pero yung babae lang yung nanloloko, Ayos din enu!? Maganda ba yun!? Haha!

"Nahuli ko sa FB na may nagugustuhan na siyang iba, ang matindi pa inamin niya sakin na gusto niya rin yung lalaki." He said softly and I feel na nasasaktan siya.

Napaisip nanaman ako, Wow ha! Ang galing nung babae, kung tutuusin swerte na nga siya kay Carlo kasi ramdam kong Mahal na mahal siya eh.

"Ayweh!? bakit naman kaya!?" tanong ko sakanya. Tuloy parin siya sa pag kwekwento habang ako nakatingin sakanya at nakikinig.

Nagulat ako sa sinabi niya na ..

"Alam mo, nakipag break na ko sakanya, Ayoko na. Nakakasawa na gagawa nalang siya ng kasalanan tapos pag bibigyan ko nalang siya lagi." Kwento pa niya, hmmmm.

Sabagay may punto naman siya dun eh. Binigyan ng SecondChance pero sinayang niya pa din yun. Ang tanga ni Girl! Haha!

Di ko alam pero parang natuwa ako sa nangyari sakanila, na parang na sesense ko na may feelings na siya sakin kaya ganun nalang kung i -give up niya yung babae.

Tuloy lang ang kwento ..

Madami na akong nalaman tungkol sakanya at sa buhay buhay niya.

Kaya naman mas nakilala ko siya at mas naging kumportable kami sa Isat isa.

---

One day umamin sakin si Carlo.

Hanggang sa umamin na siya.

"Alam mo, tutal single na ako, Single ka naman, Can I court you!? If it is Okay?!" He said seriously. Sabay ngiti sakin.

Nagulat ako As in! Kasi nga diba!? Kakabreak lang nila last 2 weeks, 2 years ang samahan nila tapos naka Move - on siya kagad!? Ano to!? Napaisip naman ako.

Wala naman sigurong masama kung ita'try diba!?

Napaisip muna ako bago sumagot, at huminga ng malalim.

"Seryoso kaba jan!? Pano yung ex mo!? Bakit moko nagustuhan!?" Tinitignan ko lang siya at inaantay ang sagot niya.

"Masaya kasi ako kapag kasama kita, besides matagal na din kitang gusto. Dati nga hanggang tingin nalang ako sayo, Idol kita eh. Pero ngayon, akalain mo!? Kaharap na kita, kausap na kita." Medjo nakaramdam ako ng Butterflies sa tyan ko. Natawa naman din ako sa sinabi niya na Idol niya ko! Haha! Bakit ano bang ginawa ko para maging Idol niya!?

"Ano!? papayag kabang ligawan kita!?" tanong niya ulit habang nakangiti at halatang nag hihintay ng isasagot ko kung Oo o Hindi.

"A-ahm, Oo-Oosige papayag na ako na manligaw ka." Nakangiti naman ako at tumango sakanya.

Bakas sa mga muka niya ang tuwa dahil pumayag akong mag paligaw.

Ako naman, may parte parin sa isip ko na gulat dahil sa desisyong agad agad kong binitawan ng araw na iyon.

---

Pag uwi ko sa bahay, bago matulog habang nakahiga ako napapa isip padin talaga ako sa nangyari na Napa OO niya ako.

Parang ang dating kasi baka maging panakip butas lang ako e diba nga kaka galing niya palang sa break up.

Nakatulog na pala ako kakaisip.

Kinabukasan, nag kita kami sa School kasi ihahatid niya daw ako sa Room ko. Well, okay lang sige ihatid niya ko tutal nanliligaw naman siya eh.

"Sige na pasok kana, Later nalang ulit." Ngumiti ako, tumango lang siya at umalis na para pumasok rin.

Vacant na pala. Sawakas tapos na yung klase kong nakaka antok talaga. Haaaaay sarap na umuwi.

Pumunta nako kaagad ng Plaza, pag dating ko naman dun. Lahat nakatingin Awkward naman nila.

Anong meron sakin!? Haha! Bungad palang nakita ko na si Carlo at ang mga klasmate niya na tambay dun doon.

Umupo naman ako sa mga upuan na nanduon, Pag upo ko tumabi sakin si Carlo.

"Wag mo munang ipa alam na nanliligaw ako sayo ah, Saka nalang muna sa tamang panahon na." He said softly.

Huh!? Ano daw!? Anong tamang panahon naman yun!? Kapag sinagot ko na siya o Kapag naka Move-on na siya. Hmmm.

"Ah ganun ba, okay sige ikaw bahala." Tumango nalang ako at ngumiti. Napapaisip nanaman ulit ako sa mga sinabi niya.

"Be Proud to your Loveones."

---

Lumipas ang mga araw, tuloy parin ang sikretong pangliligaw niya.

Dumating na din yung araw na sasagutin ko na siya napag isip ko din kasi na Okay naman siya, at unti unti ko na siyang nagugustuhan dahil sa mga pinapakita niya sa akin.

I say Yes, yes we're officially in a relationship now.

Pero ..

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko lang pinahalata.

"Hm. pwede bang Secret On muna tayo!? wag muna natin ipa alam para walang mangialam satin." Sabi niya sakin habang kumakain kami.

Sa totoo lang ayoko ng ganun, kaso sinagot ko na siya alangan namang bawiin ko pa.

Nandito na to, Push ko nalang to. Nasa skanya nalang kung seryoso ba talaga siya o Hindi.

Napa OO niya ako, sa Set up namin na to. Haaaaay, okay bahala na talaga eto na to eh. Lord kayo na bahala.

---

Lumipas ang mga araw na ganito ang sitwasyon. Lahat patago, lahat dapat palihim.

Pero masaya na rin ako kasi ramdam kong Mahal naman niya ako. Ginagawa naman niya ang parte niya bilang boyfriend kahit na Ako lang ang nakakakiya nito.

"Iloveyou piglet." Sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko.

"Iloveyou too Carlo." I said and smiled at him completely.

**

Sometimes, there are secrets you want to shout and proud saying it.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now