#36 - Timeless

54 1 0
                                    

**

Timeless.

---

( Dialing Wela's Number .. )

Dapat sagutin niya agad. Ring lang ng ring, di pa rin sinasagot. Hala!?

End Call ..

Kainis naman! Kung kelan kailangan ko siya eh.

( 1 Message Recieved .. )

Wela: Gaga to! Nasa klase pako eh. Bakit ba?

- Nagtext siya, ayy kaya pala.

Me: What time uwian mo? Bilisan mo emergency ehh. :(

- Yan, para mag panic siya.

Wela: What happened? Wait teka bibilisan ko na. Nasan kaba?

- Sabi sainyo eh, mag papanic yan. Haha!

Me: Parking lot lang. Okay bilisan mo!

- I replied.

Nandito na ako sa parking lot. Maaga kami pinadismiss kaya nauna na ako dito, at may mahalaga pa kaming appointment ni Wela eh.

Maya maya lang ..

"Mhean! Mhean!" Agad akong lumingon sa sumisigaw. Si Wela nandito na. Lumapit agad siya sakin. "Anong nangyari sayo?" Halatang nag aalala tong si Piggy ah.

"Wala nama--" Sabi ko, pero agad siyang sumingit. Natawa tuloy ako sa reaksyon niya.

"Langya ka! Nagmadali ako para makalabas agad tapos wala naman palang nangyari sayo!" Inis na sabi niya. Naku! Mukang nag alala talaga siya. To talagang bespren ko!

"Sorry na, I need your help naman talaga eh." I said. "Samahan moko sa Mall." Sabi ko.

"Mall? Bakit? Naku! Ilibre moko ha? Dahil sa ginawa mo." Sabi niya pa. Sabi na e, may kapalit to. Haha! Naku! Kung hindi ko lang siya kailangan eh.

"Oo na, oo na." Sabi ko. "Pero may plano ako, can you do me a favor?" I asked. Nagtaka siya.

"Hmm. Oo naman sige! Ano ba yun!?" Tanong niya.

"So ganito kasi yun.. Blah blah blah.." Ayan, basta ang plano ay kunyare siya yung bibili ng relo. Pagdating sa mall hihiwalay siya samin para makabili na siya then magkikita nalang ulit kami after nun. Nag nod lang siya at sumakay sa plano.

Kinwento ko kaagad yung nangyari at yung plano namin para kay Zandro. Dapat kasi makabili na mamaya dahil bukas na yung monthsary namin.

"Thankyou talaga huh!?" I said.

"Baliw ka! Emergency kapa jan yun lang pala. Wala yon! Basta ikaw." She said at pinisil yung ilong ko! Ouch huh! -____-

Naghintay pa kami ng 30mins. at sakawas dumating na yung gwapo kong boyfriend.

Tinignan ko na si Wela at gets na niya yun na umpisa na ang plano.

"Sorry, pinaghintay ko yata kayo." Sabi ni Zandro nang makalapit siya saamin. Ngumiti lang ako at umiling.

"Ay hindi! Grabeee ang bilis mo nga eh." Sabi naman ni Wela, pero nag jojoke lang yan! Ganyan talaga yan mag salita mahilig mambara eh.

"Tara na." Sabi ko. Then lahat kami sumakay na sa loob ng kotse.

After 30mins. nakarating rin kami sa mall. Nauna na kaming bumaba ni Wela dahil ipapark pa ni Zandro yung sasakyan.

"Alam mo na ha?" Sabi ko kay Wela. Nag nod naman siya at ngumisi.

SINCE I MET HIMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora