#4 - Single Days.

174 3 0
                                    

**

Single Days.

" Being single doesn't mean you're weak; It means you're strong enough to wait for what you really deserve."

---

Masaya ako ngayon, single na single and ready to mingle. Haha!

Dahil single ako, nagagawa ko lahat ng gusto ko nang walang iniisip dahil alam ko namang walang pipigil sakin dahil Single nga ako!

Sakto nga naman ang pagka single ko dahil bakasyon na ngayon kaya malamang neto abala nanaman ako sa pag gagala, pag hahanap at pag hihintay. Hahaha!

Sarap sa feeling, inom dito, inom dyan, Gala dito, gala dyan, Landi dito at Landi dyan. Lagi ko na ring nakakasama yung Aport ko. Ang saya!

"Oy Mhean!? Sinong boyfriend mo ngayon!??" tanong sakin ni Ace. Tropa ko. Lahat sila nakatingin sakin.

"Gagu, Single na kaya ako!" Sigaw ko sakanila sabay tawa ng malakas.

Nako! panigurado, kakantyawan nanaman ako ng mga to! Di kasi sila sanay na single ako! Ahahaha! ganyan ako mapagmahal kasi.

"Ulul' Ikaw Single!??" Nagtawanan ang lahat sa tambayan, mga gagu talaga. ayaw pang maniwala sakin! hahaha! Minsan na nga lang maging single ehh.

"Bahala nga kayo jan" Sabi ko sabay lakad paalis ng tambayan

Haha! haynako, ito talagang mga kaibigan ko mga may sapak sa ulo!

Maka uwi na nga ..

Mag gagabi na pala, Lagi nalang gabi ang uwi ko! Haaaaaay. Pagod much!

---

Pasukan na din ng 2nd'Sem. H

Naglalakad ako sa hagdan, nakasalubong ko si Tin.

"Bie, kumusta na!??" Sabi niya at bigla siyang huminto sa pag lalakad. Ganun din naman ako.

"Eto Okay naman, single na." I said sabay ngumisi ng mahina.

"Oo nga bie, nabalitaan ko yung kay Miko. Hayaan mo na yun, marami pa namang iba jan eh." She said, I nodded to him. Tama naman siya ehh marami naman talagang iba jan.

"Oo bie, susundin ko yang advice mo. Sige na, nextime nalang. May class pa kasi ako, ingat ka bie." Sabi ko. Umalis na ako. Tumango naman siya.

Kinakabahan ako wala nanaman akong kilala pano kasi irreg na nga ako!

Kainis naman, pag ganito pa naman tinatamad akong pumasok!

Ang hirap pa naman kumilos kapag wala kang kakilala sa klase mo, feeling ko lahat sila tingin sakin ay others! haaaaay. Bahala na nga! 

---

Nagtake ulit ako ng Algebra, natuwa ako dahil klasmate ko ang Ex ko, Si Paulo siya yung nauna kesa kay Miko.

Hindi ako bitter sakanya kasi naman mabait siya at tropa talaga kami nito.

Kaya ayun buti nalang talaga may mkakasama nako. Salamat talaga kahit papano hindi ako nag iisa. haaaaaay. 

Lagi kaming magkasama, pag vacant niya at vacant ko sinasamahan niya ako.

---

Pumunta kami ng Plaza, dahil sasamahan ko siyang mag yosi.

Take note, sasamahan ko lang siya dahil hindi naman talaga ako nag yoyosi ehh. Kahit papano naman goodgirl ako nu! Hahaha!

"Tara samahan moko sa plaza, saglit mag yoyosi ako." yaya niya. I nodded to him.

Pagpunta namin ng Aurora plaza, ito yung lugar sa tabi ng School na kung saan madaming kainan, tindahan at computer shops.

Kaya talagang araw araw, napupuno ng estudyante dito. In short Tambayan ito.

Pag dating namin sa dun, bumili na siya ng Yosi naupo kami sa may Gilid sa may bandang unahan ng Plaza.

Sa tapat namin dito nag kukumpulan ang mga Marine students ang dami nila.

Parang may pamilyar na muka akong nakita sa mga nakatambay dun.

Pilit kong tinitigan ang isa sa mga marine na nakatambay doon. Parang may pamilyar kasi na mukha akong nakita. Hmmm.

Parang si Carlo Calim yun ah. Siya nga yun. Di ako pwedeng mag kamali, Dito pala siya nag aaral.

---

Si Carlo Calim, alam niyo ba kung bakit ko siya kilala matagal na actually since Highschool pa lang ako kilalang kilala ko na siya.

Ganito kasi yan ..

* (Flashback) *

Yung kapatid kong kambal na si Vec at Vonne, nag tataekwondo sila at si Carlo calim isa sa mga kateamates nila at tinuturaan din ni Carlo ang mga kapatid ko kaya kilala ko na siya, Tuwing may laban ang kapatid ko nanunuod ako at napapanuod ko din siyang lumaban. Magaling siya mag laro, Isa palang ang talo niya.

Kaya ko siya nakilala dahil dun.

---

Niyaya ko nang umuwi si Paulo, tinamad nakong tumambay sa Plaza, pero infairness busog yung mga mata ko! Haha! Landi lang!

Paguwi ko sa bahay, nagpunta agad ako sa room ko, then tinawag sa kwarto yung kapatid kong kambal na nasa kabilang bahay.

Dalawa kasi ang bahay namin, isa kay Mom isa kay Lola.

Dito ako nakatira kila lola, kasi dito nagagawa ko ang gusto ko, Nabibigay nila ang gusto ko! That's why Im leaving with my granny.

"Yes sis!?" Vec said. Naupo siya sa gilid ng kama ko.

"Hey, remember Carlo!? Carlo Calim ba yun!? Yung kateam niyo sa taekwondo!? I saw him kanina sa school." I said habang nag papalit ng damit.

"Really!? Kuya Carlo!? Gwapo yun ah. Gwapo pa din ba!?" She asked na parang interesado. I nodded.

Actually, he's kinda cute guy.

Tuloy tuloy lang yung kwentuhan naming mag kapatid habang ako nahiga na.

**

Feel free and beautiful.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now