#52 - My Strength.

41 2 0
                                    

**

My Strength.

---

Lingon dito, lingon 'dun, lingon dyan. Ang tagal naman ni Wela! Huhuhu. Bat ganon parang umiikot yung mga tao dito sa library. =__=" Anyareee? Hhuwwaaaaa!

Sabi niya bawal raw ma-late, eh siya nga tong kanina ko pa hinihintay! May usapan kasi kami papatulong ako dito sa Programming na homework ko eh! Homework pala eh, dapat sa home ginagawa! Eh gusto ko dito sa school eh. Magagawa mo?! Tssss.

Tawagan ko na nga!

*cough! cough! Ugh! Sabayan pa ng ubo. Sana naman wag na sipon kasi nakakainis na yun! (--") Huhuhu. Dapat kasi hindi na talaga ako pumasok eh.

  (Dialing .. Wela's Number)

"Huy bes!" Ayan sumulpot bigla dito at umupo sa tabi ko.

"Ang tagal mo! Tatawagan na sana kita eh.." Tingin sakanya. "Kumain kana ba?" Tanong ko.

"Hindi pa nga bes eh, ano tara?" Nagisip isip muna ako, parang wala akong gana kumain kase! =__=" "Okay kalang ba?" Worried na tanong niya. "You look pale.. o baka warla kayo ni PapaZandro?" Eh? Do I look like a zombie? Hmp! Kahiya naman ang beauty ko nasan na? Tss. Naku! Kamuntikan na kaya kanina na-high blood kasi ako eh.

Umiling-iling ako. "Hindi naman kami magkaaway.." Sabi ko, habang nanginginig dahil sa lamig. "Uyy bes, patulong naman dito oh." Iniabot ko yung notes ko para ipakita yung assignment ko na hindi ko pa nasasagutan kasi naman nahihilo ako!

Kinuha niya ito at tinignan. "Okay sige, I know this girl! Sisiw lang to. Peram ballpen bilis!" Pinahiram ko yung ballpen ko at nagsimula na siya sa pag-sagot.

Habang nagsasagot siya, yumuko ako at pansamantalang sinubsob ko ang mukha ko sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Ang sakit ng ulo ko! Eeeeeerrrrrrr.

Maya-maya pa ay kinalabit na'ko ni Wela. "Bes, I'm done! Oh diba sabi sayo sisiw lang eh." Oo na ikaw na matalino dyan! Hmp! Sigurado kaya siyang tama to lahat? Okay, tiwala lang.

"Sige amina, thankyou bes.." Nanlalatang sabi ko. "Nahihilo ako.." Sabay hawak sa ulo ko.

I saw her with a curious expression. "Hindi kaya.. Preggy ka? Oh my--"

"What? Crazy ka talaga! Hindi ako preggy, masama ang pakiramdam ko." OA naman buntis agad porket nahihilo lang. Luh?

Hinipo agad ni Wela yung ulo ko. "Naku bes, parang ang init mo nga.." Hinipo niya pa yung leeg ko. "Gusto mo magpunta sa clinic?" She asked.

"Sige tara, samahan mo'ko then kain na tayo after." Umalis kami ni Wela sa Libary at nagtungo sa clinic.

Pagdating namin sa clinic agad akong inasikaso na'ng nurse na nandon. Si Wela naman naupo lang muna sa mga bench na nasa loob ng clinic. "Yes Miss?" Tanong nung nurse na lumapit sakin.

"Masakit po kasi yung ulo ko, tapos nahihilo rin po ako." Sabi ko.

I saw her took a device for measuring a temperature. "Let's see if you have a fever." Then itinapat niya sa tenga ko yung device na 'yun. After a while, "You have a fever Miss, 38.6. Mataas yan, kumain kanaba?" Tanong ni Nurse.

Wow! May lagnat na pala ako, ang taas naman nyan kaya pala para akong lasing na umiikot yung paningin eh.

"Hindi pa po.." Wala nga kasi akong gana. Uughh!

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now