#58 - Surprise Comeback

24 0 0
                                    

**

Surprise Comeback.

( New Year's Eve .. ) - Dec. 31

Nandito lang ako sa loob ng bahay, hindi ako makatagal sa labas dahil sa dami ng mga nag-papaputok at sa kapal na rin ng usok na halos hindi na ako makahinga ng maayos. Wag lang sana akong hikain bukas pag-kagising.

"Dre, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Vec.

Tumango naman ako. "Sakto lang naman, wag lang sana ako hihikain ngayon." Sabi ko naman.

( Incoming Call .. )

Samsung tune ..

Opps, may tumatawag pala.

Babe'ko.<3 Calling ..

Sinagot ko naman agad yung tawag ni Zandro.

[ Hello babe.. ] Bungad ko sakanya, pag-sagot ko nung tawag.

[ Hi babe! I miss you.. Happy New year pala! ] Maagang bati nito sa'kin.

[ Happy New Year din, miss na miss na miss na miss na kita babe.. ] Mahahalata mo sa boses ko ang lungkot.

[ Dibale babe, ilang araw nalang uuwi na'ko dyan.. wag ka nang malungkot, okay? ] Aniya.

[ Okay sige, hindi na nga.. gawa mo babe? ] Tanong ko para maiba naman ang usapan.

[ Nandito lang sa labas nag-iihaw ng isda. Ikaw babe? Wag kang mag-bababad sa labas, mausok baka mamaya hikain ka nanaman. Wala pa naman ako dyan para mag-asikaso sayo.. ] Nag-lalambing na sabi nito.

[ Opo Boss Zandro! Masusunod po. Hehehe.. sige na babe, madami pa kaming gagawin.. ] Sabi ko naman.

[ Okay babe, inuutusan rin ako ni Mama eh. I love you so much! ] Lalo ko tuloy siyang namimiss! Aaarggh!

[ I love you more babe.. Ingat sa paputok ha, wag kung san-san! ] Pabirong sabi ko.

Natawa ito. [ Sira ka talaga babe.. ]

End call.

Huminga ako ng malalim atsaka tumayo mula sa kinauupuan ko. Makapag-selfie na nga lang muna! Nag-selfie-selfie kaming mag-kakapatid, puro stoleb shots naman kila Mama at Ya'Dolores. Tawa ako ng tawa sa mga pinag-gagagawa ko.

Binigyan kami ni Mama ng kanya-kanyang torotot, nag-sindi rin kami ng fountain at lusis, si Mama naman nag-paagaw ng barya.

Ang saya!

Pati mga kapit bahay ay naki-sali. Nag-lagay nalang ako ng face mask para makalabas ako ng bahay.

Tumingin ako sa orasan para malaman kung malapit nabang mag alas-dose.

11:57 na sa orasan namin. Syet! Ilang minuto nalang pala putukan na!

5
.
.
.
.
.
.
4
.
.
.
.
.
.
3
.
.
.
.
.
.
2
.
.
.
.
.
.
1 "HAPPY NEW YEAR EVERYONE!"

PUTUKAN NA! Sabay sabay na ingay ng putok, torotot, barya at sigaw ng mga taong masasaya ang maririnig mo sa pag-salubong ng bagong taon! Tumalon-talon pa nga ako sa paniniwalang may itatangkad pa ako! Hahaha!

The best talaga ang new year! Sayang lang at wala si Zandro aT ang bestfriend kong si Wela.

Tinext ko nalang sila upang iparating ang maligayang pag-bati ko ng bagong taon.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now