#53 - One of My Wish.

53 2 0
                                    

**

One of My Wish.

"I wish upon a star, I hope it will granted."

---

"Goodmorning Sir, sorry po ngayon lang ako nakapasok." Kabado akong nagpunta sa harap para kausapin yung Prof. ko sa first subject ko. "Sir, this is my excuse letter." Then pinakita ko kay Sir yung letter na hawak ko.

He opened it and read it. "May asthma ka pala, so bawal kang mapagod.." Nakangiting sabi ni Sir na medjo napapailing-iling pa. "Nagquiz kami kahapon, punta ka sakin mamayang after class sama ka sa faculty para makapag-quiz ka." Ang bait naman ng Prof. ko.

"Sige po Sir, thankyou po." Nakangiting sabi ko saka ako tumalikod at bumalik na ulit sa upuan.

Hayst, halos 1'week rin akong hindi nakapasok dahil sa sakit ko at asthma na yan! Magiging busy tuloy ako this week, para makabawi. Tapos nextweek naman 6'th Months na namin ni Zandro. Akalain mo yon? Half a year na kami.

After ng first subject ko, sumama ako kay sir para magtake ng special quiz then pagtapos ay dumiretso ako sa Library para kitain yung Bff ko na miss na miss ko na.

"Uy gaga ka!" Sabay yakap sakin ng mahigpit pag upo ko sa favorite spot namin.

"Easy naman bes! Baka hindi ulit ako makahinga!" Matawa-tawang sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap sakanya. "Namiss mo talaga ako no?" Dagdag ko.

"Oo, bruha ka talaga bes! Ang tagal mong nagkasakit e! Akala ko chugi kana.." Hinampas ko siya ng mahina habang natatawa kaming dalawa dito sa Library.

"Walangya ka! Papatayin mo pako! Hahaha." Sumimangot naman ako. "Hindi ka nga dumalaw sa bahay eh." I said and pout my lips.

"Naku friend, alam mo naman na busy ako sa pag-aaral diba?" Nakakalokong sabi niya.

"Sus, maniwala ako sayo?!" Sabay tawa. "Teka, nag-lunch ka na ba? Tara?" Yaya ko sakanya.

Habang naglalakad kami palabas ng Library, biglang tumunog yung cellphone ko.

(Incomming Call ..)

*(Babe'ko. Calling ..)

Si Zandro tumatawag, kaya kinuha ko ito agad sa bulsa at mabilis na sinagot.

[ Hello babe! ] Sabi ko pagsagot nung tawag. Si Wela naman pangisi-ngisi dito sa tabi ko.

[ Nasan ka? Nandito ako sa gate ng campus, tara lunch tayo babe. ] Nice, right timing si Zandro.

[ Okay babe, wait mo kami dyan ni Wela. Okay? ] Sabi ko saka pinutol yung tawag.

"Si Fafa Zandro ba yan?" Wela asked and I nodded. "Sige sige, buti naman dumalaw siya dito para makita ko naman siya." Dagdag pa niya.

Paglabas namin sa gate, nakita kong nakapark yung sasakyan ni Zandro sa katapat na building. Tumawid kami para puntahan siya sa sasakyan.

"Babe.." My voice reached to call him.

"Fafa Zandro!!" Si Wela naman pasigaw na bumati sakanya.

"Hi girls, sakay na it's my treat." Wika niya. Sumakay na ako sa front seat, at si Wela sa back seat syempre. "Okay, san niyo gustong kumain?" Tanong samin ni Zandro.

Since naka-sasakyan kami tumungo na kami sa Mall na medyo malapit sa school para mabilis lang, may next subject pa kasi kami ni Wela bago yung uwian.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now