#16 - Introducing Him.

120 2 0
                                    

**

Introducing Him.

"Marami namang pwedeng mahalin, Mahirap lang humanap ng taong deserving."

---

"Uy Mhean, so how's your date with Zandro yesterday!?" Biglang tanong ni Wela, habang nakaupo kami dito sa Library. Napangiti ako sa tanong niya.

"A-aaahhhm." Nakangiti padin ako, at napataas ang kilay niya dahil hinihintay niya na kwentuhan ko siya sa nangyari sa date namin.

"Mhean naman oh!" pasigaw na sabi niya, sinita tuloy kami nung guard. "Pinapa excite mo kasi ako ehh, ano naba kasi nangyari sa date niyo!?" She asked with pity expression. Napangiti nanaman ako! Baka batukan nako nito. Haha!

"Ganito kasi yun." I said, sabay buntong hininga at ipinatong ang kamay ko sa lamesa. "Nagdate kami sa mamahaling resto, then kumain, nag usap tapos nagtapat siya sakin .. hmmm" Binitin ko yung kwento ko kay Wela. Napa smirk tuloy ako dahil excited na siyang malaman yung pinagtapat sakin ni Zandro.

"Nu ba to' nambibitin naman ng kwento." Muntik nanaman siyang sumigaw! Haaaaay, natawa tuloy ako.

"Oo na eto na, sasabihin ko na." Huminga ako ng malalim then smile. "He's courting me at sabi niya na gusto niya ako." I said habang kinikilig-kilig pa!

Si Wela naman, nagulat na ammuse sa binalita ko sakanya. Kahit ako, kapag naalala ko yun di ko maiwasang hindi kiligin eh.

Halos kiligin kaming dalawa habang kinekwentuhan ko pa siya tungkol kay Zandro.

"Nga pala, nakapag enroll kanaba!?" Napatingin tuloy ako kay Wela then smirk, naalala ko di pa pala ako nakakapag enroll. Hmp!

"Nope, sabi kasi ni Zandro, sabay daw kami mag enroll mamaya e." I said.

"Haynako, start na ng klase sa monday di kapa din enroll!? Pasaway ka talaga." Sermon sakin ni Wela, natawa ako habang nakatingin sa CP ko.

Biglang may nagtext at alam kong si Zandro yun, malakas ang pakiramdam ko sakanya. Agad ko naman chi'neck ang inbox, excited kasi ako sa text niya. Namimiss ko na agad siya kahit kahapon nagkita naman kami. Hmmmm.

Opening Message ..

Hindi nga ako nagkamali si Zandro nga ang nagtext.

Zandro: Hello Yam, Ahhm. Where are you!? Pwede ba kita yayaing mag lunch!? My treat!?

- Text niya sakin na halos hampasin ko na si Wela sa kilig na nararamdaman ko! OMG! Lunch!? Edi parang nagdadate nanaman kami nun.

Agad agad naman akong nag reply syempre, excited akong makita siya.

Me: Nandito ako sa Library yam.

Sure, okay lang. Hindi pa naman ako kumakain eh.

- text ko.

Zandro: Okay, wait me there. Sunduin kita jan then labas na tayo.

- text niya, di nako nag reply. Hihintayin ko nalang siya.

Si Wela naman patuloy padin sa pag babasa ng libro dito sa tabi ko. Ako naman hinihintay padin si Zandro.

Maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang may tumakip ng mga mata ko mula sa likod. Huminga ako ng malalim at nag salita.

"Nako! Kilala kita!" Sabi ko dun sa taong tumatakip ng mga mata ko.

Hinawakan ko yung mga kamay niya, ang lambot naman parang kamay ng babae. Haaaaay. Narinig ko si Wela panay lang ang tawa.

SINCE I MET HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon