#23 - Prelims Part. 2

83 3 0
                                    

**

Prelims.

"Don't make things so complicated."

---

*Tok tok tok!

Nagising ako sa ingay ng katok sa pinto ng kwarto ko. Sino ba yun?! Istorbo naman eh! Ang sarap sarap pa naman ng tulog ko! Ughh!

*Tok tok!

Tumayo ako kagad para buksan yung pinto.

"Mhean, may bisita ka sa sala." Sabi nung maid na si Ate Dolores. Alam ko na kung sino yun, sino paba?! Edi si Zandro. Alam ko kasi na susunduin niya ako eh.

"Papuntahin mo dito sa kwarto ko." Sabi ko sa maid, tumango lang siya at tumalikod na ulit.

Buti nalang maagang umalis sila Mom para pumasok sa work. Okay lang naman siguro kung dito muna siya sa kwarto ko.

*Tok tok!

"Come in." I said habang nakatalikod at nag hahanap ng susuotin pag pasok, wash day kasi ngayon. Dapat civilian.

Biglang may yumakap mula sa likod ko.

"Goodmorning babe." Sabi niya, sabay patong ng ulo niya sa balikat ko, nakayakap parin siya mula sa likod.

"Ang aga mo naman babe." Sabi ko. "Goodmorning din." Bati ko din sakanya. Humiwalay na siya sa pag kakayakap at umupo sa gilid ng kama ko. Hinanda ko na yung susuotin ko at inilapag sa kama.

"Ang aga?! Babe talaga oh, 8:30 na nga eh." Sabi niya at napakamot ng ulo. Natawa naman tuloy ako.

"Nag breakfast kanaba?!" Tanong ko sakanya, ang aga aga kasi baka hindi pa siya nag almusal.

"Oo naman. Ikaw, alam ko hindi pa, halatang kakagising mo lang oh may muta kapa!" Pang aasar niya sabay tawa! Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Ha?! Wala naman eh." Habang nakaharap ako sa salamin.

"Maligo ka na nga, ang bantot mo na!" Pang aasar niya ulit. Tinignan ko siya at naningkit yung mga mata ko. Tawa lang siya ng tawa.

"K. Fine!" Kunwaring inis na sagot ko, sabay kuha ng towel at nagpunta na ako ng banyo para maligo. Siya naman ayun' nakaupo sa kama at pangiti ngiti parin.

Aba! Ang aga naman mang asar nitong lalaking to! Ano tingin niya sakin pikon?! Hahaha! Duhhh?!

After ko maligo' nagiisip ako kung paano ako lalabas sa bandyo! Ugh! Nakakahiya naman kay Zandro na naka tapis ako ng tuwalya diba?! No way! ~__~

Sumilip ako ng kaunti sa pinto para tignan kung nandun pa siya, tanaw kasi ng kaunti dito sa banyo yung kalahating parte ng kama ko. Buti nalang talaga may sarili akong banyo sa kwarto para hindi na ako labas-pasok ng kwarto kung sakali.

Pag silip ko, napansin kong wala siya roon. Agad naman akong lumabas ng banyo at ni'lock ko yung pinto. Shit!' kailangan kong mag madali nito baka umakyat na yun agad agad!

Binilisan ko mag bhis ng under garments ko! Nag Tshirt agad ko at shorts muna, hindi pa naman kasi kami aalis. 9:00 am na, aabot pa naman siguro kami nito.

*Tok Tok!

"Pasok." Sabi ko.

*Tok tok!

Saka ko naalala, ay Shit!' naka lock pala yung pinto. Nu ba yan! Haha! Agad ko naman binuksan yon. Pag bukas ko, na amaze ako sa dala ni Zandro.

"Babe, breakfast in bed." Sabi niya habang hawak yung tray na may pagkain at inumin.

SINCE I MET HIMNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ